Chapter 2
Marilyn's Pov
HINIHINTAY ko ang pagdating ni Matthew. Nakaligo na din ako at ginamit ang pabango na nabili ko lang sa botika. Ganun ako ka tipid dahil ang pera na binibigay sa 'kin ni Matthew ay maliit lang.
Siya kasi ang nagbabayad ng apartment na 'to kaya hindi ako pwedeng magwaldas ng pera para sa walang kabuluhan. Gusto ko talagang mag trabaho pero kapag sinusubukan ko ay nag-aaway lang kami ni Matthew.
Nahihirapan kasi ako sa sitwasyon ko. Ni wala akong sariling pera na mahawakan. Hindi ako makabili ng mga gusto lo dahil nakakahiya naman kung gumastos ako ng hindi naman
sa 'kin.
Baka may masabi pa si Matthew, mas nakakahiya yun. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong pagtrabahuin, eh hindi pa naman kami kasal at lalong-lalo na wala naman kaming anak na aalagaan ko.
Nong una ay na s-sweetan ako sa kapag pinipigilan niya ako. Nasa isip ko kasi ay baka ayaw niya akong mapagod o mahirapan sa pagtra-trabaho. Pero ngayon hindi na.
May isang beses kasi na may gusto akong bilhin. Kailangan na kailangan ko din naman kasi yun ngunit nagalit siya dahil bili daw ako ng bili ng mga walang kwentang bagay. Buti daw sana kung may na a-ambag ako sa apartment na 'to.
Hindi ako nakaimik dahil napahiya ako do'n. Pinaka ayaw ko sa lahat kasi yung pinapahiya ako at sinusumbatan ako. Nag sorry naman siya sa 'kin at sinabi na hindi daw niya sinasadya ang mga sinabi niya. Naiintindihan ko din naman dahil alam kong pagod siya. Pinalampas ko nalang muna dahil sabi naman niya ay hindi na daw niya uulitin.
Iniisip ko nga ngayon na baka magalit na naman siya pag uwi niya dito. Walang ulam. Paano ako bibili ng ulam kung wala na akong pera. Ayaw ko naman mangutang sa tindahan dahil hindi ako makakatulog kapag may utang ako kahit 100 pesos pa yan. Takot talaga ako.
Bahala na kung magalit si Matthew. Sasabihin ko sa kanya ang totoo kung bakit wala akong naihanda.
Nagugutom din ako pero wala naman akong makain. Kaya talagang hinihintay ko ang pagdating ni Matt.
Panay pa ang text ko sa kanya na kung pwede ay bumili siya ng ulam. Hindi naman siya nag reply kaya hindi ko tuloy alam kung nabasa ba niya ang mga text ko.
Ilang sandaling paghihintay ay biglang may kumatok sa pinto ng apartment ko. Napangiti ako dahil alam kong si Matt na yun.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa pinto at pinihit ang siradura ng pintuan. Bumungad sa 'kin ang mukha ni Matthew na halatang hindi masaya na makita ako. Nakasimangot kasi siya at may dala siyang plastic na kulay blue.
"Oh, ito ulam. Pambihira ka, pati ulam hindi ka makabili." Sabi ni Matt sa 'kin na halos ibato niya ang dalang plastic sa dibdib ko. Mabuti na nga lang at nasalo ko pa 'to.
"Ano bang problema mo, Matt? Kakabukas ko lang ng pintuan pero bubungad na sa 'kin ang galit mo. Wala naman sana akong ginagawang masama. Gusto ko lang naman na pag uwi mo dito ay may kakainin ka." Napipikon kong sabi sa lalaki.
Nagagalit siya kapag pinapabili ko eh para sa kanya din naman. Lagi ko naman sinasabi na maghahanap na ako ng trabaho pero ayaw niya. Saan pa ba ako manghihingi ng pera kundi sa kanya.
"Hindi ako kakain dito. Hinatid ko lang talaga yan." Sabi niya sabay iwas ng tingin.
"A-Alis ka na? Kakarating mo lang eh. Hindi ka ba matutulog dito?" Nauutal kong tanong. Nagbago na talaga siya. Hindi na siya ang boyfriend ko dati na mapagmahal, maalaga at laging iniisip ang kapakanan ko.
"Nagmamadali na ako, Marilyn. Wala akong oras tumambay dito." Walang buhay niyang sagot. Ramdam ko na parang wala na ako sa puso niya. Kaya mas lalo kong gustong ibigay sa kanya ang sarili ko at baka sakaling bumalik pa kami sa dati.
Hindi ko na yata kaya pang mawala si Matthew sa 'kin. Kaya handa kong ibigay sa kanya ang lahat.
"Aalis na ako. Kumain ka na diyan! Babalik na lang ako sa next day off ko." Sabi niya at agad na tinalikuran ako. Susubukan ko pa sana hawakan ang kamay niya ngunit hindi ko nahabol.
Tinawag ko pang muli ang pangalan niya ngunit hindi niya ako nilingon kahit isang beses man lang.
Naiwan akong nakatitig sa main door ng pintuan ng apartment na 'to. Malapit lang kasi kami sa labasan at may katapat din na apartment.
Napabuga ako ng hangin at umatras saka ko isinara ang pinto. Akala ko pa naman ay dito siya matutulog ngayon. Yun kasi ang pangako niya nong nakaraan. Hindi kasi siya umuwi dahil sabi niya cancel off daw siya.
Natatakot talaga ako maiwan ni Matthew. Iniisip ko kasi na kapag naghiwalay kami ay wala akong mapupuntahan. Ayaw ko naman bumalik sa ama ko dahil sigurado akong pagtatawanan niya ako. Lalo na ang dalawang langaw na nasa bahay namin ni papa.
Naglakad ako patungo sa maliit na kusina at ipinatong ang binili ni Matt na ulam. Nawalan na tuloy ako ng gana kumain dahil sa nangyari.
Umupo ako sa nag iisang upuan dito at nakatulala lang. Nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko dahil wala man lang akong pera. Kailangan ko pang manhingi. Naaawa ako sa sarili ko kaya balak kong maghanap ng trabaho bukas. Mas mabuti na yun para may pera ako kahit papano. Ang hirap humingi ng pera sa iba. Pagsasalitaan ka muna ng masasakit na salita bago ka bigyan.
Kahit anong trabaho ay papasukin ko. Ayos lang yun basta marangal.
Habang nakatitig ako sa kawalan ay biglang may kumatok sa pinto ng apartment ko. Sa pag-aakala na bumalik sa Matthew at natauhan sa ginawa niya ay dali-dali akong naglakad papunta sa pinto.
Inayos ko pa ang buhok ko saka ko pinihit ang siradura ng pinto at binuksan. Ang ngiti ko ay naglaho dahil sa bumungad sa 'kin.
Alaka ko ay si Matt ngunit hindi pala. "Sino po sila?" Tanong ko sa babaeng nakatitig sa 'kin. Kung makakatitig siya sa 'kin ay para bang kakaiba. Mulo ulo hanggang paa pa ang ginagawa niyang pagtitig sa 'kin.
"Ikaw ba si Marilyn?" Tanong niya
sa 'kin habang titig na titig pa talaga sa mukha ko.
Naguguluhan ako dahil hindi ko talaga siya kilala. Ngayon ko lang din nakita ang mukha niya kaya nagtataka ako.
"Ahm.. oo. B-Bakit p— aray!" Daing ko ng malakas niya akong sinampal. Nagulat ako sa ginawa niya kaya napasapo nalang ako sa pisngi ko.
Gulat na gulat ako sa nangyari. Sinampal ako ng babae na hindi ko naman siya kilala.
"Bakit mo ako sinampal? Anong kasalanan ko sa'yo? Hindi naman kita kilala." Tanong ko dahil sa gulat ko sa ginawa niya. Napasapo pa ako sa pisngi kong sinampal ng babaeng 'to.
"Manahimik ka! Ikaw ang kabet ng asawa ko! Dito ka pala niya binabahay ha! Sa wakas.. nahuli din kita." Saad ng babae habang nanlilisik ang mata niya.
Nagulat ako sa sinabi niya. "A-Anong.. ibig mong sabihin? Anong kabet ang pinagsasabi mo? Hindi ako kabet!" Gulat na gulat kong sabi sa babae.
"Mag deny ka pang puta ka! Kabet ka ni Matthew! Nagmamaang-maangan ka pa. Ano, dai.. makati ba kaya nagpapakamot ka sa asawa ko!! Iba ka din ha! Mukhang bata ka pa naman pero talagang mas ginusto mo pang maging kabet ng asawa ko. Ang tindi mo din eh no!!" Sabi ng babae na tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa.
Na shock ako sa sinabi ng babae. Alam ko kasing binata si Matthew. Yun ang sabi niya sa 'kin dati kaya hindi ako nagtataka at nagtanong pa sa kanya ng kung ano-ano dahil nong niligawan niya ako ay marami siyang time sa 'kin.
"Ano.. hindi ka na nakasagot! Ipapahiya kitang kabet ka ngayon! Putangina ka! Kaya naman pala ang pera na binibigay niya sa'min ng mga anak ko ay kulang-kulang na dahil nakikihati ka pa!Ang kapal ng mukha mo." Galit niyang sabi saka malakas niya akong sinampal.
Nagulat ako sa ginawa niya at hindi talaga ako nakapalag. Nahihiya ako lalo na't lumabas sa kanilang apartment ang mga kapitbahay namin.
Pinagtitinginan nila ako habang patuloy ako na sinasampal ng babaeng nagsasabi na asawa daw siya ni Matthew. Hindi na ako sumagot pa lalo na't wala akong lakas para ipagtanggol ang sarili ko. Tanging ginagawa ko lang ay yumuko at kagat ang ibaba kong labi.
Niloko ako ni Matthew. Hindi ko naman alam eh na may asawa pala siya. Pero kahit gusto kong mag explain sa babae ay alam ko naman na hindi siya makikinig sa 'kin.
Sigurado ako na ako ang lalabas na masama lalo na't panay ang sigaw ng babae na kabet ako. Ang tanging ginawa ko nalang ay yumuko at tanggapin ang sampal ng asawa ni Matthew.
Naiinis ako sa lalaking yun. Hindi nakakatuwa ang ginawa niya sa 'kin. May asawa pala siya pero nagkunwari siya na wala at binata ang pakilala niya sa 'kin. Nakakabwisit! Dinala niya ako sa sitwasyon na 'to na wala man lang akong kaalam-alam.
Patuloy niya akong sinasampal at pinapahiya. Masakit pero wala naman akong magawa kundi ang manahimik at umiyak ng nakayuko. Wala akong mukhang maihaharap sa mga kapitbahay ko.
Kasalanan 'to lahat ni Matthew. Kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon. Hindi naman ako magiging kabet kung alam ko na may asawa siya. Hindi naman ako papatol kung may girlfriend ang lalaki eh, ano pa kaya kung may asawa't anak.
Pero kasalanan ko parin dahil hindi ko inalam ang buhay niya. Wala naman kasi akong mapagtanungan tungkol sa buhay ni Matthew. Sa social media naman ay bago lang ang account niya dahil sabi niya sa 'kin dati pa nong nililigawan niya ako na nakalimutan na daw niya ang old f*******: niya kaya gumawa siya ng bago. Hindi ko naman alam na may tinatago na pala siya
sa 'kin.
Gusto ko ng pagsarhan ng pinto ang asawa ni Matthew ngunit hindi ko magawa lalo na't hindi parin siya tapos sa pagpapahiya sa 'kin. Ang sakit para sa 'kin dahil wala man lang akong kaalam-alam. Ramdam ko ang galit niya. Pareho lang naman kami niloko ni Matthew eh.
Pero buti nalang talaga ay hindi ko naibigay sa kanya ang pinakaiingatan ko sa sarili ko na balak ko pa naman sanang ibigay sa kanya. Mabait parin ang diyos sa 'kin dahil hindi niya ako hinayaan na ibigay sa lalaking walang kwenta. Balak kong hintayin si Matthew na puntahan ako dito para masampal ko siya sa kalokohan niyang ginawa.
Ang kapal ng mukha ng lalaking yun. Ako pa tuloy ang naging masama. Natural na isipin talaga yun ng ibang tao na ako ang may kasalanan dahil sa word na kabet.
Pero hindi ko naman talaga alam eh. Piste ang Matthew na yun. Nakakanginig siya ng laman talaga. Hindi na ako makapag hintay na sabihin sa kanya ang mga nangyari kanina.
Umiiyak talaga ako dahil akala ko si Matthew na ang para sa 'kin eh. Dapat kasi hindi na kami pinagtagpo pang dalawa. Dapat lumayo na ako sa kanya dati pa. Siguro dahil kulang ako sa aruga ng aking ama ay naghanap agad ako ng taong magmamahal sa 'kin.
Hindi ako nag isip agad na baka hindi matinong lalaki si Matthew. Kaya meron din akong kasalanan. Pinapangako ko talaga sa sarili ko na hindi na ako makikipag relasyon. Ayaw ko na, takot na takot na ako na maulit pa 'tong sitwasyon na 'to.
Napapikit na lamant ako at inalala ang nangyari sa 'kin kanina. Grabe, hindi ako makapaniwala na sasapitin ko yun. Akala ko talaga sa social media lang nangyayari yun.