Chapter 23

1713 Words

"NOT interested." Saktong pagkalabas nila Alyssa nang banyo nang marinig niya ang boses na iyon mula kay Franco. At nang sulyapan niya ito ay nakita niyang may kausap ito sa cellphone, kapansin-pansin ulit ang bahagyang pagsasalubong ng mga kilay nito. "Sige na," mayamaya ay paalam nito kung sino man ang kausap nito sa cellphone ng sandaling iyon. At nang ibaba nito ang hawak na cellphone ay bumaling ito sa kanya. Nginitian naman niya ito nang magtama ang mga mata nila. Pinagdikit niya ang ibabang labi nang hindi na nito inalis ang titig sa kanya. Nagpatuloy naman si Alyssa sa paghakbang, saktong ding tumunog ang ringtone ng cellphone niya. Lumapit naman siya sa kama para kunin ang cellphone na nakalapag do'n. At nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay nakita niyang si Timot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD