Nakarating kami sa building ni Tita shiela ng medyo maaga. Wala kasi kaming nadaanang traffic kaya smooth ang byahe naming dalawa. Bumalik na ulit sa dati ang pakikitungo namin sa isa't isa. Nakakapag-usap at nakakapagbiruan kaming dalawa. Hindi na ulit kami tahimik sa byahe, hindi na awkward at hindi na siya katulad kahapon na masama ang timpla ng mood. Nang makarating kami sa kwartong pagmemeetingan ay andoon na ang mga staff, producers, si Tita shiela and ang iba pang mga cast na makakasama ni kai sa movie niya na ito. Totoong magaganda at gwapo nga ang mga artistang ito. Ngunit wala pa ang director rito. Andoon rin si Gab sa may sulok ng kuwarto nakilala ko noon sa dating movie ni kai Nginitian ko lamang siya since hindi ko naman siya malapitan dahil hawak-hawak ni kai ang kamay

