Chapter 4

1622 Words
Chapter 4 Koa's Pov NAKAUPO ako sa mataas na upuan habang dala-dala ang mug na may lamang kape. Hindi mawala sa isip ko ang babaeng nakita ko nong isang araw. Tangina talaga. Hindi ko man lang nakuha ang pangalan ng babaeng may maputi ang singit. Kanina pa ako nakatulala habang nagkakape. I can't sleep because of that woman. Hindi mawala sa isipan ko ang singit niyang napaka puti. Damn it! I'm a virgin pero yung mata ko ay hindi na. Yun ang unang beses na nakakita ako ng singit ng babae. Hindi ko alam kung bakit ako nauulol ngayon. "Kanina ka pa nakatulala diyan, mayor." Biglang sulpot ni Demetrius sa likuran ko. "Pwede bang wag mo akong guluhin ngayon. I'm not in the mood. " I said in a bored voice. "Ito naman. Masyado kang sad boy. Dahil na naman ba 'to sa babaeng sinasabi mo?" He asked me as he pulled the chair and sat down. Inagaw niya ang mug na hawak ko. Pinukol ko siya ng masamang tingin dahil ayaw kong may umiinom sa mug ko. Kahit patay gutom ako ay ayaw kong may umiinom ng kape ko. "Magtimpla ka kaya." Saad ko pa sa kaibigan ko. "Ito naman.. dinadamayan ka na nga eh." Palusot pa niya kaya masama ko siyang tinignan. Hindi ko nalang kinuha ang kape ko. Sa kanya na yun. Magtitimpla nalang ako ng bago. "Anyway, kailan ka uuwi ng La Presya?" Tanong ng kaibigan ko. Hindi ako nakasagot agad. Yumuko ako dahil ang totoo ay wala akong balak na umuwi muna. Gusto kong hanapin ang babaeng yun. "Okay. Silent ka. Sigurado ako na wala kang balak bumalik sa La Presya." Aniya. Nag angat ako ng tingin at nakita ang kaibigan ko na nakangisi sa 'kin. "Wala pa ako sa mood para umuwi, bud. Gusto ko muna dito sa Manila." Sagot ko sa kanya. "Sabi mo eh. Pero wag mong kakalimutan na mayor ka ng La Presya. Kailangan mo din umuwi. At higit sa lahat.. hinahanap ka ng ama mo na panay ang tawag sa 'kin dahil hinahanap ka niya." Demetrius said with a grin. "f**k!" I said and took my cellphone. Ngayon ko lang naalala na nakapatay ang phone ko ng ilang araw na. Pinatay ko kasi dahil panay ang tawag ng ama ko. Kinukulit na naman kasi niya ako tungkol sa babae. Gustong pakialaman ng ama ko ang buhay pag ibig ko kahit wala naman ako no'n. Single ako since birth at ayaw ko munang makipag relasyon lalo na kung wala naman akong gusto. Pinipilit niya ako at ang gusto niya ay isang mayamang babae ang mapangasawa ko upang mag sanib pwersa ang negosyo namin. Kaya isa sa dahilan kung bakit ayaw kong umuwi muna sa La Presya. Sigurado ako na pupuntahan na naman ako ng ama ko sa bahay at kukulitin naman. Putangina talaga! Lahat naman ng gusto niya ay sinusunod ko. Pati ang kurso ko noong college ko ay siya na ang nasunod. Pati pagtakbo ko bilang mayor ay siya din ang may gusto. I have another brother. His name is Kai. Hindi din kami magkasundo simula pa ng bata pa kami. Hindi ko alam kung bakit kumukulo ang dugo niya sa 'kin. Palagi siyang pasikat pagdating kay sa ama namin. Nagagalit siya kapag ako ang pinapansin ni papa. Ang hindi niya alam ay ayaw na ayaw kong pinapansin ako ng ama namin. Mas gugustuhin ko pang hayaan nila ako sa buhay ko. Ayaw ko ng atensyon ng aming ama. Pati buhay ko ay pinapakialaman niya kaya mas gusto kong si Kai nalang ang pansinin niya. Kung alam lang sana ng kapatid ko ang gusto ko sa buhay. Ayaw ko ng takbo ng buhay ko. Kinalikot ko ang cellphone ko ng mabuksan ko. Pumasok ang sunod-sunod na message ng ama ko. Lahat yun ay puro mura at galit na galit sa 'kin. "Ano? Is your father angry again?" Demetrius asked me with a frown. Kipit balikat akong tumingin sa kaibigan ko. "Palagi naman. Lagi naman siyang galit kapag hindi ko nasusunod ang gusto niya o hindi kaya ay hindi ako matawagan. Ano ba bago do'n?" Tanong ko sa kanya saka ko inilapag ang phone ko sa mesa. Nakapag desisyon ako na i-off nalang ulit ang phone ko. Bahala na kung magalit ang ama ko. Galit naman na siya sa 'kin kaya bakit hindi ko pa lubos-lubusin. "So, what's your plan?" Tanong ng kaibigan ko habang nakatitig sa 'kin. "Plano kong lumabas ngayong araw." Bored kong sagot. "Well, goodluck kung saan man ang lakad ko. Basta ako kailangan ko ng pumunta ng hospital. Duty ko na naman kaya ikaw na muna ang bahala sa buhay mo." Sabi niya saka ngumiti. Talagang inubos niya ang kapeng tinimpla ko. "Mag ingat din sila sa'yo." Tugon ko sa aking kaibigan. "Wag kang gagawa ng kalokohan, mayor. Wala kang bebe loves tulad ni Sid na mag aalaga sa'yo kapag nabukulan ka sa katangahan mo." Pang aasar sa 'kin ni Demetri. "Ha ha ha.. funny." Nakasimangot kong sabi. "Baka naman ikaw na ang sumunod kay Sid na naulol sa isang babae. Sabi ko naman sa'yo wag kang palaging lumapit kay Deimos lalo na kay Sid dahil nakakahawa ang pagkabaliw nila." Naiiling na sabi ng kaibigan ko. "Dami mong alam na gago ka! Pumunta ka na ng hospital at alamin mo na ang lagay ng lamay ng sinagasaan ni Macy." Seryoso kong sabi. "Bakit ako? Hospital ako pupunta, hindi sa lamay. Ikaw na kaya ang pumunta. Lalabas ka din naman eh," nakasimangot niyang sabi. "Malamang.. ikaw ang malapit sa kanila. Family doctor ka diba? Tangina ka!" Saad ko saka pinakita ko ang gitna kong daliri. Tumayo si Demetri sa kinauupuan niya at pinitik ang gitnang daliri ko. "Isusumbong kita sa nasasakupan mo, mayor. f**k you ka ng f**k you sa 'kin eh. Alam mo bang hindi magandang gawain yan bilang mayor ha?!" Pang aasar na naman niya sa 'kin. Alam niya kasi na ayaw kong maging mayor ng La Presya. Ngunit wala naman akong magagawa kundi ang sundin ang gusto ng ama ko. "Manahimik ka, Demetrius! Baka itarak ko ang syringe na may mahabang karayom sa batok mo." I threatened him. Alam ko naman na tatawa lang ang gago. "Sige na, alis na ako. Baka umusok na ilong mo eh. Ingat ka sa lakad mo gago. Hilain ka sana ng mga bakla." Natatawa niyang sabi saka tinapik ang balikat ko at tuluyang naglakad palayo sa 'kin. Narinig ko nalang ang pagbukas ng pintuan at ilang sandali ay ang pagsara no'n. Tahimik na naman kaya napabuga ako ng hangin. Tangina.. lagi nalang tahimik ang buhay ko. Wala man lang bang puputol sa pagiging single ko? Walangya talaga! Ako dito nalulumbay mag isa sa hotel room na kinuha ni Sid. Samantalang silang dalawa ni Macy ay nasa kanilang room at nagtutukaan. Sana all. Napagpasyahan ko nalang na tumayo na at plano kong magbihis dahil lalabas ako. Magbabakasakali ako na baka makita ko ang babaeng yun. Ang hirap pala maghanap ng isang tao na mukha lang ang alam ko. Kung hindi ba naman kasi ako kalahating tanga at gwapo ay hindi ko man lang tinanong ang pangalan ng dalaga. Na distract ako sa maputi niyang singit kaya nawala sa isip ko hanggang sa tuluyan siyang nakalabas ng kotse ko. Sinubukan ko pa siyang habulin ngunit mabilis na nakaalis ang dalaga. Siguro ay iniiwasan talaga niya ang lalaking humahabol sa kanya. Dumidilim talaga ang paningin ko kapag naalala ko ang mga pasa ng dalaga. Kung galing yun sa lalaking humahabol sa kanya ay sisiguraduhin ko na hahanapin ko din ang lalaking yun at tuturuan ng leksyon. Ang babae ay minamahal at inaalagaan, hindi ginagawang alila o ginagawang human punchimg bag. Tangina.. mukha akong adik at masamang tao dahil sa mga tattoo ko sa katawan pero kahit kailan ay hindi ako magpapa iyak ng babae. Baka sa sarap pwede pa. Ayaw kong may umiiyak na babae. Kaya ang sama ng pakiramdam ko ng makita ko ang babaeng yun na maraming pasa. Wala man lang akong nagawang tulong para sa kanya. Pakiramdam ko ay walang silbi ang pagka mayor ko dahil hindi man lang ako nakatulong sa babaeng yun. Ang bigat sa pakiramdam sa t'wing naalala ko ang mukha ng kawawang babae. Sana lang ay nasa maayos siya kung nasa'n man siya ngayon. Sana ay hindi na siya masaktan pang muli. Pinagdarasal ko kahit mukha akong hindi marunong magdasal na sana ay mahanap ko siya agad. Gusto ko siyang protektahan at alagaan. Hindi ko na talaga makalimutan ang mukha ng dalagang yun. Sayang lang dahil hindi ko nakuha ang pangalan niya. Susubukan ko na naman maglibot-libot at baka sakaling mahanap ko ang dalaga. Nagbihis agad ako saka ako lumabas ng hotel room. Hindi na ako nagpaalam kay Sid at Macy dahil alam ko naman na busy silang dalawa sa kwarto nila. Balak kong maglakad lakad nalang muna at baka sakaling makasalubong ko ang magandang dalaga. Kapag nangyari yun talaga ay hindi ko na siya pakakawalan. Wala akong pakialam kung ano pa ang utos ng ama ko. Hindi ko siya susundin at kahit magalit pa siya ay wala akong pakialam. Ang mahalaga lang sa 'kin ay ang babaeng maganda na may maputi ang singit. Nang makalabas ako sa hotel ay panay ang titig ko sa mga nakakasalubong ko. Mukha akong timang sa ginagawa ko. Kaya ang mga nakakasalubong ko ay para bang natatakot sa 'kin. Hindi kasi halata sa 'kin na isa akong mayor. Kitang kita din kasi ang tattoo ko sa leeg. Kaya hindi ko masisisi kung panay ang iwas ng ibang tao sa 'kin. Pero yung mga dalagang nakakasalubong ko ay panay ang tili. Nagwagwapuhan yata sa 'kin. Hindi ko din naman sila masisisi dahil gwapo naman talaga ako. Hindi lang gwapo kundi cute pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD