SA pangalawang beses na nagpunta si Alyssa sa Dawson Engineering Firm ay napansin niya agad ang kakaibang pag-trato sa kanya ng empleyado ni Franco. Pagpasok pa lang niya sa loob ay magiliw siyang binati ng security guard. At lahat nga ng nakakasalubong niyang empleyado ay binabati siya na para bang isa siyang boss do'n. Hindi nga din niya napigilan ang mapatingin sa reception area. Wala na doon ang babaeng nagtaray sa kanya, mukhang pinatalsik na talaga ito ni Franco. At kahit na anong gawin nga niyang pagko-convince dito na huwag nitong tanggalin sa trabaho ang babae ay naging firm ang desisyon ni Franco. Tinanggal pa din nito ang babae sa trabaho. Humugot naman si Alyssa ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. Sumakay naman siya sa elevato

