Naabutan kong nakatayo si kai at Bianca.. Magkaharap ang nga ito at mukhang nagtatalo. Napansin ako ni kai kaya ngumiti ito sa akin. Kumunot ang noo ko. Anong ginagawa nila? May sinabi pa si kai kay bianca bago niya ako agad agad na hinila. Tumingin naman ako pabalik kay bianca .Si kai kasi ay hatak hatak ako at mukhang nagmamadali. Nang makalabas kami ni kai sa kwartong iyon ay agad kaming nagtungo sa elevator. Nang bumukas ay hinila ulit ako nito papasok. Kami lamang ang sakay. Ngayong araw ay parang ang hilig manghila nito ni kai .Ano bang problema at parang nagmamadali siya? "Nagtatalo ba kayo ni bianca kanina?" tanong ko ng hindi ako makatiis. Naging balisa naman ito. Huminga siya ng malalim at bumuntong hininga. Kinuha nito ang kamay ko at hinalikan. Ngumiti ito sa a

