bc

In Bed with my Sister's Fiancé

book_age18+
69
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
dominant
badboy
heir/heiress
drama
bxg
disappearance
like
intro-logo
Blurb

Madison Cassidy Cruz, a good daughter. She can sacrifice everything for her own family just to accept her. She is thirsty for love and for once someone loves her, she will fight for it— even if it's her sister's fiancé.

chap-preview
Free preview
Prologue
"I'm sorry," buntong hininga ni Ryker, kasabay nang pagbitaw niya sa kamay ko. "I'm sorry, Madison, let's break up." Nangunot ang noo ko mula sa narinig. Maang ko pang tinitigan si Ryker habang pilit na hinahanap ang mga mata niya. Malikot iyon, hindi mapakali at para bang kagustuhang mag-iwas ng tingin sa akin. "Anong sinabi mo, Ryker?" pag-uulit ko dahil para akong nabingi, o sadyang hindi lang din talaga matanggap ng dalawang tainga ko ang katagang binitawan niya. Break? Kami, magbe-break? Nagpapatawa ba siya? Isang taon na ang relasyon namin ngayong araw. Kaya nga kami nagkita ngayon para mag-date, para i-celebrate ang first anniversary naming dalawa. At kahit hindi pa kami kasal, pareho kaming nagsumpaan sa simbahan na kami hanggang dulo— kami pa rin ano man ang mangyari, sa hirap man o ginhawa, pipilitin naming kami pa rin ang maging end game. Kaya anong kahibangan itong sinasabi niya? May kulang ba sa akin? May hindi ba siya nagustuhan sa ugali ko habang kami? O may kasalanan ba akong nagawa? Alin doon? Sa pagkakatanda ko naman, mahal na mahal niya ako. Ramdam ko iyon. Mahal ako ni Ryker. Mahal namin ang isa't-isa. "Ryker," pagtawag ko rito nang wala siyang maging imik, maagap kong hinawakan ang dalawang kamay nito. "Ryker, ano ba? Ano bang nangyayari, huh? May problema ba?" Marahan kong pinisil ang kaniyang palad. Kasabay nang paisa-isang pagpatak ng luha ko. Pinakaayaw ni Ryker na makita akong umiiyak, pero kung kailan nagsimulang tumulo ang mga luha ko ay doon siya nag-angat ng tingin sa akin. Malamig ang expression ng mukha niya. Wala roon iyong pagmamahal sa tuwing titingnan niya ako, para bang hindi si Ryker itong nasa harapan ko ngayon. May kakaiba. Hindi ko lang masabi kung ano iyon. Napapangunahan ako ng takot sa reyalisasyong iiwan niya ako, gayong siya na lang itong kinakapitan ko sa lahat ng bagay. Siya na lang ang mayroon ako. Tumitig sa akin si Ryker. Pagkatapos ng isang kurap ay naramdaman kong gumalaw ang mga kamay nito. Dahan-dahan siyang kumakalas sa pagkakahawak ko habang patuloy siyang nakadungaw sa akin. "Ry... ker..." Pumiyok ang boses ko sa sunud-sunod kong pagluha. "I'm sorry, Madison," pahayag niya at saka pa tuluyang nakawala sa akin. Sa panghihina ko ay hindi ko na siya nagawa pang pigilan, maski ang paghabol sa kaniya noong tumalikod at maglakad siya palayo ay hindi ko na rin nagawa. Natulala ako sa likod nito habang puno ng katanungan ang utak ko. Litung-lito ang pagkatao ko sa kung papaano at bakit ito nangyayari. Hindi ko mawari kung sino ba sa amin ang nagkamali. Matagal akong nakatayo roon hanggang sa tuluyang mawala si Ryker sa paningin ko. Kasunod din ito ay ang pagkidlat at ang dahan-dahang pagbuhos ng ulan. Palakas iyon nang palakas ngunit nananatili ako roong nakatayo, animo'y baliw. Hindi ko maramdaman sa balat ko iyong pagpatak ng ulan. Wala akong marinig gaano man kalakas ang kulog at kidlat sa kalangitan. Wala akong ibang makita kung 'di ang kadiliman, literal sa buhay ko. Si Ryker iyong nagsisilbing ilaw ko, siya rin iyong dahilan kung bakit ako nagpapatuloy sa buhay ko, kaya ngayon na nawala siya ay hindi ko rin malaman kung paano pa ako magpapatuloy. Kung paano ko pa susundan ang kinabukasan na may ngiti sa labi. Sobrang dilim. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ang hirap na pagkatapos kong ialay lahat ng pagmamahal ko sa kaniya, ganito ang mangyayari at iiwan ako na parang laruan. Wala ni anong paliwanag. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang dalawa kong palad. Marahas na yumuyugyog ang balikat ko para sa mas masagana kong pag-iyak. Kumakawala rin ang malakas kong pagtangis. Ngunit baliwala kung sino man ang nakakakita sa akin. Nandito ako sa tapat ng isang restaurant na dapat ay pagkakainan namin ni Ryker. Hindi na siya tumuloy dahil sa pagmamadali niyang sabihin ang katagang iyon. Hindi man lang hinayaan na i-celebrate muna ang unang taon sana namin. Hindi ako kumain magmula kaninang tanghali dahil sa sobrang tuwa ko na pagkatapos ng ilang linggo siyang nawala ay magkikita kami ulit. Mayaman si Ryker, kaya naiintindihan ko na paminsan-minsan ay nag-a-out of the country siya. Kasama nito ang pamilya niya. Isa sa pangunahing rason ay ang kumpanyang susunod niyang pamumunuan. Ilang beses ko naman na siyang hinayaan na umalis, pero hindi ko alam kung bakit naging ganito. Ano bang nangyari sa pinuntahan niya? Marami pang tanong ang umiikot sa utak ko ngunit wala akong naging sagot. Tila bangungot pa sa akin ang nangyari sa gabing iyon dahil magmula nang mawala sa akin si Ryker ay nawala na rin ako sa sarili ko. Sa ilang araw na nagdaan ay hindi ko na masundan kung ano pa ang mga nangyari sa buhay ko. Hindi ko na maalala kung paano ko pinipilit na bumangon sa kama, kumain at maligo, para lang masabing buhay nga ako. Gusto kong kalimutan ang gabing iyon, kasama si Ryker ngunit hindi rin naging madali para sa akin. Totoong mahirap na mag-move on na akala ng iba; isang inom lang ng alak ay makakalimot ka na. Hindi. Ako, ilang tableta man ng sleeping pills ang inumin ko, kinabukasan ay natatagpuan ko pa rin ang sarili, kung hindi tulala ay umiiyak sa isang sulok. Kung may gamot nga lang din siguro para sa paglimot, unang gabi pa lang ay naglaklak na ako. Kung may gamot lang para sa pusong sugatan, hindi ako tatagal ng ganito. Pagak akong natawa. Tunay na nakakabaliw kapag broken hearted, ‘no? "Madison!" Ilang kalampag sa pinto ang nangyari bago ko iyon dali-daling binuksan. Bumungad sa paningin ko si Mama. Ang isang kamay niya ay nasa ere at nang makita ako ay kaagad niyang pinagkrus ang dalawang braso sa kaniyang dibdib. "Anong oras na ba at nagkukulong ka pa rin sa kwarto mo? Aba naman, Madison! Isang taon ka ng ganiyan! Kita mo 'yang eyebags mo? Hay naku, ako na lang ang mahihiya kapag dumating dito si Miranda!" sunud-sunod niyang palatak. Ngunit nahinto ako sa huling sinabi niya. Nangunot ang noo ko. "Uuwi na si Miranda?" Si Miranda ay nakababata kong kapatid. Limang taon ang agwat naming dalawa. Kung gaano kalayo ang agwat namin sa edad ay ganoon din ang relasyon naming dalawa bilang magkapatid. Afam ang napangasawa ni Mama at ngayon ay hiwalay na silang dalawa. Naghatian sila ng anak. Ako ang naiwan kay Mama, si Miranda naman ay kay Daddy. Kaya Matagal na nanirahan si Miranda sa States, since roon naman talaga nakatira si Daddy. "Kasasabi ko lang!" anas ni Mama dahilan para mapakurap-kurap ako. Hindi na bago sa akin ang ganitong asta ni Mama. Palagi siyang galit simula noong maghiwalay sila ni Daddy. At dahil ako naman ang palagi niyang nakikita at kasa-kasama sa bahay ay ako ang napagbubuntunan niya ng galit. Kaya iyong sinasabi kong si Ryker na lang iyong mayroon sa buhay ko, na siya lang iyong kinakapitan ko, ito iyong rason. Sa kadahilanang iyon naman ang nararamdaman ko sa bahay na ito. Sa akin madalas nagagalit si Mama kahit wala naman akong ginagawa, kahit nga minsan na naaabutan niya akong nakatulala ay magagalit siya. Para sa kaniya ay wala na akong ginawang tama— totoo naman. Isa akong dakilang tambay. Higit isang taon noong mag-resign ako sa trabaho ko bilang journalist. Ang tanging ginagawa ko na lang ay magkulong sa kwarto habang tinatapos ang kwentong ginagawa ko. Sa nagdaang mga araw, iyong computer at keyboard lang din ang naging sandalan ko. Nakagawa ako ng ilang kwento na ayon sa imahinasyon ko. As a freelancer, kahit papaano ay nakakatanggap ako ng bayad. Iniipon ko iyon para kung sakali na mapalayas ako bigla ay may pera ako. Ngunit hindi iyon alam ni Mama. Kaya ganoon na lamang din ang galit niya sa akin. Mabuti nga kahit papaano ay nag-aabot pa rin si Daddy ng sustento sa akin. "Sige na, Madison! Mag-ayos ka na rito sa bahay at paparating na sila! Linisin mo iyong sala, lalo iyong kwarto ni Miranda. Pagkatapos mo riyan ay maligo ka na rin at ang baho mo na. Diyos ko, Madison!" Tumango ako bilang tugon. "Kailangan pagbalik ko ay malinis na ang bahay. Susunduin ko lang sila sa airport." Galit niya akong tinapunan ng tingin. Muli akong tumango, roon lang siya tumalikod at nagmamadaling lumarga paalis. Malakas akong bumuntong hininga sa kawalan. Hindi kami mayaman, well at least, masasabi kong may kaya. Pasalamat na rin kay Daddy. Wala kaming katulong at dahil kami lang naman ni Mama ang narito sa bahay, ako ang nagsisilbing katulong dito. Wala akong nagawa kung 'di simulan ang paglilinis. Nagsimula ako sa kusina, sa sala at pati sa ilang kwarto sa bahay. Matapos kong isampay ang ilang basahan at bed sheet sa likod-bahay ay naligo na rin ako. Mabilisan akong naligo dahil mas na-excite pa akong ilahad ang mga ganap na nangyayari sa utak ko. Kaya pagkatapos kong maligo ay dumeretso ako sa kwarto, sabay naupo sa swivel chair ko. Baliwala ang basa kong buhok, ang kulay puting tuwalya na nakapulupot sa katawan ko at nagsimula akong magtipa. Kahit papaano ay nakatulong sa akin ang pagsusulat para maibsan ang sakit na naranasan ko isang taon na ang nakalipas. Dito, kahit papaano ay nailalabas ko ang mga hinanakit at opinyon ko na hindi ko magawa sa totoong buhay. ‘Ryker, tama na...’ Natawa ako. Kita mo 'yan? Paano ko magagawang makalimot kung pati male character ko ay ipinangalan ko sa kaniya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook