Isang malakas na hampas ang iginawad ni Carter sa likuran ni Cillian dahilan kung bakit mas lalo silang natawa sa reaksyon nito. “Pikon talaga kahit kailan,” komento pa ni Ishmael. Natatawang lumabas sila sa elevator. Papaunahin ko sana si Carter ngunit hinawakan niya ang magkabilaang beywang ko at marahang tinulak papalabas ng elevator. Nagulat ako sa ginawa niya dahil naroon pa ang mga kaibigan niya. Agad kong kinuha iyong kamay niya at tinulak talaga siya pauna kasama ang mga kaibigan niya. When they saw Carter, they immediately tease him. Nang may dumaan namang impleyado ay kaagad silang nagseryoso. Gustong gusto kong matawa dahil inayos pa nila ang damit na animo’y may ginawang makakababa ng kagwapuhan nila. Sila na ang nagbukas ng pintuan papasok sa opisina ni Carter, umupo s

