Chapter 3

2046 Words
Chapter 3 Marilyn's Pov WALANG tigil ang pag iyak ko habang ang dami kong pasa dahil sa ginawa ng asawa ni Matthew. Walang tigil niya kasi akong pinagsasampal at sinipa pa niya ako. Siguro ay naawa sa 'kin ang isa sa kapitbahay ko kaya inawat niya ang babae. Ayaw pa sanang tumigil ng babae ngunit kinaladkad ng dalawa ko ng kapitbahay dahil nag eeskandalo na talaga siya pinapahiya na ako. Nakita yata ng mga kapitbahay ko na hindi talaga ako lumalaban sa babae. Pakiramdam ko kasi ay kasalanan ko talaga ang nangyari. Kahit sabihin na hindi ko alam na may asawa si Matthew. Nang makaalis ang babae ay agad kong isinara ang pinto at nagkulong lang ako sa apartment. Chinat ko si Matthew at pinapapunta ko siya ngayon sa apartment. Gusto kong basagin ang mukha niya sa inis ko sa kanya. Ang kapal ng mukha niyang manloko sa 'kin. Kaya siguro hindi ko maibigay bigay ang gusto niyang s*x. Mabuti nalang talaga at hindi ako katulad ng ibang babae na unang araw pa lang ng relasyon ay bubukaka na agad. Unang meet up s*x na agad ang ginawa. Hindi naman kasi ako ganun na babae. Kapag alam kong hindi ko pa kaya ay hindi ko talaga ibibigay ang sarili ko. Nagpapasalamat talaga ako sa sarili ko na hindi ako marupok na babae. Pero ang sama talaga ng pakiramdam ko sa ginawa sa 'kin ni Matthew. Pinagkatiwalaan ko siya eh. Naniwala ako sa kanya. May pangako-pangako pa siya na mamahalin daw niya ako habang buhay. Mga kasinungalingan niyang dapat ibaon kasama siya. Piste siya! Kanina pa ako nanggigil na makaharap siya dahil isasampal ko sa mukha niya ang mga kasinungalingan niya. Masasampal ko talaga siya ng cellphone. Wala namang magtatanggol sa sarili ko kundi ako lang eh. Yung ama ko kasi ay kinalimutan na ako at masaya na siya sa buhay niya. Pinoproblema ko pa ngayon ay wala akong mapuntahan kapag umalis na ako sa apartment na 'to. Naawa ako sa sarili ko dahil wala man lang akong pera. Sinayang ko ang mga araw ko sa lalaking wala namang kwenta. Dapat sa kanya ay mamatay. Manloloko siya. Nakabihis na ako at wala ako sa sarili na nagsuot ng malaking tshirt na kulay itim. Hinihintay ko talaga si Matthew upang makaganti man lang ako sa kanya kahit papano. Ilang sandali pa ay may kumatok sa labas ng pinto ng apartment. Dali-dali akong tumayo at agad na pinagbuksan ang taong kumakatok. Nakita ko si Matthew na halatang galit. Halata sa mga kilay niya dahil nagsalubong 'yon. "Bakit mo ba ako pinapapunta dito? Alam mo bang may gagawin pa ako!" Galit niyang sabi saka siya naglakad papasok ng apartment kaya umatras ako at hindi pa nagsasalita. Isinara ko ang pinto at hindi ko nilock yun dahil iniisip ko na baka magalit siya at pagbuhatan niya ako ng kamay. Mas makakatakbo ako kapag hindi ko nilock ang pinto kung sakali. "Ano? Bakit hindi ka nagsasalita? Wag mong sabihin na pinapunta mo lang ako dito para sayangin ang oras ko." Saad ni Matthew sa galit na boses. "Ang kapal ng mukha mo para tratuhin mo ako ng ganyan, Matthew." Walang buhay kong sabi habang nakatitig sa kanya. Kumunot naman ang noo niya at hindi siya nakasagot agad. "Pinagsasabi mo?" Tanong pa niya sa 'kin. "Manloloko ka! Ginawa mo lang akong kabet." Saad ko na pumiyok ako ng sabihin ko ang huli. Hindi ko na kasi mapigilan ang umiyak. First love ko si Matthew pero ganito pa ang sinapit ko. Natigilan si Matthew sa sinabi ko at nanlaki ang mata niya. "Bakit? Nagulat ka ba sa sinabi ko? Nagulat ka ba na alam kong may asawa at anak ka. Kaya naman pala.. kumuha ka ng apartment para uuwi ka dito kapag gusto mo. Dahil kung dito katitira kasama ako ay magtataka ang asawa mo. Ang kapal din ng mukha mong gawin sa 'kin 'to eh hindi ka naman kagwapuhan." Panglalait ko sa kanya kaya masama akong tinignan ni Matthew. "Bakit? Nagagalit ka ba sa sinabi ko? Totoo naman eh na hindi ka naman gwapo. Feeling gwapo pwede pa. Kapal ng mukha mong gawin akong kabet. Pinagmukha mo akong tanga kaya amg lumabas ngayon ay masama akong babae dahil nakipag relasyon ako sa taong pamilyado na kahit ang pakilala mo ay binata ka." Iritang irita kong sabi habang nakakuyom ang kamao ko. Gustong-gusto ko siyang suntukin tulad ng ginawa ng asawa niya sa 'kin kanina. "Magpapaliwanag ako, Marilyn." Sabi niya at naglakad papunta sa 'kin. Ngunit ng makalapit siya ay agad ko siyang sinampal. Natigilan si Matthew at tumingin sa 'kin ng masama. Nagulat ako ng hinawakan niya ang magkabilaang braso ko. Ang sakit ng pagkakahawak niya lalo na't ang higpit no'n. "Ano ba.. bitawan mo akong animal ka! Manloloko ka! Dapat sayo ay mamatay. Nakakahiya ka! May anak ka pa namang babae. Isusumpa ko talaga na lahat ng ginawa mong panloloko ay mararanasan ng anak mong babae." Galit na galit kong sabi habang nanlilisik ang mata ko dahil ang sakit ng pagkakahawak niya. Alam kong may anak siyang babae lalo na't sinabi ng asawa niya kanina na hindi na daw ako nahiya. May anak daw sila ni Matthew na dalawang babae at isang lalaki. Dapat sa asawa niya sabihin yun at hindi sa 'kin. Dahil hindi naman ako mapupunta sa sitwasyon na 'to kung hindi siya nagsinungaling sa 'kin na binata siya. Sino ba namang baliw na babae ang papatol sa lalaking may pamilya na. Hindi naman ako katulad ng ibang babae na pumapatol at pumapayag na maging kabet. "Anong sabi mo? Gusto mo bang masaktan, Marilyn?" Galit niyang sabi habang masamang nakatitig sa 'kin. "Sige saktan mo ako. Ipapapulis kitang animal ka! Sinayan ko lang ang mgae araw ko sayo. Wala kang kwentang tao kaya sana makarma ka sa ginawa mo. Una talaga akong matutuwa kapag na karma ang anak mong babae. Tandaan mo yan!" Matapang kong sabi kay Matthew. Nakikita ko sa mga mata niya na galit siya kaya binitawan niya ako at malakas na sinampal. Sa lakas ng sampal niya ay nalalasahan ko ang dugo sa gilid ng labi ko. Ang lakas no'n na halos tumabingi ang mukha ko. Hinaplos ko ang pisngi ko at tumingin kay Matthew. "Nanakit ka ng babae. Paano ka pinakasalan ng asawa mo? Eh wala naman akong makitang mabuti sayo." Saad ko habang naiiyak sa sakit ng sampal niya. Ang dami ko na ngang pasa dahil sa sampal at tadyak ng asawa niya, sinampal pa ako ng hayop. Bagay na bagay talaga silang dalawa. Mga hayop! "Wag mong idadamay ang anak ko sa sumpa mo dahil hindi lang yan ang aabutin mo sa 'kin, Marilyn." Sabi niya na may halong pagbabanta saka hinila na naman ang buhok ko ng sobrang lakas. Maikli lang naman ang buhok ko pero kaya parin niyang hilain yun. "Piste ka! Bitiwan mo ako kung hindi ay sisigaw ako dito para marinig tayo ng mga kapitbahay." Pananakot ko sa kanya ngunit sinampal niya ang bibig ko. Ang sakit ng ginawa niya kaya ginawa ko ang lahat upang makaganti man lang ako. Malakas kong tinuhod ang p*********i niyang walang silbi. Mabuti nalang at hindi ko pa nakita ang nakakadiri niyang p*********i. Tinuhod ko ang alaga niya kaya nabitawan ako ni Matthew. Kahit masakit ang ulo at pisngi ko ay nagawa ko paring tumakas sa pagkakahawak niya sa 'kin. Dali-dali kong binuksan ang pintuan at tumatakbo ako palabas ng apartment. "Marilyn! Bumalik ka dito!" Galit na sigaw ni Matthew sa 'kin. Ngunit mabilis akong nakatakas at tumakbo palabas. Sa pagmamadali ko na baka maabutan ako ni Matthew ay nakalimutan kong mag suot ng tsinelas. Tuluyan akong nakalabas ng apartment at tumatakbo ako sa gilid ng kalsada. Pinagtitinginan na ako ng mga tao lalo na't may mga pasa ako. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Matthew na hinahabol ako. Mas lalo ko lang binilisan ang pagtakbo ko upang hindi niya ako maabutan. Sasaktan niya ako kapag nahawakan niya ako. "Humanda ka sa 'kin kapag naabutan kita, Marilyn." Dinig kong sabi niya kaya mas lalo akong natakot. Panay ang lusot ko sa mga eskinita at hindi ko na alam kung saan ako papunta. Hindi naman kasi ako palalabas dahil nagagalit si Matthew sa t'wing sinusubukan kong lumabas sa apartment. Kaya naman pala may tinatago sa 'kin at tinatago din niya ako at baka mahuli ako ng asawa niya. Sa sobrang bilis ng takbo ko ay napunta ako sa highway. Hindi naman masyadong maraming sasakyan na dumadaan pero matatawag ko parin na highway. Patuloy lang ang pagtakbo ko hanggang sa may makita akong mga restaurant na nakalihira. Hindi ko alam kung saan ako magtatago kaya naisip ko sa open area ng parking lot ako tumungo. Nagmamadali ang kilos ko na lumapit sa mga sasakyan para do'n sa magtago. Ngunit nataranta ako ng paglingon ko ay nakita ko si Matthew na hinahabol parin ako. Sa sobrang taranta ko ay lumapit ako sa isang sasakyan at sinubukan kong buksan ang pintuan ng passenger seat. Laking gulat ko ng mabuksan ko yun kaya lakas loob na akong pumasok kahit pa nga nakita kong may lalaki sa loob ng sasakyan at halatang nagulat sa ginawa ko. Pumasok ako sa loob ng sasakyan at isinara ang pinto. Titig na titig din ang lalaki sa 'kin at sa hula ko ay napansin niya ang pasa ko sa mga braso pati na din sa mukha. "Who the hell are you?" Tanong niya kaya napalingon ako sa gawi niya. Naiiyak na ako sa takot kay Matthew at ito nalang ang chance ko na makatakas sa kamay ng lalaking yun. "P-Pasensya na po, sir.. pero pwede po bang magtago muna ako dito sa loob ng kotse mo. Please po.. kahit saglit lang po.." pakiusap ko sa kanya. Napansin kong tumingin sa labas ng sasakyan ang lalaki para malaman siguro kung sino ang pinagtataguan ko. Maging ako ay tumingin din kaya nakita ko si Matthew na nasa harapan ng sasakyan ngunit hindi nakaharap sa sasakyang kung saan ako nagtatago kaya agad akong umuklo. Natatakot ako na baka mahuli niya ako kaya naisipan ko nalang talaga na umupo sa paanan ng upuan ng passenger seat. Isiniksik ko talaga ang sarili ko do'n kahit ang sikip. Hindi ako umalis sa pagtatago. Wala na akong pakialam sa posisyon ko sa pagkakaupo ko dito. Ang mahalaga ay hindi ako mahuli ni Matthew. Pasalamat talaga ako walang imik ang lalaking kasama ko sa sasakyan. Napansin ko pa na tumingin siya sa 'kin ngunit agad maman nag iwas ng tingin at ibinalik ang tingin sa labas ng kotse. Tumikhim ang lalaki kaya nakatitig lang ako sa kanya. "W-Wala na yata ang humahabol sa'yo." Saad ng lalaki sa 'kin. Hindi siya makatingin sa 'kin at para bang binabantayan niya ang labas. "T-Talaga po?" Nauutal ko pang tanong kaya tumango siya at hindi parin niya ako nililingon. "Yes. Kaya pwede ka ng umayos ng upo." Saad niya kaya kahit nagdadalawang isip ako ay sinunod ko ang sinabi ng lalaki. Umayos ako ng upo at nakitang wala na nga si Matthew sa labas ng kotse. Para akong nakahinga ng maluwag dahil hindi niya ako nahanap. "M-Maraming salamat po, sir. Salamat po talaga.." pagpapasalamat ko sa kanya saka ko binuksan ang passenger seat. Agad na lumingon ang lalaki sa gawi ko kaya nagkatitigan kaming dalawa. "Where are you going?" Tanong niya sa seryosong boses. Pati ang mukha niya ay seryoso. Ngayon ko lang napansin na marami pala siyang tattoo sa leeg. Hindi ko lang alam kung meron sa braso niya lalo na't nakasuot siya ng jacket. Ngunit ang kamay niya ay may mga tattoo din. "Lalabas na po ako, sir. Marami pong salamat ulit sa pagpayag mo po sa pagpapatago sa 'kin sa kotse mo. Godbless you po!" Magalang kong sabi saka ako yumukod upang magpasalamat sa kanya. Dali-dali akong lumabas ng sasakyan ng lalaki at walang pag alinlangan na isinara ang pinto at agad na tumakbo muli kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Masaya ako na nakatakas ako kay Matthew at nakawala na ako sa mga kasinungalingan niya. Ang totoo ay masaya ako sa asawa ni Matthew na sinugod ako sa apartment. Nabugbog man ako sa sampal at least nalaman ko ang katotohanan na ginawa pala akong kabet ni Matthew.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD