PUMASOK si Alyssa sa banyo sa cottage bitbit ang two piece na kinuha niya sa closet ng kakambal niya. Pagkatapos kasi nilang kumain ng breakfast ay nagkayayaan na maligo sa swimming. Halos lahat ng naroon ay pumayag kaya nagsibalikan sila sa cottage kung saan sila tumutuloy. Naiwan naman na ang ilang lalaki dahil hindi naman na kailangan ng mga ito na magpalit ng pampaligo nila at kasama na naiwan si Franco at si Kuya Timothy. Kasama sana ni Alyssa sina Ate Denisse sa cottage pero dahil sa kagustuhan ni Franco na makasama siya sa cottage ay napalipat siya. Hindi nga niya alam kung ano ang ginawa nito para magkaroon ito ng sariling cottage, eh, sinabi naman ni Timothy na okupado na ang lahat. Mukhang ginawan na lang iyon ng paraan. It seems Timothy was right when he told Franco that he’

