SALUBONG ang mga kilay ni Franco ng alisin niya ang tingin sa harap ng screen ng computer at inilipat niya iyon sa intercom ng tumunog iyon. Saglit siya doong napatitig hanggang sa i-angat niya ang intercom para sagutin kung sino ang tumatawag sa kanya. "Sir Franco," sambit ni Anton sa pangalan niya mula sa kabilang linya. "What is it, Anton?" tanong niya sa kanyang secretary "Sir, it's already five po," imporma ni Anton sa kanya. At nang tingnan niya ang suot na wristwatch ay doon niya nakita kung anong oras na. Alas sinko na nga. Binilin kasi niya kay Anton na tawagan siya nito kapag alas sinko na ng hapon. Madalas kasi kapag tutok ang atensiyon niya sa trabaho ay hindi na niya namamalayan ang oras. And he strictly instructed him to inform him when it was five in the afternoon.

