NAKATUTOK ang atensiyon ni Franco sa harap ng computer nang marinig niya ang pagtunog ng intercom. Salubong ang mga kilay na inalis ni Franco ang tingin sa monitor ng computer at inilipat niya iyon sa intercom. Bago siya pumasok sa loob ng office ay binilin niya sa secretary niya na ayaw niyang magpa-istorbo dahil marami siyang kailangan tapusin ngayon. At siya iyong tipo ng isang taong hindi nagsasayang nang oras. At kapag may sinumulan siya ay dapat matapos niya dahil ayaw na niya iyong ipagbukas. Sa kanilang magkakapatid nga ay siya ang pinaka-workaholic. At sinabi nga ng Mommy Dana niya ay na-surpass daw niya ang pagka-workaholic ng Daddy niya noong kabataan nito. At lagi niyang pinagsasabihan na huwag isubsob ang oras sa pagta-trabaho at magpahinga din siya. Inangat niya iyon para s

