Austin's POV
I'm now at the office habang si Cy naman ay naiwan sa bahay. She's not allowed to go to work because that is part of our deal. I don't want her seeing his boss especially knowing they both like each other.
I'm not planning to stay at the office for long. Sandali lang ako dito dahil baka mainip si Cy mag-isa sa bahay and I'm also planning na ipasyal siya mamaya.
I am busy signing some papers nang tumunog ang cellphone ko and I saw a notification popup. I looked at it and it's from the app I downloaded last night. Cy was in the shower last night habang nakahiga naman ako at nag-aantay sa kanya nang tumunog at umilaw ang cellphone niya. I was just planning to look because I thought it would be from Renzo but I saw it saying "From: Spongebob". I got curious so I opened it, hindi niya pa binabago yung password niya kaya nabuksan ko. I know she doesn't like changing her password kasi nakakalimutan niya, pare-pareho nga mga password niya sa ibat-ibang mga accounts niya eh.
I explored the app more and I realized that it's an app where you can chat with random people without knowing their real or personal information.
I admit reading her conversation with that Spongebob pero hindi ko na binasa pa masyado because it looks just like a normal conversation, no flirting at all.
I immediately installed the app then I searched my wife's profile and sent her a message and now she finally replied.
I messaged her last night saying "Hey Y!" Her username is Y and mine is Tine. I put an e sa dulo so it will not sound like me at all, it also sounds like it came from a girl's name like Christine.
From: Y
Oh hi.
Mukhang bored na yata siya mag-isa sa bahay kaya nag-reply sa akin.
To: Y
What's up? How are you?
From: Y
Good? You?
To: Y
What's with the question mark?
From: Y
I don't know.
What should I reply now? Nag-aalala akong baka ma-bored siyang kausap ako o kaya mahalata niya na ako yung kausap niya.
To: Y
Oh, btw can we be friends?
That's fast and weird but please say yes. I don't know what to say. I haven't message other random people for a long time. Sa asawa ko lang umiikot ang mundo ko simula noon hanggang ngayon.
From: Y
You're a girl right?
To: Y
Why? Does it matter?
From: Y
Yes, my problem right now is a guy and I don't want to add more problem in my life.
That's me for sure, the problem.
From: Y
My husband would also not like it.
Her second message immidiately made me smile in just a second. Natutuwa ako, kinikilig ako, nababaliw ako. She just called me "my husband".
To: Y
Oh no worries, I'm a girl.
From: Y
Then okay.
To: Y
So, you already have a husband? How does he looks like?
From: Y
Why are you asking about my husband?
To: Y
Don't worry I'm just curious, I will not steal him from you.
From: Y
No, you can steal him.
Mabilis niyang reply.
What the?
To: Y
What do you mean?
From: Y
He's ugly.
What the f**k? Me? Ugly? I was born handsome and I am handsome until this day, undeniably.
To: Y
That's rude.
From: Y
I'm just kidding. He'w handsome kaya nga maraming babae eh.
Oh.
To: Y
For real?
Pagkukunwaring gulat ko.
From: Y
Yeah.
To:Y
Do you still love him?
I hope she say yes, please say yes. Kahit sabihin mo lang na kaunti ayos lang, just don't say no.
From: Y
I don't know.
Better than a no.
To: Y
Do you still care about him?
From: Y
Maybe.
Maybe, I will consider that answer as a small chance.
To: Y
I'm sure he loves you.
From: Y
Pano mo naman nasabi?
To: Y
Hindi ka naman papakasalan nun kung hindi ka mahal.
From: Y
If he loves me, why cheat?
Because I'm stupid.
To: Y
I'm sorry.
From: Y
Huh? For what?
To: Y
I feel bad.
From: Y
Don't be. It's not like you're the one who cheated on me.
Yeah, I am.
To: Cy
Sorry, I need to go. Always take care.
From: Cy
Sure, you too. Have a good day.
Hindi na ako nag-reply at tinapos ko na muna yung mga pinipirmahan ko at pagkatapos nun I told my secretary to cancel all my appointments today at umalis na para makauwi na ako sa asawa ko because I miss her already.
Cy's POV
Austin messaged that he's almost home and that I should prepare kasi may pupuntahan daw kami. I asked him where pero hindi niya sinabi at inulit niya lang na mag-prepare ako so I did. Nakapag-prepare na ako at kasalukuyang nag-aantay sa sala.
Makalipas ang halos sampong minuto ay nakarinig ako ng tunog ng sasakyan mula sa labas. Sumilip ako sa bintana to check if it's really him at nang makita kong siya nga ay lumabas kaagad ako para pagbuksan siya ng gate.
"No mahal, ako na."
Austin said when I started pulling the gate. Bumaba pala siya sa kotse.
Pagkatapos niyang buksan yung gate ay pumasok ulit siya sa loob ng kotse para mag-park habang ako naman ay pinapanuod lang siya sa ginagawa niya.
"Hi love."
He greeted and kissed me on my cheek.
"Austin, stop kissing me without my permission."
Pagsermon ko sa kanya at pinunasan yung pisngi kong hinalikan niya.
"I'm sorry love, ang ganda mo lang kasi masyado."
Sa pambobola talaga magaling.
"You look so good in that dress."
He said while staring at me with a smile on his face.
"Thanks."
"Get in the car, magpapalit lang ako saglit my love."
Sabi niya at tumango naman ako. Inalalayan niya pa akong sumakay papasok sa kotse bago siya pumasok sa loob ng bahay. Hindi rin siya nagtagal at lumabas agad wearing a black pants, white button down polo and white shoes.
"I'm sorry, matagal ba?"
Tanong niya nang makasakay siya sa kotse.
"No, ang bilis mo nga eh."
Sagot ko.
"Na-miss kita eh."
He winked at napailing naman ako and he just chuckled.
Tahimik lang siya sa pag-dadrive at hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya minsan because he looks good pero syempre hindi ko yun pinapahalata.
"Where are we going?"
I asked because he haven't told me yet.
"4:47 pm na kaya dadating tayo doon ng 5:30 pm."
He answered.
"Eh hindi mo naman sinagot yung tanong ko eh."
Ang layo ng sagot niya, mas malayo pa sa pupuntahan namin.
"Basta nga love. Look at the window, the view is breathtaking."
He answered so I looked at the window and I immediately gasped when I saw the view.
"Wow."
Nawala kaagad yung inis ko kay Austin nang makita ko kung gaano kaganda yung lugar dumagdag pa yung music that Austin played.
What a wonderful world by Louis Armstrong, we both love listening to old songs.
There's so many trees but it doesn't look scary because of the flowers around it. Wala ring kahit isang bahay na nakatayo sa paligid kaya napakalinis tingnan. Austin clicked a button and the window opened. That is when I completely lost it and smiled with my eyes closed.
"This feels like heaven."
I said.
"I know."
Austin answered.
It's been a long time since I last felt this feeling. Yung pakiramdam na sobrang gaan lang ng mundo.
Habang nakapikit ang mga mata ko at dinadama ang simoy ng hangin ay bigla kong naramdaman ang paghawak ni Austin sa kamay ko kaya agad akong napatingin sa kanya.
"Austin."
Gusto ko siyang sawayin pero para bang mas dumagdag pa sa sarap na nararamdaman ko ang init ng kamay niya na nasa kamay ko. He just smiled at me sweetly at muling nag-focus sa pagmamaneho.
Walang nagaganap na pagtatalo sa isip ko so I just let our hands touched and closed my eyes again.
Nang makarating kami sa lugar ay nakakunot lang ang noo ko. Kasakuluyan siyang naglalatag ng blanket sa damuhan at pagkatapod nun ay isa-isa niya namang nilabas ang mga pagkain mula sa likod ng kotse na hindi ko alam na nandoon. It's all my favorite food. Napakadami at hindi ko alam kung mauubos ba namin.
"Okay, it's all good."
He sat down on the blanket at pinaupo rin ako.
"What do you think about the place?"
Tanong niya habang nililibot ang tingin niya sa paligid.
"Perfect."
That's the only word I can think of because it is perfect.
"I'm glad you like it."
He said.
"No, I love it."
I said and he smiled.
Kumuha siya ng chips at binuksan yun. It's my favorite potato chips, pringles original flavor.
Itinapat niya yun sa bibig ko so I opened my mouth at sinubo yun.
"Sarap?"
"Isa pa nga."
Muli niya akong sinubuan pero bitin pa rin kaya naman kinuha ko na sa kanya yung lalagyan ng chips at sunod-sunod na kinain.
I missed eating chips, it's been a long time because I was trying to diet and eat healthy.
Everything that comes from potatoes tastes good.
"Oh, gusto mo ba?"
Tanong ko sabay abot sa kanya nung pringles pero umiling lang siya at tumayo.
"Baka kulang pa yan sayo."
Biro nya.
"Grabe ka."
He just chuckled.
Naglakad siya pabalik ng kotse. Hindi ko alam kung bakit pero nagsimula na ako sa pagkain.
Hindi rin siya nagtagal at sa pagbalik niya ay may dala na siyang bulaklak.
"Ano yan?"
Kunot noo kong tanong sa kanya nang makalapit sya sakin.
"Flower, for you."
"But what for?"
"I'm courting you."
"Courting me?"
Wala akong naalalang may napag-usapan kaming ganyan. Hindi ako pumayag.
Ngumiti lang siya sa akin. He offered his hand to me at inalalayan akong tumayo.
Binali niya yung isang bulaklak mula sa bouquet. Hinawi niya ang buhok ko at isinabit ang bulaklak sa kanang tainga ko.
"You look beautiful, just like that flower on your ear."
Napapatulala ako sa mga ginagawa niya. Naiilang ako but I can't deny that it's giving me butterflies.
"Thank you."
"You deserve this view. Every beautiful things in the world my love, you deserve it all."
Agad na kumirot ang puso ko nang sabihin niya yun.
I should be happy but I can't and it's hard.
"I'm sorry."
I said.
I'm not sure why I said that but I feel sorry. Maybe I feel sorry for what happened to us. For what tragedy happened.
"No love, no."
Umiiling na sagot niya.
"I should only be the one to say sorry. I don't deserve your apology, even your forgiveness."
He added but I didn't say a word.
"Can I hold your hand? May pupuntahan tayo love."
"Where?"
I asked.
"Please?"
Hindi niya nanaman sinagot ang tanong ko pero tinanggap ko pa rin ang kamay niya at tumango.
He told me to close my eyes as we walk so I did. Kinakabahan lamg ako dahil baka bigla akong madapa.
"I love you."
Kasabay ng pagsabi ni Austin ng mga tatlong salita na yun ay ang pagtanggal niya ng kamay niya na nakatakip sa mga mata ko.
Isang magandang tanawin nanaman ang bumungad sa akin, mas maganda pa sa dinaanan namin kanina.
It looks unreal. I didn't know this kind of view exist here. It looks like a dream, I even pinched my legs secretly to check if I'm dreaming.
Medyo malayo yata ang nilakad namin kanina kaya hindi tanaw yung lugar na ito mula sa pwesto namin kanina.
"Are you happy?"
Austin asked as he held my hand.
Hinarap ko siya at direstong tiningnan sa mga mata niya.
"Salamat."
I smiled at muli ko nanamang nasilayan ang matatamis niyang mga ngiti.
"Sobrang saya ko ng puso ko ngayon."
I added.
Austin really knows what can make my heart melt.
Nakita kong unti-unting bumababa ang tingin niya sa mga labi ko dahilan para lumakas ang kabog ng dibdib ko. I think I know what he is thinking but I just found myself staring at his lips too.
"Can..."
Can?
"Can I kiss you?"
He softly asked nang hindi man lang tinatanggal ang tingin sa mga labi ko.
I suddenly don't know what to say. Why am I always speechless when it comes to him? It's like he's always taking my consciousness.
"I don't..."
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang tuluyan nang lumapat ang labi nya sa labi ko.
I can't believe that my lips are touching his lips again. His soft, playful, and sweet lips.
It's not even 24 hours that we are together yet.
Malandi ba ako?
His kisses is making me so weak, nang lalambot ang mga paa ko sa tuwing hinahalikan niya ako o kahit lumapit man lang siya sa akin.
Patuloy lang ang paghalik na ginagawa niya sa mga labi ko and I'm not even complaining hanggang sa hindi ko na namalayang tumutugon na pala ako sa bawat halik niya.
"You will be always my favorite view mahal."
Bulong niya nang sandali siyang humiwalay sa mga labi ko pagkatapos ay muli nanaman akong hinalikan.
He's a good kisser, without a doubt.
When we finally abandoned each other's lips, I couldn't look at him.
I feel so shy and awkward after that pleasing and sweet kiss.
"Ang ganda mo."
Alam kong nakatitig siya sa akin ngayon kaya mas lalo pa tuloy akong naiilang.
"Shut up."
Hindi makatinging sagot ko.
"I don't think I can. Dahil sa mga halik mo, baka hindi na manahimik ang bibig ko."
Sinisi pa ako eh siya nga yung humalik sa akin.
We enjoyed the view for a while. I keep taking picture of the view while Austin keep taking pictures of me at pagkatapos nun ay bumalik na rin kami kung saan kami naglatag ng blanket kanina then I fell asleep without realizing it. Maybe because the wind feels so good.
Ginising lang ako ni Austin nung kailangan na naming umalis.
"How's your sleep?"
Malambing niyang tanong.
"Good, I'm sorry."
"Don't be. I enjoyed watching the view."
"Yeah, it's nice."
Pagsang-ayon ko.
"Yeah, you're pretty."
"Huh?"
"Nothing."
He chuckled.
I bet he was staring at me again.
"Are you good now? Are you ready to go?"
Tanong niya at tumango ako.
"I honestly don't want to go yet."
"I know but we have to. Dumidilim na kasi. We can go back, next time love."
Magkakaroon pa nga ba ng next time?
"Hmm, okay."
Sagot ko at inalalayan niya akong tumayo.
"Mauna ka na sa kotse, ililigpit ko lang yung mga gamit atsaka itutupi ko lang itong blanket."
"No, I will help."
I said.
"You don't need to."
"Maybe but I want to."
Sagot ko at tinulungan siyang magligpit ng mga gamit. Kinuha ko yung iilan sa mga pagkain at maingat na nilagay sa likod ng kotse.
Pagkatapos naming magligpit ay pumasok na kami sa loob. May iniabot na maliit na unan sa akin si Austin just in case I still feel sleepy daw. He even put my seatbelt at nang maisuot niya yung kanya ay nagbyahe na kami paalis.