"ANONG gusto mong kainin, Franco?" tanong ni Alyssa kay Franco nang makarating silang dalawa sa kusina ng penthouse nito. "Why are you asking me?" Narinig niyang tanong nito sa kanya sa baritonong boses. Lumingon naman siya sa likod para balingan ito at nakita niya ang bahagyang pagsasalubong ng mga kilay nito. "Siyempre para malaman ko. Mamaya ayaw mo pala sa lulutuin ko," wika niya dito. “Cook whatever you like, Audrey," wika nito sa kanya. "Kakainin mo?" tanong niya nang hindi niya inaalis ang tingin dito. Saglit namang tumitig sa kanya si Franco bago ito tumango. "Yeah." Ngumiti naman siya. "Okay," sagot niya dito. Pagkatapos niyon ay humakbang siya palapit sa fridge. At akmang bubuksan niya iyon ng mapatigil siya. Muli niyang sinulyapan si Franco at nakita niyang huling-huli

