"GOOD afternoon, Ma'am. What is your order?"
Binasa ni Alyssa ang labi gamit ang dila nang marinig niya ang sinabi ng cashier sa kanya. Nasa isang coffee shop siya nang sandaling iyon. Pumasok siya do'n dahil nakaramdam siya ng bahagyang pagkahilo dahil siguro sa maghapon na kakalakad niya sa paghahanap sa address ng ama na nakalagay sa iniwang sulat ng namayapa niyang ina.
Lumuwas si Alyssa sa Manila para hanapin niya ang amang buhay niya ay hindi niya kilala.
Alysa was already twenty-four when she first discovered the existence of her twin sister and her real father. Nalaman lang niya ang existence ng mga ito ng mabasa niya ang iniwang liham ng ina pagkatapos ng isang buwan nang mawala ito. Pero limang buwan na ang lumipas at ngayon lang niya naisipan na hanapin ito.
Alyssa’s mother died of kidney failure five months ago. At hanggang ngayon ay nasa puso pa din niya ang sakit dahil sa pagkamatay nito. All her life, kasa-kasama niya ang ina. Mag-isa siya nitong itinaguyod hanggang sa lumaki at makapagtapos siya ng pag-aaral hanggang sa kolehiyo. Pero hindi pa nga niya natutupad ang pangarap niyang mabigyan ito ng magandang buhay ay nawala naman na ito, kinuha na ito sa kanya ng maykapal. At lahat ng pangarap niya para sa Mama niya hindi na mangyayari dahil sa pagkawala nito.
At hindi lang pangungulila ang nararamdaman niya mula ng mawala ang ina, kundi pati na din ang problema. Hindi din kasi biro ang nagastos nila mula sa pagpapagamot sa ina, kulang-kulang ang naipon niya mula sa pagta-trabaho para matustusan ang bayarin sa ospital, mga gamot nito para madugtungan ang buhay nito.
At dahil naubos ang ipon niya at wala siyang mapag-uutangan ay kinakailangan tuloy niyang isangla ang bahay at lupa nila. Kahit na malaki ang interest ay pikit-matang isinangla niya ang bahay at lupa para sa pagpapagamot sa ina. At ngayon ay sinisingil na siya ng pinagsanglahan niya. At kung hindi niya mababayaran ang interest ay kukunin nito ang bahay at lupa nila. Iyon din kasi ang naging kasunduan nilang dalawa bago siya nito pinahiram ng pera. At sa totoo lang ay wala siyang maibabayad dito. At kahapon ay muli siya nitong pinuntahan at binigyan siya nito ng ultimatum na kung hindi siya makakabayad sa isang buwan ay magbalot-balot na daw siya.
At dahil wala na siyang ibang pwedeng hingan ng tulong ay no choice siya kundi hanapin ang mayamang ama para hingan ito ng tulong, hindi naman siya mangugulo sa buhay nito. Hihingi lang siya ng konting tulong para matapos na ang problema niya. At pagkatapos niyon ay hinding-hindi na siya magpapakitamg muli.
Sa totoo lang ay wala sana siyang balak na kilalanin ito kung hindi lang siya nangailangan ng tulong. Hindi niya gustong makilala ang ama dahil mukhang wala din itong pakialam sa kanya.
"Ma'am?"
Mayamaya ay napakurap-kurap ng mga mata si Alyssa nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ng babae.
"I'm...sorry," paghingi niya nang paunmanhin. Pagkatapos niyon ay tumingala siya para tingnan ang menu na nasa itaas.
At pinagdikit ni Alyssa ang ibabang labi nang makitang ang mamahal ang benebenta do'n. Sa isang kape lang ay dalawang daan na. Eh, iyong dalawang daan ay marami nang mabibiling 3 in 1.
Naghanap naman siya ng pinakamura. At nang may makita ay iyon na lang ang in-order niya. Wala sanang balak na um-order si Alyssa pero nahihiya siya dahil halos dalawang oras siyang nanatili sa loob ng nasabing establishemento para mamahinga.
Masyado kasi siyang napagod sa paghahanap niya. At hindi man lang worth it ang paghahanap niya dahil halos magkanda-ligaw siya. At hanggang ngayon ay hindi pa din niya nakikita ang hinahanap.
Kinuha naman ni Alyssa ang wallet sa loob ng bag. Dalawang libo na lang ang pera niya. Itatabi niya ang isang libo para sa pamasahe niya pauwi ng probinsiya mamaya. Sa susunod na lang ulit niya ipagpapatuloy ang paghahanap niya sa ama.
Ibinigay niya ang isang libo. At nang suklian siya ay agad niyang ibinalik ang pera sa wallet niya. At hininintay na din niya ang order niya.
"Thank you, Ma'am. Come again," wika ng babae sa kanya nang i-abot nito sa kanya ang order niya.
Hindi na ako babalik, gusto sanang isagot ni Alyssa pero sinarili na lang niya. Ngumiti lang naman siya bago tumalikod.
Pagkatapos ay humakbang na siya palabas ng nasabing establishemento. At habang naglalakad ay bumaba ang tingin niya sa sintas ng suot niyang rubbershoes. At dahil hindi siya nakatingin sa dinadaanan ay may nabungo siya.
"f**k!"
Nanlaki ang mga mata ni Alyssa nang mabuhos ang hawak niyang kape sa puting long sleeves na suot nang nabunggo niya. At kitang-kita niya ang pagmantsa ng kape sa puting suot nito.
Mabilis naman niyang kinuha ang panyo sa bulsa ng suot niyang pantalon.
"S-sorry po, Sir. Sorry po. H-hindi ko sinasadya," wika niya sa nauutal na boses habang patuloy siya sa pagpunas sa basang long sleeves nito. "Sorry--
"Stop." Hindi na niya natapos ang ibang sasabihin ng marinig niya ang malamig pero baritonong boses nito.
Napatigil nga din siya sa pagpupunas sa suot nito nang hawakan nito ang pulsuhan niya para patigilin sa ginagawa.
Alyssa went still when a sharp jolt of electricity shot down her spine, leaving her breathless.
Bakit para siyang na-kuryente?
Sa pagkakataong iyon ay dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin para makita ito.
At agad na sumalubong sa kanyang ang itim na mga mata ng lalaki. At hindi niya napigilan ang mapaawang ang labi nant makita niya ang hitsura nito.
He was tall and handsome, his broad shoulders and sharp jawline giving him a commanding presence. His dark eyes carried a quiet intensity that was impossible to ignore.
At itinikom ni Alyssa ang bibig nang mapansin niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito. His gaze was so cold it sent a chill down her spine.
At sa kabila ng panlalamig na nararamdaman ay hindi niya napigilan ang pamulahan ng mukha nang maalala niya ang naging reaksiyon niya sa lalaki nang makita ang mukha nito.
Tumikhim siya. "S-sorry po ulit, Sir. Hindi ko po talaga--
"Watch your step, Miss," putol nito sa sasabihin niya sa malamig na boses, hindi pa nga din nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi na nga din siya nito hinintay na magsalita dahil umalis na ito sa harap niya. Hindi naman niya napigilan na sundan ito ng tingin.
Mukhang nagalit ang lalaki dahil sa nangyari. At hindi maiwasan ni Alyssa ang makaramdam ng guilt dahil kasalanan naman niya kung bakit natapunan niya ito. At mukhang mamahalin pa naman ang suot nitong long sleeves.
Humugot naman si Alyssa nang malalim na buntong-hininga bago niya inalis ang tingin sa likod ng lalaki at nagpatuloy na sa paghakbang palabas.
Pagkalabas niya ay napatigil muli siya sa paglalakad. Binuksan niya ang bag at kinuha niya ang notebook doon. Pagkatapos ay may sinulat siya do'n.
I’m sorry, Sir. Here’s five hundred pesos—pampa-laundry po ng long sleeves ninyo. Pasensya na po ulit.
Nang maisulat niya iyon ay pinunit niya. At kahit na nagtitipid ay kinuha pa din niya ang 500 pesos sa wallet at inilagay niya sa papel na pinagsulatan niya. At dahil nahihiya siyang i-abot iyon sa lalaki ng personal ay lumapit siya sa security guard nang nasabing establishemento.
At nakiusap siya dito na i-abot ang papel sa lalaki paglabas nito. At nang pumayag ang security guard ay humakbang na siya paalis. Pero hindi siya tuluyang umalis, nagtago lang siya para sumilip. Baka kasi mamaya ay hindi ibigay ng guard iyon sa lalaki kapag nalaman nitong may kasama iyong pera.
At makalipas ng ilang minuto ay nakita niya ang paglabas ng gwapong lalaki at ang pag-abot ng guard sa papel.
At mula sa kinatatatuan ay nakita niya ang pagsasalubong ng kilay nang lalaki nang kunin nito ang papel. Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito nang buklatin nito ang papel para basahin ang nakasulat doon.
At nang mabasa ay nakita niya na nag-angat ito ng tingin at saka tumingin sa paligid. At mabilis namang nagtago si Alyssa nang mapansing dadaanan ng tingin nito ang gawi niya kung saan siya nagtatago.
At hindi nga din maipaliwamag ni Alyssa kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso niya.