MULA sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagsulyap sa kanya ni Franco nang tumunog ang ringtone ng cellphone niya. Binuksan naman niya ang bag para kunin ang cellphone at ganoon na lang ang pagbilis ng t***k ng puso ni Alyssa nang makita kung sino ang tumatawag sa kanya. Si Audrey. At nang sulyapan niya si Franco sa kanyang tabi ay nakita niya na nakatingin pa din ito sa kanya. At napansin nga din niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito nang hindi pa niya sinasagot ang tawag. "You can answer the call, Audrey," mayamaya ay wika nito. Pinagdikit naman ni Alyssa ang labi. At para hindi magtaka at magtanong si Franco ay sinagot na lang niya ang tawag ni Audrey. At bago pa makapagsalita ang kakambal mula sa kabilang linya ay inunahan na siya nito. "Hi, Krissa," bati ni

