“Papa,” sinimulang tawagin ni Lovie si Uncle. Tahimik lamang ako at nakatingin sa paligid. Hindi ko alam kung ilang tao ang naririto ngayon, wala akong ideya sa mangyayari kailangan kong maging mapamatyag sa lahat ng mangyayari. Hindi ko rin alam o ramdam ang prisensya ng mga kasamahan ni Carter, mabuti siguro iyon para mas lalong hindi ako kabahan sa mangyayari. “Uncle,” sunod kong tawag dahil hindi talaga lumalabas si Uncle. Napakagat ako ng labi at napasakop ng kamay habang nakatingin sa paligid. Takot na baka hindi kami siputin ni Uncle at ano pa ang mangyari sa amin dito. Ngunit ilang minuto pang tawag ni Lovie sa tatay niya ay may narinig kaming iyak dahilan para mabilis kaming napalingon ni Lovie. Agad akong lumapit kay Lovie at napahawak sa kanyang kamay. Pareho kaming takot

