"What?" malakas na tanong nito. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya nagpeace sign siya sa akin. "But wait, alam mo naman na nasa article tayong dalawa baby? Tapos kakain tayo sa karinderia? And hindi pa ako nakakakain doon. Mukhang hindi kasi safe ang pagkain at hindi malinis." mahabang sabi niya. Sumimangot ako at pinalo ang kamay niya. " Aba, kai navarro! Hindi lahat ng malinis masarap at hindi lahat ng masarap madumi. Masyado kang judgemental ha." naiinis na sabi ko sa kaniya. Naranasan ko din namang magtrabaho ng ilang araw sa karinderia sa probinsya at masasabi kong malinis ang mga tinda na naroon. May iba siguro oo at dahil Maynila ito pero hindi lahat ay marumi. Minsan nga mas masarap pa ang marumi e hahahaha. "Okay okay. But? Paano tayo makakakain doon? Makikilala ako."

