HABANG sakay si Alyssa ng elevator pababa sa ground floor ay nakakaramdam ang puso niya ng kirot. Hindi naman niya maintindihan ang sarili kung bakit nakakaramdam ang puso niya ng kirot dahil sa sinabi sa kanya ni Franco. “This doesn’t concern you, Audrey. Stay out of it. Hindi ka nakakatulong, eh. Nakakadagdag ka lang sa problema sa pag-i-istorbo mo." Kinagat ni Alyssa ang ibabang labi nang maramdaman niya ang pamamasa na naman ng magkabilang mga mata nang maalala na naman niya ang binitiwan na salita sa kanya ni Franco kanina. Sa totoo lang ay hindi niya sukat akalain na sasabihin nito iyon sa kanya. Hindi niya totoong boyfriend si Franco, nagpapanggap lang siya bilang si Audrey pero bakit siya nasaktan sa mga binitiwan nitong salita? Naisip naman niya na baka ganoon ang nararamdaman n

