Chapter 54 Jesirey’s Pov NAPAG USAPAN namin ng mga kaibigan kong si Zeref at Gray na mamuhay na ng normal dahil sa pagtiwalag namin sa grupo ng Viper Crew. Masaya naman ako sa naging plano pero hindi ko maiwasang malungkot lalo na ng maalala ko si Kissiah. Alam ko kasing tinulungan niya ako upang hindi ako masaktan ni Mavros. Iniisip ko siya at baka mapahamak siya sa kamay ng big boss namin. Masama ang ugali ng big boss ko. Mukha lang siyang mabait. Katulad siya ni Love na para bang maamo ang mukha. Ngunit ang pinagka iba ay pa iba-iba siya ng pangalan. Kailangan niya yun para sa mga transaction niya. Minsan ay siya si Hans o minsan naman ay Van. Pero ang tawag lang namin sa kanya ay big boss. Ang alam ko ay may fiance siya na isang Pilipina lang din. Kung tama ang pagkakadinig ko

