BINUKSAN ni Alyssa ang closet ni Audrey para maghanap ng pwede niyang isuot sa pag-attend niya ng birthday party ni Timothy. Ngayon araw na sila aalis at ngayon pa lang siya mag-aayos ng gamit na dadalhin niya. Last hour na kasi siyang mag-ayos dahil inaasahan pa niyang tatawag pa sa kanya ang kambal. At kapag tumawag ito ay sasabihin niya na ito na lang ang dumalo sa party ni Timothy. Pero ang kakambal, missing in action pa din. Hindi kasi nagpaparamdam. Hindi man lang siya nito kinakamusta o ang boyfriend nito. At dahil pool party ay naghanap siya ng pwede niyang gamitin na pampaligo. At halos ngumiwi si Alyssa nang makita niya ang mga pampaligo ni Audrey. Puro two piece! At hindi naman siya nagsusuot niyon. At pakiramdam niya ay hindi niya kayang magsuot niyon. Pero nagpapanggap ka,

