Chapter 57 Demetrius Pov KASAMA ko sila Sid, Morgan at Honey na tinitignan ang lupa na binili ko para sa hospital na gusto kong ipatayo. Sinamahan nila ako dahil sabi ko na ang sasama sa ‘kin ay may supplay na biogesic buong taon. Si Koa at Deimos lang ang hindi ko na uto. Itong tatlong ito kasi ay gustong makalibre. Buti nalang at hindi pera ang sinabi ko kundi ubos ang kaban ko. “Sigurado ka na ba sa pinaplano mo, buddy?” Tanong ni Sid sa ‘kin. “Yeah, 100 percent sure na ako.” Sagot ko sa kanya saka nag thumbs up sa kanya. “Kung ganun.. suportado ko ang desisyon mo sa buhay.” Saad ni Sid sa ‘kin. Tumingin ako kay Morgan. Napalingon naman sa ‘kin ang gago ng maramdaman yata niya na nakatitig ako sa kanya. “Kailangan ko din ng money mo, buddy.” Saad ko kay Morgan kaya nalukot an

