“Put-angina talaga e, bakit dinamay pa ang mga anak natin?!” hindi mapigilang daing ni Lovie matapos naming sabihin ang mga pinag-usapan namin kay Uncle at Auntie. “Hindi ko alam kung paano nila nalaman na may anak ako. Tinago ko si Reign ng ilang taon, hindi ko alam kung paano nila nalaman.” sabi ko. Napahawak na lang si Lovie sa kanyang ulo. Kanina niya pa sinisisi ang sarili habang nag uusap kami. Carter and Ramil were talking to Carter’s friends. Gumagawa sila ng plano habang kaming dalawa ni Lovie ay naghihintay sa kanila. I know, dapat wala kaming inaaksayang panahon pa at dapat sugudin na namin sila Uncle ngunit hindi namin magagawa iyon ng walang plano. Kailangan magagawa namin iyon ng hindi nasasaktan ang dalawang bata na nasa kamay ni Uncle at Auntie. “P-uta dapat talaga hin

