Chapter 11 Jesirey’s Pov ANG LAKI ng ngisi ko dahil hindi nakuha ni Doc. Demetrius ang ID niya na nakuha ko. Wala siyang nagawa dahil hindi ko binigay sa kanya hangga’t hindi siya pumapayag na makipag date sa ‘kin. Ayaw niyang pumayag kaya wala na siyang nagawa kundi ang umalis. Ayos lang naman sa ‘kin dahil magkikita na naman kami ulit. Ganado na tuloy ako mabuhay sa mundo dahil kay Doc. Demetrius Sandoval. Kailan kaya magiging Sandoval ang apelyido ko. Shems.. naiisip ko pa lang ay kinikilig na ako. Hindi talaga ako papayag na hindi yun mangyayari. Kilig na kilig pa naman ako kapag nakikita ko siya. Para bang tumitigil ang mundo ko. Malakas talaga ang tama ko sa kanya. Hinihintay ko siya na tawagan ako ngayong araw. Nagmamatigasan talaga sa ‘kin ang lalaking yun. Pasalamat tala

