bc

MERMAID PRINCESS

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
badboy
mythology
like
intro-logo
Blurb

TEASER

Sa kaharian ng Aquatica may isang hari na nagngangalang eucarus,ginagalang at minamahal ng mga nasasakupan nito.may isa itong anak na babae na nagngangalang prinsesa odessa ng dahil sa kakulitan nito at sobrang pasaway ay pinarusahan ng amang hari, pinadala sa lupa upang maging normal na tao.PRINSESA ODESA,maganda at mapagmahal na prinsesa ng mga sirena,ang problema ng kanyang ama ay ang pagiging pasaway nito.hindi nakikinig sa pangaral ng ama kaya pinarusahan ito pinadala sa lupa at binigyan ng paa na ayaw na ayaw ng prinsesa takot siya sa mga taga lupa.ang tanging makapagbabalik ng kanyang buntot ay kung magbabago ito.hanggang sa makilala ni odessa ang lalaking nakapagpasirko ng kanyang puso si ezequel na kilala niya ito sa paligsahan ng paglalangoy.EZEQUEL,isang normal na tao na may angking kagandahang lalaki,pihikan pagdating sa babae pero ng makita nito ang kagandahan ni prinsesa odessa na akala niya ay katulad niyang normal na tao walang pag alinlangan nahulog ang loob niya sa dalaga.Makakaya kaya nilang pag-iisahin ang kanilang mga puso?kung malaman ni ezequel na hindi normal na tao at isang sirena ang babaeng nagpapatibok ng kanyang pihikang puso at kung kailan babalik na sa karagatan ang prinsesa saka pa may hadlang,ang puso niyang maiiwan sa lupa.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER 1 Isang masagana at tahimik na kaharian ang Aquatica,may namumuno ritong isang hari,makapangyarihan at ginagalang ng lahat ng mga nilalang sa karagatan bukod sa isang mortal na kaaway nito,si Ordu isang higanteng shokoy. Pangarap nitong ma angkin ang kaharian ng Aquatica,pero wala siyang laban sa haring eucarus dahil taglay nito kapangyarihang magpasawalang hanggan. Gustong makamit ni haring ordu ang taglay na kapangyarihan ni haring eucarus,upang siya na ang mamumuno sa buong lungsod ng karagatan,sobrang ingget ang kanyang nararamdaman lalo na maging kabiyak ni haring eucarus ang pinakamagandang serina sa lahat si asenti.isang normal na serina walang dugong bughaw pero naakit at umibig ang dalawang hari ng karagatan na sina haring ordu na hari ng mga shokoy at si haring eucarus ang hari ng mga serino. Pinili at pinakasalan ni asenti ang haring eucarus dahil sa makisig ito at may kababaang loob. Mas lalong lumaki ang galit ni haring ordu sa hari ng Aquatica dahil ito ang pinili ng kanyang mahal na si asenti. Gusto niyang maghigante kasama ng kanyang mga lupon pero alam niyang di niya ito kaya naghintay si haring ordu ng tamang pagkakataön upang makaganti sa haring eucarus at reyna asenti. Di nagtagal ay nagbuntis ang reyna at hanggang sa makapanganak ito ay napakasaya ng lahat lalo na ng lumabas ang isang napakagandang batang babae. Pero hindi kinaya ng reyna ang panganganak kaya namatay ito at naiwan sa asawang si haring eucarus ang kapapanganak pa lamang na sanggol. Sobrang nalungkot ang buong kaharian sa pagkamatay ng reyna asenti pero saglit lang iyon,hanggang sa lumaki ang bata,pinangalanan nila itong prinsesa odessa dahil sa taglay nitong kagandahan at sa panahon iyon kasalukuyan naring may anak si haring ordu na si eulesis. Lumipas ang mga taon dalaga na si prinsesa odessa,bumalik ang sigla ng Aquatica dahil sa kanya,mabait at mapagmahal ito katulad ng inang si reyna asenti. Ang problema ng amang hari ay pasaway ito at hindi nakikinig sa sinasabi ng ama na huwag pupunta sa karagatang atlantico kung saan nandun ang kaharian ng mga shokoy na pinamumunuan ni haring ordu. Tulad ngayon nawiwili sa paglangoy ang prinsesa odessa kasama ang matalik nitong kaibigan,si buknoy isang pawikan isa itong maralita pero hindi hadlang upang maging matalik na kaibigan nito ang prinsesa ng karagatan. Prinsesa odessa,kabilin-bilinan ng iyong amang hari na huwag tayong pupunta o magagawi sa hilagang bahagi ng karagatan,dahil doon nakatira ang mga shokoy na kalaban nating mga serina at serino. Masawa ang ugali nila baka kung mapahamak tayo kaya tara na uwi na tayo sa aquatica,dadalawin ko pa yung nililigawang kong si kiray na isa ring babaeng pawikan. Aba?buknoy,nagseselos na ako niyan ha!mas gusto mo pa makasama si kiray kaysa sa akin na bestfriend mo?kunwari nagtatampong sabi ni odessa kay buknoy. Di naman prinsesa nagkataon lamang na may gusto ako kay kiray alam muna pareho kaming pawikan. Huwag ka ng manligaw buknoy,para lagi tayo magkasama,please. Abah?prinsesa di naman tama yun!anu gusto mong gawin ko magpakatandang binatang pawikan?sayang naman ang ganda pa naman ng lahi ko oh,tingnan mo ang kintab pa ng balat ko puri ni buknoy sa sarili. Abah,buknoy kelan kapa naging mayabang ha?biro ni odessa sa kaibigang pawikan. Minsan lang prinsesa,kung magmayabang man lang kailangan sulitin.hinampas ni odessa ang likod ng pawikan .aray,ko dahan dahan naman prinsesa baka magasgasan yang likod ko ang mahal pa namang magpa kinis niyan. Nagkatawan ang dalawa sa kanilang mga biruan ganyan sila ka close kahit hindi sila magkapareho ,isang sirena at isang pawikan ay hindi hadlang ang kanilang pagkakaibigan. Ang di nila alam may matang nakamasid sa kanila,hanga ito sa kagandahan ni prinsesa odessa.kanina pa ito nakikinig at nakamasid sa dalawang magkaibigan. Paghangang nauwi sa pag-ibig tulad ng ama nitong si haring ordu na umibig sa ina ni odessa at ngayon anak na naman nitong si prinsipe eleazar ang umibig sa anak ni reyna asenti na si prinsesa odessa. Buknoy halikana,umuwi na tayo sa Aquatica tiyak hinahanap na tayo ni ama,pagagalitan na naman ako nun pagnalaman niyang pumasyal tayo sa lugar na pinagbabawal niya. ~bilisan mo ang paglangoy buknoy. Diyos ko naman!reklamo ng pawikan.prinsesa odessa kailan kapa nakakita ng pawikan na mabilis lumangoy? Buti sana kung may buntot ako ng katulad sayo di sana andun na tayo ngayon sa kaharian ng aquatica. Natawa naman ang prinsesa,sorry buknoy akala ko kasi mabilis na lumangoy ang mga pawikan ngayon na sinabayan nito ng hagikhik. Ayan!pasaway ka talaga prinsesa odessa lagot na naman tayo ngayon sa iyong ama kaya umuwi na tayo,sige sang-ayon ni odessa kay buknoy. Samantala sa aquatica dumadagundong ang boses ni haring eucarus,hinahanap nito ang anak. Tanya,nakita mo ba ang prinsesa?tanong nito sa katiwala kanina mahal na hari nakita kung magkasama sina buknoy at prinsesa odessa na lumabas ng aquatica. Naku?ang babaeng yun!saan kaya nagpunta.napakatigas talaga ng ulo ni odessa hindi nakikinig sa mga sinasabi ko. Mas lalong kukulot ang buhok ko nito sa pagiging pasaway ng anak ko. Gustong matawa ng mga serina at serinong nasa harapan ng hari,pero totoo naman talaga ang sinasabi nito na matigas ang ulo ng kanilang prinsesa. Biglang natahimik ang lahat ng makitang papasok sa kaharian sina buknoy at prinsesa odessa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
821.2K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.7K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
615.5K
bc

The Lone Alpha

read
125.6K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
36.0K
bc

Bad Boy Biker

read
8.8K
bc

The CEO'S Plaything

read
19.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook