Chapter 36

1036 Words

NATIGILAN si Alyssa sa akmang paghila ng silya nang unahan siya ni Franco. Pinagdikit naman niya ang ibabang labi nang mula sa gilid ng kanyang mga mata niya ay ramdam niya ang paninitig sa kanya ni Franco. Wala namang imik na naupo siya do'n, hindi nga din niya sinulyapan si Franco. Narinig nga niya ang paghugot nito ng malalim na buntong-hininga bago ito umupo sa tabi niya. "Let's pray," mayamaya ay wika ni Tita Dana. Ipinikit naman ni Alyssa ang mga mata nang mag-umpisang magdasal si Tita Dana. At habang nakapikit ay ramdam niya ang paninitig sa kanya ni Franco na tumatagos sa kaibuturan niya. Nakakaramdam siya ng pagkailang pero nilabanan niya iyon. "Let's eat everyone," masayang wika ni Tita Dana nang matapos itong magdasal. Saglit namang hindi kumilos si Alyssa, pinapauna

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD