Chapter 55 Demetrius Pov NAKARATING na kami sa subdivision. Kasama ko sa sasakyan ay si Honey na siyang driver namin ngayon. Nasa passenger seat naman si Love. Katabi ko ang babaeng mahal ko na nakatulog buong biyahe. Sa haba kasi ng biyahe namin ay talagang aantukin. Mabuti na din na natutulog siya upang hindi niya marinig ang pinag uusapan nila Love at Honey. Hindi na ng ako sumasali sa usapan nila dahil pakiramdam ko ay puro kalokohan lang. Isusumbong ko talaga si Honey kay Jhie dahil tinuturuan niya ng kabastusan si Love. Nang makararing kami sa subdivision ay nagulat ako na may malaking tarpulin na nakalagay sa gate. Napamura ako habang si Honey ay Love ay natawa. Piste talaga mga kaibigan ko. Pinagawan nga ako ng tarpulin, pero in loving memory naman na may kasama kong pictu

