ISANG linggo na ang lumipas simula noong nagpunta sila Alyssa sa Zambales para i-celebrate ang birthday ni Timothy do'n. At kahit na isang linggo na ang nakalipas ay hindi pa din makalimutan ni Alyssa ang mga nangyari do'n. Lalo na iyong naging kissing scene nilang dalawa ni Franco. At sa totoo lang ay nakaramdam siya ng guilt dahil sa ginawa din niyang paghalik ng pabalik kay Franco. Alam naman kasi niyang nagpapanggap lang siyang si Audrey, akala din ni Franco na siya ang tunay na girlfriend nito kaya hinalikan siya nito. Pero siya, alam niya sa sarili na nagpapanggap lang siya. Pero anong ginawa niya? Sa halip na itulak ay gumanti pa siya ng halik dito. At sa harap pa ng maraming tao! At pakiramdam niya ay wala siyang mukhang maihaharap kay Audrey dahil sa nangyari. And guilt was ea

