NAPATINGIN si Alyssa kay Franco nang mapansin niya ang ilang paperbag na bitbit nito. Ginawa kasing taga bitbit ni Ate Denisse si Franco sa mga pinamili nito ng sandaling iyon. Humugot muna si Alyssa ng malalim na buntong-hininga bago niya tinawag ang atensiyon nito. "Franco." Napansin naman niya na natigilan ito ng marinig nito ang pagtawag niya. At mayamaya ay lumingon ito sa kanya. "Yes, Audrey?" tanong nito nang magtama ang mga mata nila. Saglit naman siyang tumitig kay Franco bago bumaba ang tingin niya sa hawak nitong paperbag. "Tulungan na kita diyan sa dala mo," wika niya dito. "Ako na, Audrey. Magaan lang naman ito," tanggi nito sa tulong na inaalok niya. Hindi naman na siya nagpumilit pa dahil hindi na siya nagsalita pagkatapos. Narinig naman niya ang paghugot nito ng mal

