Chapter 70 Demetrius Pov MAAGA ako nagising habang ang mahal kong babae ay mahimbing parin na natutulog. Napagod siya kagabi kaya mas lalo kong pinagod. Inagahan ko talagang gumising para ayusin ang dadalhin namin mamaya. Balak kong mag picnic kaming dalawa ni Jesirey. Mas gusto kong payapa ang date namin kaysa sa maraming tao. Kaya humiling ako kay Morgan kaninang madaling araw na kung pwede ay doon kami mag date ni Jesirey sa sunflower farm niya. Pumayag naman ang kaibigan ko ay tinatawagan na daw niya ang caretaker niya. Hindi naman kami matutulog do’n. Uuwi din kami agad. Gusto ko lang talaga makadate si Jesirey sa tahimik na lugar at walang istorbo. Dadalhin ko sana siya sa simenteryo dahil tahimik din do’n pero wag na pala dahil baka ilibing ako ni Jesirey ng buhay. Dahan-dah

