Dumilat ako at nakitang nakapikit siya. Tinapos ko na ang halikan namin at agad agad na nagtungo sa banyo. Pagkasara ko ng pintuan ay ang siya namang pagbuhos ng mga luha ko. Bakit ba ang tanga ko ano? Sa lalaking off limits pa bumigay ang puso kong ito. At sana sinabi naman ni Inay na ganito kasakit ang masaktan, baka naagapan ko pa. Mahina lang akong humihikbi. Hindi ko rin alam kung bakit ako naiiyak. Hindi ko alam kung bakit ako ganito ka emotional. Tinuloy ko na ang pagligo. Pinilit ko ring itahan ang sarili ko oara hindi mamaga ang mata ko. Ayaw kong makahalata si kai. Baka kapag nalaman niya ay maging problema niya pa ako imbes na nakakatulong ako sa kaniya. Nang matapos na ako ay diretso akong nagtungo sa kusina at nagsimula ng maghanda ng makakain naming dalawa. Nang med

