HABANG sakay ng bus si Alyssa patungo sa Manila ay tumunog ang ringtone ng cellphone niya na nasa loob ng shoulder bag niya. At nang tingnan kung sino ang tumatawag ay nakita niya na ang kakambal na si Audrey ang tumatawag sa kanya ng sandaling iyon. Agad naman niyang sinagot ang tawag nito. "Audrey," banggit niya sa pangalan nito. "Nasaan ka na, Alyssa?" tanong ni Audrey mula sa kabilang linya. Sumilip naman si Alyssa sa labas ng binta ng sinasakyang bus para tingnan kung nasaan na sila. "Nasa Manila na ako, malapit na itong bus sa terminal," sagot naman niya kay Audrey. “I already told my driver to pick you up. Baka nandiyan na din siya sa terminal," imporma sa kanya ni Audrey. Alam ng kakambal na ngayon ang dating niya sa Manila dahil bago siya lumuwas ay tinawagan niya ito para

