Chapter 71 Jesirey’s Pov NAKARATING kami sa sunflower farm na pagmamay ari ng kaibigan ni Demetrius na si Morgan. Halos hindi mapuknit ang ngiti ko sa labi dahil sa nakikita kong mga sunflower. Ang ganda at para bang ayaw ko ng umalis sa lugar na ‘to. Hindi ako makapaniwala na may magandang farm pala si Morgan. Ngayon lang ako dinala ni Demetri dito kaya gusto ko siyang kutusan at hindi niya naisip ‘to. Kasama parin namin si Evelyn dahil nga sa gusto niyang sumama. Sino ba naman ako para hindi pumayag. Magkahawak kamay lang kami ni Demetri habang naglalakad lakad sa makitid na daan habang nadadaanan ang mga sunflower. “Masaya ka ba, my love?” Tanong niya sa malambing na boses. “Oo naman. Ang ganda dito. Ngayon ko lang nalaman na may ganito ka gandang pag aari si Morgan, my love.

