Kabanata 15 Napatitig ako kay Carter, hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Wala naman akong masabi sa mga huli niyang sinabi. Nang araw na iyon ay pinilit ko talagang iwan ako ni Carter doon para matapos ang ginagawa ko. Tinulungan niya pa nga akong iligpit iyon at pinilit pa akong ibigay na lang ang lahat ng papel sa lalaki niyang secretary pero hindi ako pumayag at mas piniling gawin iyon. Masakit lang naman iyong pisngi ko pero p’wera roon ay wala na at kayang kaya ko naman. Wala naman siyang magawa roon kaya hinayaan niya ako. At gabi ko na natapos iyon lahat, he waited for me until I finished the said documents. Kahit na hinihila na niya ako papaalis sa opisina niya ay hindi ko siya hinayaan dahil gusto ko talagang magtrabaho at tapusin iyon. Ngayong araw ay maaga akong nagisi

