"FRANCO," tawag ni Alyssa kay Franco nang makita niya itong dere-deretso sa paglalakad. Lumagpas na nga ito sa cottage nila kung saan sila naka-assign. Magkasama silang tatlo ni Ate Dennise at Ate Chelsea iisang cottage. Huminto naman si Franco mula sa paglalakad. At saka siya nito nilingon. "What?" "Iyong bag ko," wika niya. Napansin naman niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito. "Dito na iyong room cottage namin," wika niya sabay turo sa cottage nila. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay nito. Bubuka sana ito para magsalita nang mapatil ito ng magsalita si Ate Denisse. "Franco, Audrey is our room mate. Huwag ka diyan." Napatingin naman si Alyssa kay Kuya Timothy nang tumawa ito. "Kung sinabi mong a-attend ka pala sa party ko, eh, 'di sana ni-reserve-an kita ng cottage. Eh, sana

