Chapter 14

1908 Words

Chapter 14 Koa’s Pov NAKAUPO ako sa pang isahang upuan habang ang dalawa kong kaibigan ay panay ang tawa. Natatawa sila sa natanggap kong suntok mula kay Marilyn. Masama ko silang tinignan habang dinadampian ng ice bag ang mata kong nasuntok. “Kasalanan niyo ‘to eh,” saad ko sa inis na boses. “Bakit naman namin naging kasalanan? Eh ikaw ‘tong nagtanong kung gusto ba niya ng kalabaw.” Depensa ni Demetrius sa sinabi ko. “Sabi niyo kasi kalabaw!” Saad ko sa inis na boses. “Oo sinabi namin. Pero hindi namin sinabi na itanong mo sa kanya. Dapat surprise kasi. Tanga ka din eh,” sabat ni Morgan kaya pinakita ko sa kanya ang gitnang daliri ko. “Ulol! Ang sabihin niyo pinagtitripan niyo ako. Dapat talaga hindi na ako naniwala sa inyo eh,” saad ko saka dinampian muli ang isa kong mata.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD