Chapter 15 Marilyn’s Pov NAKAUWI na kami ni madam Casopia sa bahay niya. Hindi pa naman ako mapakali dahil ito ang unang beses na may nasuntok ako sa mata na lalaki. Nakakainis naman kasi ang lalaking yun. Ang lakas ng loob magsabi ng ganun sa ‘kin eh nasa paligid lang ang babaeng mapapangasawa niya. Hindi ko tuloy mapigilan masuntok ang mata niya para magtanda. Sana lang ay hindi siya gumanti sa ‘kin. Kasalanan naman niya kung bakit siya nasuntok. Ayaw ko ng gulo at ayaw kong ako ang maging dahilan na hindi matuloy ang kasal nila ng amo ko. Naririnig ko kasi si madam Casopia na excited talaga siya na makasal sa lalaking yun. Halata naman na may gusto siya. Pero feeling ko yung lalaki wala talaga. Inayos ko nalang muna ang box na buhat-buhat ko dahil sabi ni madam ay si Zyra na daw a

