Chapter 4

1788 Words
"MISS, nandito na tayo." Sumilip si Alyssa sa labas nang bintana nang marinig niya ang boses na iyon ng taxi driver na sinasakyan niya para hanapin ang address na nasa sulat na iniwan ng ina. At hindi napigilan ni Alyssa ang mapaawang ang labi nang makita niya ang bahay o bahay ba na matatawag iyon. Sobrang laki kasi ng bahay, iyon yata ang tinatawag na mansion. Well, lahat naman ng nadaanan nila kanina ng pumasok sila sa isang esklusibong subdivisyon ay naglalakihan ang mga bahay. Kaya medyo nag-aalanganin siya kung tama ba ang pinuntahan nila. Kanina nga, muntik na silang hindi papasukin ng mga guard dahil hindi daw pwedeng pumasok sa loob ng subdibisyon kung walang pahintulot ng may-ari ng mga bahay. Kinabahan nga si Alyssa doon dahil baka mapurnada na naman ang paghahanap niya sa tunay na ama gaya na lang ng unang beses niyang lumuwas ng Manila, isang buwan na din ang nakakaraan. Pero nang makita siya ng gwardiya na sakay nang taxi ay agad sila nitong pinapasok. Humingi pa nga ito ng paunmanhin sa kanya. Kung sakali ngang hindi siya papasukin ng mga ito ay balak na sana niyang magmakaawa. Pero hindi naman na niya iyon kailangan gawin dahil pinapasok na sila. "Manong, sigurado po ba kayo na ito ang address?" tanong ni Alyssa ng i-alis niya ang tingin sa malaking bahay para balingan ang taxi driver na nasa harap niya. "Oo, Miss. Iyan nga ang bahay," sagot naman nito sa kanya. Sa totoo lang, diskumpiyado siya kung iyon ba talaga ang bahay ng ama. Sobrang laki kasi, baka kasi ini-iscam lang siya ng taxi driver para kumita ito. Pero kahit na diskumpiyado ay wala pa ding nagawa si Alyssa kung hindi magbayad nang singilin na siya nito. Medyo naghinayang nga siya sa five hundred na ibinayad niya. Iyong halagang binayad niya ay pamasahe na niya iyon pauwi sa probinsiya. At bigla na naman naalala ni Alyssa iyong five hundred na inabot niya sa lalaking nabunggo niya sa isang coffee shop para ipa-laundry ang puting long sleeves nitong natapunan sa biniling kape noon. Sobra siyang nasayangan sa pera, kung hindi lang siya nahihiya sa lalaki ay nag-presenta na sana siyang labhan iyon. Hindi pa aabot ng five hundred ang magagastos niya. Dahil kusot lang ang katapat niyon. Humugot na lang naman si Alyssa nang malalim na buntong-hininga para maalis iyon sa isip niya. Pagkatapos niyon ay bumaba na siya ng taxi. Hindi na naman niya napigilan ang mapatitig sa mansion na nasa harap niya. Saglit nga siya doong nakatitig hanggang sa lumapit siya sa gate. May nakita siyang doorbell kaya pinindot niya iyon. At mayamaya ay napaayos si Alyssa mula sa pagkakatayo niya nang bumukas ang gate at lumabas mula doon ang naka-unipormeng lalaki, isang security guard. "Ma'am Audrey?" wika naman nito sa kanya. Hindi naman napigilan ni Alyssa ang mapakunot ng noo ng tawagin siya nito sa ibang pangalan. "Good morning po," bati niya dito. "Pasok po kayo, Ma'am Audrey," wika nito sa kanya, umalis nga ito sa harap niya para papasukin siya. Pero sa halip na pumasok ay nanatili siyang nakatayo. Bakit tinatawag siya nitong Audrey? "Pasensiya na po pero hindi po Audrey ang pangalan ko," pagtatama niya. At dahil nakatingin siya dito ay napansin niya ang kalituhan sa ekspresyon ng mukha nito. "Alyssa," wika niya sa pangalan niya. "Alyssa po ang pangalan ko." Mas lalong kumunot ang noo nito. "Manong dito po ba ang bahay ni S-sir Reynald Reyes?" tanong niya. Kahit na nalaman niya ang tunay na ama ay hindi pa din niyang kayang tawagin itong Papa. "Y-yes, Ma'am. Dito po ang bahay ni Sir Reynald." Nakahinga naman ng maluwag si Alyssa nang marinig iyon. Ibig sabihin ay tama nga ang taxi driver kanina. "Hindi po ba kayo si Ma'am Audrey, Ma'am?" Umiling naman siya. "Sino po ba si Audrey?" tanong niya. "Kayo po." "Alyssa ang pangalan ko," pagtatama niya. "Pero pwede bang makausap ko si S-sir Reynald?" "Saglit lang, Ma'am," wika nito. Umalis ito sa harap niya. At nakita niyang humakbang ito palapit sa guardhouse at may tinawagan. At makalipas ng ilang minuto ay nilapitan siya nito. "Pasok na po kayo, Ma'am." "Salamat," wika niya. Humakbang naman siya papasok sa loob. At hindi niya napigilan na mamangha nang makita ang kabuan ng labas ng mansion. Ang ganda. Ang laki. At namangha siya nang makitang may swimming pool. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa bumukas ang bahay at may lumabas na isang babaeng naka-uniforme. Mukhang kasambahay. At nang makita siya nito ay nanlaki ang mga mata nito. "Ma'am Audrey?" Hindi na naman niya napigilan ang mapakunot ng noo. Bakit tinatawag na naman siyang Audrey? "Alyssa po ang pangalan ko," pagtatama niya dito. Tumikhim naman ito. "Nandito po ako para makausap si Sir Reynald," wika niya sa pakay niya kung bakit siya naroon. "Wala po si S-sir Reynald, pero nandito po si Ma'am...Audrey." "Pwede ko po ba siyang makausap?" tanong niya. At gusto din niyang makita ang Audrey na tinutukoy ng mga ito, na paulit-ulit na tinatawag sa kanya. "Pasok po kayo," wika nito sa kanya. Sumunod naman siya dito. Iginiya naman siya nito para maupo sa sofa sa may living room. "Maupo muna kayo, Ma'am. Tatawagin ko lang po si Ma'am Audrey." Tumango lang naman siya bilang sagot. Nang umalis ito sa harap niya ay naupo siya. Hindi nga din niya napigilan na ilibot ang tingin sa paligid. At masasabi talaga niyang may kaya ang ama niya. At hindi niya napigilan ang makaramdam ng kirot sa puso dahil hindi man lang sila nito hinanap o tinulungan noong panahong naghihirap silang dalawa ng ina. Sabagay mukhang wala itong pakialam sa kanila. Ipinilig na lang naman ni Alyssa ang ulo para maalis iyon sa isip niya. At makalipas ang ilang sandali ay nakarinig siya ng mga yabag palapit. Napatingin nga siya sa kanyang gilid at ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita niya ang babaeng naglalakad palapit sa kanya. PARANG na-estatwa si Alyssa habang nakatitig siya sa babaeng palapit. Hindi nga din niya napigilan ang mapakurap ng mga mata baka kasi mali lang siya nang nakikita. Pero kahit na anong gawin niyang pagkurap ay ganoon pa din ang nakikita niya. Para kasi siyang nakatingin sa sariling repleksiyom sa salamin. Dahil kamukhang-kamukha niya ang babae na nasa harapan niya ng sandaling iyon. Ang pinagkaibahan lang nila ay ang sopistikadang magsuot ang babae, kompara sa simpleng suot niya. "Sinong bisita ang gusto akong makausap, Manang?" tanong nito sa babaeng nagpapasok sa kanya kanina. Pati nga ang boses, pareho-pareho sila. "Si Ma'am Alyssa daw po," sagot ng kasambahay dito. "Alyssa?" ulit nito. At nang ituro siya ng kasambahay ay sinundan iyon ng babaeng kamukha niya. At nang mapatingin ito sa gawi niya ay napansin niya na natigilan ito. Napansin nga din niya ang panlalaki ng mga mata nito. At gaya na lang ng reaksiyon niya kanina noong una niya itong makita ay ganoon din ang reaksiyon nito nang makita siya. Halos hindi makapaniwala. "Who are you?" mayamaya ay tanong nito nang makabawi ito mula sa pagkabigla. "A-ako po si Alyssa," sagot niya, titig na titig. Napansin nga din niya ang pag-awang nang labi nito nang marinig nito ang boses niya. "Who is your mother?" tanong nito nang muli itong makabawi sa pagkabigla. At alam niya nang sandaling iyon ay iisa ang nasa isip nila. Tanging nasa sulat lang ng ina ay may tatay at kapatid siya. Pero hindi nabanggit ng ina sa sulat nito na ang kapatid na tinutukoy nito ay kakambal niya. And they were identical twins. Wala ding nakasulat kung paano sila nawalay na dalawa. Sinabi naman niya ang pangalan ng ina nila. Pero base sa ekspresyon ng mukha nito ay parang hindi nito kilala ang ina. At hindi niya napigilan ang masaktan para sa namayapang ina dahil hindi ito kilala ng kakambal niya. "And I think...you are my twin sister," wika niya. "Obviously," sagot nito sa kanya. Humakbang naman ito palapit. At umupo sa harap niya. "And why are you here?" tanong nito sa kanya mayamaya. Humugot naman siya ng malalim na buntong-hininga. "Our mother has already died," sagot niya. Napansin naman niya na natigilan ito at may napansin siyang kakaiba na bumalatay sa mga mata nito sa sinabi niya. "At nalaman ko lang ang existense ni S-sir Reynald nang mabasa ko ang liham na iniwan niya. Actually, I don’t have any plans to introduce myself to your father or to you," pagpapatuloy na wika niya. "So, why are you here then?" tanong naman nito. Binasa niya ang dila. Bigla siyang nakaramdam ng hiya pero nang maisip niyang barya lang naman ng mga ito ang hihingin niya ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Bago mawala si Mama ay naisangla namin ang bahay at lupa para may pangpagamot at pangbayad kami sa ospital. At ngayon ay sinisingil na ako ng interest ng pinagsanglaan ng bahay at lupa. At kung hindi ako makapagbayad ay papalayasin ako sa bahay na tinitirahan ko. And to be honest, I don’t have any way to pay him," pagpapatuloy niya. "So, you need money?" Tumango lang naman siya bilang sagot. Bubuka sana ang bibig nito para magsalita nang mapatigil ito ng tumunog ang ringtone ng cellphone nito. Kinuha naman nito iyon sa bulsa ng suot nitong pantalon. At napansin niya ang pagkunot ng noo nito tingnan nito kung sino ang tumatawag. Saglit itong nakatitig do'n hanggang sa mag-angat ito ng tingin. "I’ll just take this call,” she said, excusing herself. Hindi na nga din siya nito hinintay na magsalita dahil tumayo na ito at humakbang na paalis. "Hello, Franco." At bago pa ito tuluyang nakaalis ay narinig pa niya ang pangalan na binaggit nito. Sino kaya si Franco? Hindi naman nagtagal ay bumalik na si Audrey at napansin niya ang pag-seryoso ng ekspresyon ng mukha nito ng umupo muli ito sa harap niya. Pansin niya ang hindi maipintang mukha nito. "How much money do you need?" tanong nito sa kanya. Agad naman niyang sinabi ang kailangan niya. "I'll help you," wika nito sa kanya. "I'll help you pay all your debts, Alyssa," pagpapatuloy na wika nito. "S-salamat." "You don't have to thank me, Alyssa," wika nito sa kanya. "Because you need to help me, too." "Ha?" “I’ll pay all your debts, but you’ll need to help me as well." "Anong klaseng tulong?" tanong naman niya. Kung kaya naman niyang tulungan ito ay bakit hindi. “You have to pretend to be me, Alyssa," wika nito sa gusto nitong gawin niya. "Kailangan mong mangpanggap na ako sa boyfriend kong si Franco at sa harap ng pamilya niya." Hindi naman napigilan ni Alyssa ang manlaki ng mga mata sa gustong mangyari ni Audrey. She what? She wanted her to act as a substitute girlfriend for her boyfriend?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD