Chapter 2

1555 Words
"MEETING adjourned," wika ni Franco Dawson sa malamig na boses nang matapos ang meeting niya with the board of directors. At nang sabihin niya iyon ay nagsitayuan na din ang mga board of directors at lumabas na ang mga ito sa meeting room. At napansin naman niya na naiwan si Mr. Reyes sa meeting room kasama niya. "Franco." Nag-angat naman ng tingin si Franco mula kay Mr. Reyes nang marinkg niya ang pagtawag nito sa kanya. "Yes, Mr. Reyes?" tanong niya sa malamig na boses nang magtama ang mga mata nila. "Can I ask you a personal question?" tanong nito sa kanya. "If this has something to do with my family, forget it," sagot niya agad dito. Even though his family is well-known in society, especially in the business world, he still keeps their lives private. Umiling naman ito bilang sagot. "No. It's not about your family," wika nito sa kanya. "So, what personal question do you want to ask me?" tanong niya dito. "Are you single? Do you have a girlfriend?" Hindi napigilan ni Franco ang mapakunot ng noo sa tanong nito. "I didn't know you were interested in my love life, Mr. Reyes," wika niya dito sa malamig na boses. "Oh, don't get me wrong, Franco," wika nito sa kanya. "I only asked because there's someone I'd like to introduce to you," pagpapatuloy pa na wika nito. "May anak kasi akong babae, si Audrey. And she's still single. At bilang isang ama ay gusto ko namang mapunta siya sa lalaking mapagkakatiwalaan ko, sa lalaking may magandang background," dagdag pa na wika nito sa kanya. "And I believe my daughter would be in good hands with you." "I appreciate your confidence in me, Mr. Reyes. However, I'm afraid I'm not interested," sagot niya. Hindi na nga din niya ito hinintay na magbigay komento pa sa sinabi niya dahil tumayo na siya. Pagkatapos niyon ay humakbang na siya palabas ng meeting room. Agad namang sumunod ang secretary niya. "Sir, babalik pa ba kayo ng opisina?" tanong nito nito. "No. I heading home," sagot naman niya dito. Kailangan kasi niyang umuwi dahil may family dinner sila ngayong gabi. At bago siya magpunta sa mansion ay diretso muna siya ng penthouse para maligo at nagbihis. Sumakay naman si Franco sa personal elevator niya, hindi naman na sumunod ang lalaking secretary niya. At habang sakay nang elevator ay tinawagan niya ang driver para ihanda na ang kotse dahil aalis na sila. Kaya nang makalabas siya ng building na pagmamay-ari ay naroon na ang kotse at ang driver niya na naghihintay sa kanya. At nang makita siya nito ay agad siya nitong pinagbuksan ng pinto. Agad naman siyang sumakay sa backseat nang makalapit. "Sa penthouse," utos ni Franco nang makasakay din sa driver seat ang driver. Hindi naman nagtagal ay nakarating na din sina Franco sa building kung saan matatagpuan ang penthouse niya. Sinabihan nga din niya ang driver na magpahinga na ito at siya na ang bahala sa sarili niya mamaya. Naging mabilis lang din naman siya sa penthouse. Dahil nang makaligo at makapagbihis ay umalis din agad siya para magpunta sa mansion. At hindi naman nagtagal ay nakarating na din siya sa mansion. Saktong pagka-park ni Franco Dawson sa kotseng minamaneho ay ang pagtunog ng ringtone ng cellphone. At nang kunin niya iyon mula sa ibabaw ng dashboard para tingnan kung sino ang tumatawag ay nakita at nabasa niya na si Mommy Dana ang tumatawag. Agad naman niyang sinagot ang tawag nito. "Hello?" "Dawson, where are you?" tanong ng Mommy Dana niya sa kanya mula sa kabilang linya. Dawson ang madalas ang itawag sa kanya ng Mommy Dana niya dahil kapag Franco daw ay parang ang Daddy niya ang tinatawag nito. Pareho kasi sila ng pangalan ng Daddy Franco niya. Franco ang ipinangalan sa kanya ng Mommy Dana niya dahil noong ipinanganak daw siya ay laging nang nakakunot ang noo niya. Just like his father, his brows are always furrowed. Well, namana naman daw nila lahat ng traits na iyon sa Daddy nila. Pero siya daw ang nakakuha ng lahat. Sa kanilang magkakapatid, lalo na silang tatlo, mas carbon copy daw niya ang Daddy Franco niya. Hindi lang sa hitsura, kundi pati na din sa ugali. Back when his father was young, he was feared in the business world because he was ruthless. He inherited those same traits from his father, being just as heartless in business. "I just arrived, Mom," sagot naman niya. "Akala ko mali-late ka na naman," wika nito sa kanya. Na-late kasi siya last week sa family dinner nila dahil bago pa siya magpunta sa mansion ay may kinausap pa siyang isang investor. "I cleared my schedule this evening so I wouldn’t be late for dinner," sagot naman niya. Narinig naman niya ang paghugot ng malalim na buntong-hininga ng Mommy niya mula sa kabilang linya. "Okay. Pasok ka na. Hinihintay ka na ng pamangkin mo," mayamaya ay wika nito sa kanya Nang ibaba ng Mommy Dana niya ang tawag ay lumabas na siya ng kotse. At saka siya humakbang papasok sa loob ng mansion. "Tito Franco!" Napatingin naman si Franco sa kanyang gilid nang makita niya ang pamangkin at isa sa mga kambal na anak ng Kuya Francis na si Callum. Nakita naman niya ang pagtakbo nito palapit sa kanya. At nang makalapit ay agad nitong itinaas ang dalawang kamay patungo sa kanya. Agad naman niyang nakuha ang ibig sabihin nito kaya binuhat niya ito. "Where's your father?" tanong niya dito. "Nasa dining area na po," sagot nito sa kanya. At nang marinig iyon ay humakbang siya patungo sa dining area habang buhat si Callum. "Callum, nagpabuhat ka na naman sa Tito mo," wika ni Ate Victoria nang makita nito na buhat niya ang anak nito. "It's okay, Ate," wika naman niya. Nagpababa naman si Callum at agad na lumapit sa ama nito. "Maupo na kayo," mayamaya ay wika naman ng Mommy Dana sa kanilang lahat. Agad naman silang tumalima. At nakita niya ang Daddy niya na pinaghila ang Mommy niya ng silya, ganoon din si Kuya Francis, Kuya Ford, Frank at Friedrich sa asawa, sa girlfriend at sa fiance ng mga ito. Sa kanilang magkakapatid na lalaki ay siya lang yata ang wala pang ipinapakilala na babae. Well, as he told Mr. Reyes, he’s still not interested in being in a relationship right now. Masyado siyang busy sa kompanya at ilang investment para magkaroon ng oras para sa relasyon. Sigurado kasi siyang mawawalan din siya ng oras sa magiging girlfriend niya kung sakali. And he’s only in his late twenties, still quite young. "Let's eat," wika ng Mommy Dana niya nang matapos itong mag-pray. At mula naman sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya na inaasikaso ng mga kapatid na lalaki sina Bria, Amarah, Ate Camilla at Ate Victoria. At mayamaya ay napatingin siya kay Callah nang mapansin niyang nakatingim ito sa kanya. "Tito Franco, wala ka po girlfriend?" Napansin ni Franco na natigilan ng mga kasama niya sa mesa nang marinig ng mga ito ang naging tanong nang pamangkin. Pero mayamaya ay narinig niya ang pagtawa ni Denisse. "Callah, your Tito Franco is single." Ito ang sumagot sa tanong ni Callum. "You're still single, too," wika din niya. "Hindi mo alam?" Nagsalubong naman ang kilay niya sa sinabi nito. "And who is your boyfriend?" "Don't change the topic, Franco," wika ni Ate Denisse. "But seriously, wala ka bang napupusuhan?" Isang iling lang naman ang sagot niya. "Well, marami akong kaibigan na single. Baka-- "I'm not interested," putol naman niya sa sasabihin nito. "Are you gay?" Napatingin naman siya kay Amarah nang mabilaukan ito nang marinig nito ang sinabi ni Ate Denisse. "I'm...sorry," wika ni Amarah, napansin naman niya ang pagpula ng pisngi nito ng yumuko ito. "Here," inabutan naman ito ni Friedrich ng tubig. Hindi naman napigilan ni Franco ang mapakuyom ang kamay na nasa ilalim ng mesa. "Just because I’m not interested in women doesn’t mean I’m gay," sagot niya kay Ate Denisse niya. "Kumain na muna kayo," mayamaya ay wika ng Mommy Dana niya. Tahimik naman siya na kumain, iniba na nga din ang topic nila. At nang matapos silang kumain ay nag-excuse siya para magtungo sa labas para manigarilyo. He doesn’t smoke often; he only smokes when he’s stressed. At nasa ganoon siyang posisyon nang makita niya ang Ate Denisse niya na palapit. At nang makita iyon ay agad niyang itinapon ang sigarilyo para hindi nito iyong malanghap ang usok niyon. "Franco." "Hmm?" "I'm sorry," paghingi nito ng paunmanhin sa kanya. "Did I offend you earlier?" At alam niya ang tinutukoy ni Ate Denisse at tungkol iyon sa pag-aakala nito na bakla siya. "No," honest na sagot niya. "I'm just kidding when I said that," wika nito sa kanya. "I know, Ate," sagot naman niya. "But seriously, marami talaga akong kaibigan na single. If you're interested to meet them. Just contact me." "I will," sagot naman niya dito. Ilang sandali pa ngang nanatili si Ate Denisse doon. At nang tuluyan itong makaalis ay humugot siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay kinuha niya ang cellphone niya para tawagan ang secretary niya. Nakatatlong ring bago naman nito sinagot ang tawag niya. "Good evening, Sir." "Anton, I want you to call Mr. Reyes," utos niya dito. "And asked him to arrange a time to meet his daughter."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD