Chapter 10 Demetrius Pov PAUWI na ako sa subdivision galing sa coffee shop. Iniwan ko si Ofelia do’n at hindi na ako nakapag kape. Tangina naman kasi. Ang lakas ng tama ng babaeng yun. Wala naman akong pakialam kay Ofelia kaya bahala siya sa buhay niya. Malaki naman siya. Papasok na ang kotse ko sa subdivision at agad kong nakita ang kaibigan kong si Honey at Koa. Naglalakad ang dalawa kaya huminto ako sa tapat nila. Napahinto naman ang dalawa. Ibinaba ko ang bintana ng passenger seat dahil nasa side sila do’n. Nang maibaba ko ay ngumiti ako sa dalawa. “Bakit kayo naglalakad?” Tanong ko dahil kilala ko si Koa, tamad maglakad ang gagong yan. “Dahil may paa kami,” sagot ni Honey. Ang kaibigan kong kulang sa aruga at hindi na bakunahan nong bata pa siya. “Dahil hindi kami nakasakay?

