bc

CEO's Arranged Marriage with His Enemy

book_age16+
138
FOLLOW
1.1K
READ
billionaire
HE
age gap
opposites attract
arranged marriage
arrogant
heir/heiress
bxg
lies
like
intro-logo
Blurb

Isang kasalang walang pag-ibig. Isang bilyonaryong kaaway na naging asawa."You're mine now.Isang kawawang pambayad-utang. Kaya huwag kang mag-inarte diyan."Sa ilalim ng isang marangyang mansiyon, nagsimula ang laro ng paghihiganti at kapangyarihan. Ngunit paano kung ang lalaking labis na nagpapahirap sa kanya ay siya ring magpapabilis sa t***k ng kanyang puso? At paano kung ang kanilang honeymoon ay hindi para sa dalawa... kundi para sa tatlo?Isang kama. Dalawang magkaaway,sino kaya ang unang luluhod para sa limos na pag ibig?

chap-preview
Free preview
CEO's Arranged Marriage with His Enemy
*Chapter 1 – Tumakas Na Lang Kaya Ako?* *[POV: Sofie]* “Tumakas na lang kaya ako? Bumalik na lang kaya ako ng States? Ayoko nang magpakasal sa taong wala akong nararamdaman ni katiting na pagmamahal.” “Hoy! Sofie Santos! Nababaliw ka na ba, ha?” Sumakit ang tenga ko sa lakas ng sigaw ni Carla, kasabay ng malakas na paghampas niya sa braso ko. “Aray! Ang sakit nun.” “Mas masakit pa diyan ang mararamdaman mo pag tinangka mong tumakas,” sarkastikong sagot niya. “Alam mo kung ano ang kayang gawin ng mga Madrigal. Kahit saan ka pa magtago, mahahanap ka pa rin nila. Mapapahamak ka lang, pati ang pamilya mo.” “Eh, ano’ng gagawin ko? Hindi ko naman siya gusto.” “Wala kang ibang gagawin. Tigilan mo yang kahibangan mo. Ayusin mo na diyan. Lalabas lang ako, may aasikasuhin lang ako. Ilang minuto na lang, magsisimula na ang kasal mo.” Tama siya. Wala na akong lusot. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Puting wedding dress. Maayos ang buhok. Pero ang mukha ko, parang pupunta sa libing. “Ikakasal ako ngayon sa lalaking hindi ko naman gusto at kinamumuhian ko pa. Paano ako mabubuhay nito?” bulong ko sa sarili. “Magkunwari na lang kaya akong may sakit?” “Kung ano man yang binabalak mo, wag mo nang ituloy.” Nagulat ako. Nasa likuran ko na si Lucas Madrigal. CEO siya ng Madrigal Corp. Pogi, matangkad, mayaman. Yan ang sinasabi ng mga babae. Pero para sa akin, wala ni isa doon ang totoo. Only child siya. Dala niya lahat ng yaman ng pamilya. At siya rin ang lalaking nakatakdang sumira sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero simula nung nagtagpo ang landas namin, ayoko na sa kanya. Yabang. Walang respeto. Lahat ng kinaiinisan ko sa lalaki, nasa kanya na. Pero ito ako ngayon. Nakaputi. Nakahanda ikasal sa kanya. “Ikaw lang pala,” mataray kong sabi. “Anong ginawa mo dito?” Umupo siya sa sofa na parang nasa bahay niya. Itinaas pa ang paa sa mesa. “Anong ‘ikaw lang pala’? Hindi ako basta kung sino lang, ha. Ako—” “Ikaw ang pinaka-walang kwentang lalaking nakilala ko.” Putol ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya. Umayos siya ng upo. “At ikaw, sino ka naman sa tingin mo? Ikaw na ata ang pinaka-masamang bangungot sa buhay ko. Ni hindi kita kayang tignan. Napaka-panget mo!” Humigpit ang panga ko. Kumukulo na ang dugo ko. “At ano ang tingin mo sa sarili mo, Mr. Madrigal? Ikaw na ba ang pinaka-gwapong lalaki sa balat ng lupa?” “Ikaw ang may sabi niyan.” Ngumisi siya. Inayos pa ang buhok niya. “Para sabihin ko sa’yo, Lucas Madrigal, wala ka sa kalingkingan ng taste ko. Kahit kailan, hindi ko hihilingin na sumagi ka sa panaginip ko. Mas gugustuhin ko nang hindi matulog kaysa makita ang kakasuka mong pagmumukha.” Kalmado pa rin siya. Parang hindi tinatablan. “Alam ko na kung bakit sa tanda mong ‘yan wala pang nagkakagusto sa’yo. Dahil hindi ka lang basta panget, basura pa ang ugaling mayroon ka.” “Ano’ng sabi mo!” Nanginig ang kamay ko. Gusto ko nang hampasin siya ng vase sa mesa. Kung hindi lang ako nagpipigil. “Huwag kang umastang ikaw ang biktima dito, Ms. Santos,” malamig niyang sabi. “Hindi lang ikaw ang tutol sa kasalang ito. At kung tutuusin, dapat nga magpasalamat ka pa sa akin. Oras na dala mo na ang apelyido ko, bayad na lahat ng utang ng ama mo at lolo mo sa pamilya ko.” Lumapit siya ng isang hakbang. Tumalim ang tingin niya. “Kaya kung ano man ang binabalak mo, wag mo nang ituloy. Kung ayaw mong maghirap ang buong angkan mo, isang salita ko lang, pwedeng mapunta sa kulungan ang mga magulang mo.” Tumahimik ako. Hindi ko siya masagot. Tama siya. Nasa palad niya ang kinabukasan ng pamilya ko. Isang taon na ang nakalipas nang malulong sa sugal ang ama ko. Nag-bankrupt ang kumpanya ng lolo ko. May bilyong utang kami sa mga Madrigal. Ang solusyon? Ipakasal ako sa apo ng dating CEO. Nagkasundo ang mga lolo namin. Kasal kapalit ng tulong. At ako ang ginawang kolateral. “Miss Sofie, magsisimula na po ang wedding ceremony. Tatlong minuto na lang po.” Napabuntong-hininga ako. Pinunasan ko ang luha sa gilid ng mata ko. Hindi ito ang kasal na inasam ko. Pinangarap ko na maikasal sa lalaking mahal ko at mahal ako. Pero iba ang landas na tinatahak ko ngayon. Ikakasal ako sa lalaking ni hindi ko kilala maliban sa pangalan. Naglalakad ako papunta sa altar. Pero ang sigaw ng puso ko: tumakbo ka. Tumakas ka. Lumuluha ako. Hindi dahil masaya ako. Kundi dahil pait ang nararamdaman ko. Maraming tao sa paligid. Lahat nakangiti. Pero kami ni Lucas, parehong walang bakas ng saya. Ni hindi siya tumingin sa akin. Hinihintay lang niya ako sa altar. Kita ko ang pagtutol sa mukha niya. Pero iisa pa rin ang sagot namin. “I do.” Mabilis natapos ang seremonya. Ni hindi niya nahawakan ang kamay ko. Pero pakiramdam ko, may nawala na sa akin. *[POV: Lucas]* Nakatayo ako sa altar. Hinihintay ang babaeng hindi ko gusto. 30 na ako. Siya 25. Malayo ang agwat. At may babae na akong gusto. Si Faith. Dalawang taon ko na siyang nililigawan. Pero hindi siya ang ikakasal sa akin ngayon. Matalik na magkaibigan ang mga lolo namin. Kaya pinagkasundo kami. Kapalit ng tulong ng pamilya ko sa pamilya ni Sofie. Nasa simbahan din si Faith ngayon. Nakatingin sa akin. Pero wala akong magawa. Pakikisamahan ko lang si Sofie ng ilang buwan. Ipapadama ko sa kanya ang hirap. Hanggang sa siya na mismo ang humingi ng divorce. Paglalaruan ko lang siya. Sa huli, si Faith pa rin ang pakakasalan ko. *[POV: Sofie]* “Bakit kailangan pa natin magsama sa iisang bahay?” tanong ko paglabas namin ng simbahan. “Because you’re mine now, and I’m your husband. Whether you like it or not, doon ka na titira sa bahay.” “Hindi! Ayoko! Kasal lang tayo sa papel. Wala sa usapan na sasama ako sa’yo.” “Oh? Really? Let’s see.” Kumaway siya sa isang lalaki. “Mr. Kim, dalhin ninyo lahat ng gamit niya sa kotse. Walang ititira. At pag ayaw niyang sumama, kaladkarin ninyo ang babaeng ‘to sa loob ng kotse.” “Ano?! Hindi puwede!” Ngumisi lang sya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
735.7K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.6M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
969.8K
bc

A Warrior's Second Chance

read
353.9K
bc

Not just, the Beta

read
345.7K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook