"COME in," wika ni Franco sa malamig na boses nang makarinig siya ng mahinang pagkatok na nanggaling sa labas ng pinto ng opisina niya.
Nanatili naman ang tingin niya sa monitor ng kanyang laptop ng maramdaman niya ang pagbukas ng pinto ng opisina.
"Sir?"
Sa pagkakataong iyon ay nag-angat si Franco ng tingin nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ng secretary niya na si Anton.
"What?" tanong niya dito nang magtama ang mga mata nila.
"Sir, I want to inform you that you have a meeting with Mr. Reyes’ daughter, Miss Audrey Reyes."
Hindi napigilan ni Franco ang mapakunot ng noo nang marinig niya ang sinabi nito. "Ngayon na ba iyon?"
Sunod-sunod naman ang pagtango nito sa kanya. "Yes, Sir," sagot nito. Pagkatapos ay sinabi din nito sa kanya kung saan sila magkikita ng anak ni Mr. Reyes na si Audrey.
Humugot naman siya ng malalim na buntong-hininga. "Okay," sagot niya sa malamig pa ding boses. Pagkatapos niyon ay inutusan niya ito na tawagan ang driver niya na i-ready nito ang sasakyan.
Tumango naman ito at saka na nagpaalam na. At nang mapag-isa ay isinandal ni Franco ang likod sa swivel chair niya. Tinanggal nga din niya ang suot na eyeglass at saka hinilot ang sentido.
Kung hindi sinabi ni Anton ang tungkol sa meeting niya sa babae ay hindi niya iyon maalala. He was busy studying the report that Anton gave him and had completely forgotten about it.
To be honest, Franco was not really interested in a relationship...for now. Na-trigger lang siya dahil sa kanilang magkakapatid na lalaki ay siya na lang ang wala pang naipapakilalang babae. At dahil do'n ay inakala ng Ate Denisse niya na bakla siya, well, alam naman niyang nagbibiro lang ito ng sabihin nito iyon sa kanya. Pero ayaw na niya iyong maulit pa at ayaw din niyang ireto siya ng Ate Denisse kung sino-sino.
So, he might as well have agreed to what Mr. Reyes wanted, that he meet his daughter. It’s a relationship of convenience. And that’s all he can offer.
Alam naman niyang may ulterior motive si Mr. Reyes kung bakit gusto nitong makilala ang anak nitong si Audrey. And he has an ulterior motive, too. So, it’s a win-win situation.
Sa pangalawang pagkakataon ay nagpakawala si Franco nang malalim na buntong-hininga.
Kinuha niya ang cellphone na nasa ibabaw ng executive table at saka siya tumayo mula sa pagkakaupo niya sa swivel chair. Pagkatapos niyon ay humakbang na siya palabas ng opisina niya.
Agad namang tumayo si Anton nang makita siya nito.
"Sir Franco, babalik pa po kayo o ika-cancel ko po ang schedule niyo ngayong hapon?" tanong nito sa kanya.
"No. I'll be back," sagot naman niya dito. Sa tingin naman niya ay hindi naman magtatagal ang pag-uusap nilang dalawa ng anak ni Mr. Reyes.
To be honest, he was straight to the point. Being as busy as he was, his time was very valuable. He would just say what he wanted. If she agreed to his terms, fine. If not, that was fine too.
"Okay, Sir," sagot na lang nito sa kanya.
Hindi na lang naman siya sumagot, nagpatuloy na siya sa paglalakad hanggang sa makasakay siya sa private elevator niya. The elevator was exclusive for him.
At nang huminto at bumukas ang elevator mg makarating iyon sa ground floor ay lumabas na siya do'n.
Narinig nga niya ang pagbati sa kanya ng ilang empleyado na nakakasalubong niya pero sa halip na batiin ang mga ito pabalik ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. Well, sanay naman na ang mga ito sa kanya.
At paglabas nga niya ng building ay nakita na niya si Manong Ador na naghihintay na sa kanya sa labas. Humakbang siya palapit at nang makita siya nito ay agad siya nitong pinagbuksan ng pinto sa backseat.
At bago sumakay ng kotse ay sinabi niya dito kung saan sila pupunta na dalawa.
At hindi naman nagtagal ay nakarating na din sila sa restaurant kung saan sila magkikita na dalawa ng anak ni Mr. Reyes.
Bumaba si Franco ng kotse ng pagbuksan siya ng pinto ni Manong Ador. Pagkatapos ay humakbang na siya papasok sa loob ng restaurant.
"Good afternoon, Sir," bati ng staff nang makapasok siya sa loob. "Do you have an appointment."
"De Asis," he answered in a deep and baritone voice.
"Oh, this way, Sir." Sumunod naman siya sa lalaki ng magsimula itong humakbang. May binuksan itong pinto kung saan may reservation siya, inutos kasi niya kay Anton na magpa-reserved ito ng VIP room para sa meeting nila ng babae.
He wanted to talk to her in a private place, and he couldn’t do that if they were just talking at a normal table.
Pumasok siya sa loob ng kwarto. Agad namang tumuon ang tingin niya sa babae na nakaupo sa harap ng mesa. Napansin niyang nakatuon ang atensiyon nito sa harap ng cellphone. At mukhang naramdaman nito ang presensiya niya dahil inalis nito ang tingin sa hawak na cellphone at nag-angat ito ng tingin para lingunin siya.
At hindi napigilan ni Franco ang mapakunot nang noo nang makita niya ang mukha ng babae.
Pamilyar kasi ang mukha ng babae. Parang nakita na niya ito pero hindi lang niya maalala kung kailan at kung saan. Hanggang sa bigla niyang naalala iyong naka-engkwentro niyang babae sa isang coffee shop. Iyong babaeng nakabunggo sa kanya ay nakabuhos ng kape sa puting suot niya. Ang babaeng nagbigay sa kanya ng five hundred peso bill para ipa-laundry niya ang damit.
Yes. The woman he met before was the same one he was about to meet now. He didn’t recognize her immediately because she was wearing makeup. The one he met at the coffee shop didn’t wear any makeup.
And Mr. Reyes was right, his daughter was indeed beautiful. But she was even more beautiful without makeup.
Nagpatuloy siya sa paglalakad at nang akmang tatayo ito mula sa pagkakaupo nito ay agad niya itong pinigilan. "No need, Miss Reyes," wika niya sa baritonong boses. "You may remain seated," dagdag pa niya.
Nagpatuloy siya sa paglalakad at saka siya umupo sa harap nito. "Let's order first," mayamaya ay wika niya.
Pagkatapos niyon ay tinawag niya ang staff para um-order nang pagkain. Sinabi naman nila dito ang gusto nilang order-in.
At nang maiwan silang dalawa do'n ay agad niyang itinuon ang atensiyon dito.
"You're Audrey Reyes, right?" tanong niya.
"Yes," sagot nito. "And you're Franco Dawson De Asis," wika nito sa kanya.
He just nodded in an answer. "Hmm… you’re aware of this meeting, right?”
Tumango ito. “My father wants me to meet you.”
“Yes. And he wants me to date you," wika niya sa gustong mangyari ng ama nito.
Sa halip na sagutin siya nito ay dinampot nito ang baso na may lamang tubig at ininom.
“Honestly, Audrey, dating isn’t really my thing," wika niya dito. "Dating isn’t really my cup of tea, since I’m a busy person,” pagpapatuloy niya. “But I can offer you a relationship of convenience."
Napansin naman niya ang pagtaas nito ng isang kilay. "Relationship for convenience?"
"We're not romantically interested, right?" tanong niya sa halip na derektang sagutin ito.
Tumango ito bilang sagot. “If you agree to what I want, we’ll need to pretend to be a couple in front of our family," wika ni Franco sa gusto niya na para bang nakikipag-deal lang siya investor niya. “Well, in our set-up, you can do whatever you want, but you need to be extra careful so that no one finds out about our arrangement. Like I said, I’m a busy person, so we might only see each other rarely. Let’s just act like we’re in a relationship in front of our family," pagpapatuloy niya. "If you agree to my terms, just tell me."
Hindi ito nagsalita parang nag-iisip kung papayag ba ito sa gusto niya o hindi. “Fine. I’ll agree to this relationship of convenience so my father will stop looking for someone to marry me off to.”
Sa halip na sumagot ay inilahad niya ang kamay dito. "Deal?"
Saglit nitong tiningnan ang kamay niyang nakalahad bago din nito inabot. "Deal."
Sakto namang nagbitaw sila ng kamay ng pumasok ang staff dala-dala ang pagkain na in-order nila.
And since, nasabi naman na niya ang kailangan niyang sabihin dito ay nagpaalam na siya sa babae.
"Hindi na kita masasamahan na kumain. Babalik pa kasi ako sa office dahil may trabaho akong naiwan," wika niya dito. "And I’ve already paid for the food,” dagdag pa niya.
At nang tumango ito ay tumayo na si Franco. Nagpaalam na siya dito at saka siya humakbang palabas. Pero hindi pa siya nakakadalawang hakbang nang mapatigil siya nang may naalala.
Kinuha ni Franco ang wallet sa bulsa ng suot na pantalon. At kinuha ang nag-iisang pera do'n, iyong five hundred peso bill na ibinigay nito sa kanya isang linggo na ang lumipas.
"Audrey," tawag niya sa atensiyon nito.
"Hmm?"
"Here," wika niya sabay abot sa pera dito.
Napansin naman niya ang pagkunot ng noo nito nang bumaba ang tingin nito sa hawak niyang pera. "Para saan iyan?" tanong nito.
Mukhang nakalimutan nito ang nangyari noong nakaraamg linggo. "This is yours. I’ll give it back to you. I don’t really need it anyway since someone already did my laundry.” Mas lalong kumunot ang noo nito. It seems that she is oblivious to what he said. At kahit na nagtataka ay kinuha pa din nito ang inaabot niya.
"I'll see you around, Audrey "