AKALA ni Alyssa ay magiging driver lang nila si Franco dahil iyon ang sinabi ni Ate Denisse sa kanya kanina. Akala niya na kapag naihatid na sila nito sa pupuntahan ay aalis na ito at babalik na kung tapos na sila sa agenda nila sa Mall para naman sunduin. Pero nagkamali ng inaakala si Alyssa dahil sa halip na umalis ay sumama pa sa kanila si Franco sa Mall. Hindi lang ito naging driver nila dahil nagmistulang bodyguard nila ang lalaki dahil nakasunod ito sa kanilang dalawa ni Ate Denisse. At hindi nga din nakaligtas sa paningin ni Alyssa ang ilang kababaihan na napapatigil sa paglalakad at napapatingin sa gawi ni Franco. Hindi nga din nakaligtas sa paningin niya ang admirasyon na bumakas sa mga mata ng mga kababaihan na napapalingon kay Franco. Ang iba nga ay lantarang kinukuhanan ng p

