Chapter 56 Jesirey’s Pov DALAWANG araw na ang nakalipas simula ng makabalik kami sa bahay ni Demetrius. Nakakatuwa na kapitbahay ko na mga kaibigan ko. Hindi talaga ako makapaniwala lalo na’t wala na kami sa trabahong p*****n. Magiging normal na ulit ang buhay namin nila Zef at Gray. Pumayag kasi si Mr. Castellano na dito sila tumira sa subdivision. May mga bahay pa pala na bakante kaya binigyan niya ng malaking discount si Zef, Gray at Val. Si Love, akala ko talaga inosente ang lokog yun. Oo nga, inosente siya pero ang nakakatawa ay hindi siya inosente pagdating sa tawaran. Kung makatawad kasi sa bahay na gusto niya dito sa subdivision ay kulang nalang ay hingiin niya. Tawang tawa talaga kami lalo na’t gusto niya ang malaking bahay na malapit sa bahay ni Demetrius. Ang halaga na bin

