Chapter 5
Marilyn's Pov
LUMIPAS ang dalawang buwan simula ng malaman ko na may asawa at anak na si Matthew. Hindi ko alam kung saan ako pupunta nong una.
Nagpalaboy lang ako sa kalsada ng ilang araw hanggang sa may mahanap akong mapapasukan na trabaho. Nagmakaawa pa talaga ako sa guard na kung pwede ay papasukin niya ako ng trabaho kahit wala akong resume. Walang wala talaga kasi ako lalo na't ayaw ko ng bumalik sa apartment na kinuha ni Matthew.
Natatakot kasi ako na baka inaabangan ako ni Matthew kapag binalikan ko ang mga gamit ko. Kaya kahit anong trabaho ay papasukin ko basta magka pera lang ako.
Medyo nasasanay na ako sa trabaho ko. Tagalinis ako ng bahay sa isang mayamang babae. Marami naman kaming katulong kaya hindi naman ako nahihirapan sa paglilinis.
Lahat kasi kami ay may nakatoka. Ako ang tagalinis ng garden at taga walis sa labas ng bahay. Ang laki naman kasi ng bahay dahil mayaman talaga ang amo namin.
Pasalamat nalang ako at nakapasok pa ako dito. Nangangarap nalang ako na sana makaipon ako agad ng pera para makaalis ako dito.
Wala talaga akong balak na bumalik sa bahay ng papa ko. Ayaw kong bumalik dahil para saan pa? Para guluhin ang masayang pamilya ni papa.
Ayos lang naman din ako sa buhay ko ngayon. Kahit mahirap ay nakakaya parin naman. Basta wag lang sana may mang api sa 'kin. Ayaw kong mapa-away dito lalo na't ayaw kung mapaalis dito dahil wala akong mapupuntahan.
Nandito ako ngayon sa labas ng gate. Nagwawalis. Kailangan ko muna maglinis dahil baka mapagalitan ako ng mga katulong na mas matagal na sa 'kin.
Nagwawalis ako ng maayos dahil ang sabi ng kasama kong katulong na maarte daw ang amo namin. Sa dalawang buwan na naglilinis ako ay hindi ko pa nakikita ang mukha ng amo ko.
Nang makalinis ako ay naisip kong umupo na muna. Napagod talaga ako dahil tinapos ko ang paglilinis sa garden. Gusto ko kasi matapos ako sa gawain ngayong araw.
Habang nakaupo ako ay nakatingin lang ako sa kalangitan. Ang ganda kasi ng panahon. Sana, maging maganda din ang buhay ko.
Hindi ko alam kung anong magiging takbo ng buhay ko. Pero sana man lang ay hindi ako mahirapan. Natatakot na din ako makipag relasyon. Baka magkamali na naman ako ng pili at maging kabet na naman ako.
Ayaw ko ng magkamali kaya mas mabuti ng maging single habang buhay. Sarili ko na lang ang pro-problemahin ko sa buhay.
Biglang bumukas ang maliut na gate at nakita kong lumabas ang isang katulong na alam kung mataray. Kaya ayaw ko talaga siyang nakakausap dahil napaka suplada. Akala mo tagapag mana ng amo namin.
"Bakit ka nakaupo? Tapos na ba trabaho mo?" Tanong ng babae sa 'kin kaya dali-dali akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa malaking bato na nasa gilid lang ng gate.
"T-Tapos na po, ate. Katatapos ko lang sa garden at dito sa labas ng gate." Magalang ko paring sagot. Kailangan kong maging magalang sa kanya dahil mas matagal na siya sa 'kin.
Baka gawan niya ako ng kwento at mapaaway pa ako.
"Kahit na.. dapat gumagalaw ka parin. Hindi yung paupo-upo ka lang. Hindi ka naman amo dito!" Saad niya sa galit na boses.
Yumuko naman ako at mas pinili nalang na hindi na sumagot pa. Ayaw ko talaga ng gulo kaya tatahimik nalang ako.
"Darating si ma'am Casopia. Kapag nakita kang nagpapahinga ay patay ka talaga. Ayaw na ayaw pa naman niya sa mga taong tamad." Saad ng babae na halos pandilatan pa niya ako ng mata niya.
"Opo. Pasensya na." Panghihingi ko ng sorry para matapos na.
"Bilisan mo dyan! Pagkatapos mo diyan ay pumasok ka para maglinis ng swimming pool." Utos niya saka niya ako inirapan at naglakad na siya papasok ng gate.
Lumabas lang yata siya para awayin ako.
Sumunod na din ako sa kanya para hindi na naman niya ako mapagalitan.
Nang makapasok ako ay agad kong tinungo ang swimming pool na pinapalinis niya. Tahimik lang akong naglalakad hanggang sa makarating ako sa swimming pool.
Wala akong sinayang na oras at agad na naglinis. Nakita ko din ang ibang mga maid na naglilinis. May kanya-kanya talaga kaming ginagawa sa bahay na 'to.
Nagtagal ako ng 30 minutes hanggang sa matapos ako. Dumaan na naman ang babaeng akala mo'y tagapag mana ng bahay na 'to. Hindi ko nalang siya tinignan at baka mahuli pa niya akong nakatitig sa kanya at utusan na naman ako ng kung ano-ano.
Bumalik nalang ako sa kwarto namin. Sa dami kasi naming katulong ay dalawa ang kwarto para sa'min. Ang isang kwarto ay nasa loob ng bahay.
Samantalang ang isang room ay nasa labas ng bahay.
Doon agad ako tumungo para makapag pahinga man lang saglit. Gusto ko lang umupo dahil sigurado ako mamaya ay marami kaming gagawin lalo na't darating si ma'am Casopia.
Makikita ko na din ang amo namin. Gusto ko talagang magpasalamat sa kanya dahil nakapasok ako sa bahay na 'to.
Nakarating ako sa kwarto namin at agad akong pumasok. Napabuntong hininga ako dahil wala man lang ka tao-tao dito. Nahihiya tuloy akong magpahinga.
Naisip ko nalang na wag nalang magpahinga at bumalik nalang sa loob ng bahay. Tutulong nalang ako sa paglilinis at baka may masabi pa sila
sa 'kin.
Bumalik ako sa loob ng bahay at agad nakita ang mga kasama kong katulong na naglilinis.
"Hoy! Tumulong ka nga! Wag kang tatanga-tanga diyan!" Sigaw ng babaeng katulad ko ay bago lang din.
"Alam ko naman yun. Hindi mo naman ako kailangan sabihan na tanga. Hindi naman kita amo kaya wag mo akong sabihan ng ganyan." Sagot ko dahil wala naman siyang karapatan para sabihan man niya akong tanga.
"Tanga ka naman talaga." Bulong niyang sabi ngunit narinig ko naman.
Sakto naman na dumaan sa 'kin ang babaeng maldita na may dalang walis kaya agad kong hinarang ang paa ko para mapatid ang gaga.
Nagawa ko naman ang binabalak ko kaya masama akong tinignan ng babae. Patay malisya ko lang siyang tinignan at naglinis nalang ako.
Panay parinig sa 'kin ang babae ngunit hindi ko siya pinansin.
Nag focus lang ako sa ginagawa ko hanggang sa matapos ako. Natapos na din ang mga kasama ko. Sakto naman na biglang bumukas ang pintuan ng main door at may pumasok na dalawang katulong.
Napadako ang tingin ko sa pintuan ng pumasok ang isang magandang babae. Halatang mayaman talaga dahil sa suot niya.
"Si ma'am Casopia ay nandito na. Umayos na kayo ng pila." Utos ng isang maid na alam kong matagal na.
Sumunod naman kaming lahat. Nakatitig lang ako sa babaeng maganda. Ito pala ang amo namin. Siya pala si ma'am Casopia. Ang ganda niya talaga.
Nakaka tomboy ang ganda niya. Natulala tuloy ako dahil sa kagandahan ng babae.
Hindi naman ako nakikinig sa sinasabi ng maid na puro satsat sa harapan namin. Sa babaeng maganda ako nakatitig. Nakatitig din lang kasi siya
sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit.
Yumuko nalang ako dahil parang ang sama ng titig niya. "May mga bago bang katulong?" Tanong ni ma'am Casopia.
"Yes po, ma'am. Lima po sila ang bago." Sagot ng isang maid.
"Okay. Kailangan ko ng alalay for two weeks. Isasama ko sa La Presya. Ikaw na pumili manang. Isa lang ang kailangan ko." Saad ni ma'am Casopia na agad umalis sa harapan namin.
La Presya ang sinabi ni ma'am. Ngayon ko lang narinig yun. Pero napa angat ako ng mukha ng tawagin ako ng isang katulong. Mukhang ako ang pinili na isama sa La Presya na sinasabi ni ma'am Casopia.
Hindi naman ako maka hindi lalo na't katulong lang naman ako. Kailangan sumunod sa mas mataas sa 'kin. At isa pa two weeks lang naman. Mas mabuti na din siguro yun. Wala namang maghahanap sa 'kin. Wala naman akong pamilya kaya ayos lang na sumama ako.
Agad kaming pinalabas ng bahay. Pinayos sa 'kin ang gamit ko dahil mamayang gabi din pala kami aalis. Sana maging maganda ang byahe namin mamaya. Natatakot ako na baka sigawan ako ni ma'am Casopia.
Hindi ko pa kasi siya nakakasama. Kaya hindi ko pa alam kung ano talaga ang ugali niya. Pinagdarasal ko na lang talaga na matulog si madam sa buong biyahe.
Narinig ko naman ang sinasabi ng iba na suplada daw si ma'am Casopia. Pero hanggang tsismis lang naman yun dito. Naririnig ko lang din naman kaya hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang ugali.
Pumasok agad ako sa kwarto namin at hinanda ang mga dadalhin ko. Two weeks lang naman kami kaya pang two weeks lang din ang dadalhin ko.
May mga damit naman din ako. Nakabili na ako sa first sahod ko nong nakaraan. Kaya una ko talagang binili ay mga damit dahil walang wala ako.
Ang damit lang naman na mga binili ko ay konti lang. Naghihinayang kasi talaga ako sa pera. Kailangan kong magtipid para kahit papano ay may maipon na ako agad na pera. Para mas mapabilis ang pag alis ko dito sa bahay na 'to.
Hindi ko kasi kaya kapag may mga taong palaging nag uutos sa 'kin kahit hindi naman talaga tagapag mana. Yung tipong hindi ko naman amo pero kung makapag utos ay dinaig pa ang amo.
May kanya-kanya naman sana kaming trabaho. Kaya hindi na kailangan pang utusan. Pero dahil ang daming bida-bida sa mundo ay talagang panay ang utos ang mga kumag.
Kaya dapat lang na makaalis na ako dito sa bahay na 'to. Ayos na siguro ang six months. Sapat na siguro yun para makaalis na ako dito at maghanap ng trabaho. Ayos lang sa 'kin ang magtinda wag lang ang maging maid dahil baka makahanap lang ako ng away.
Nag ayos agad ako ng damit ko. Ngunit napahinto ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Napadako ang tingin ko sa kasama kong maid na dito din natutulog.
Hindi naman kami masyadong close pero nagpapansinan naman kami. Pero hindi lang ako masyadong nagtitiwala. Natuto na kasi ako kay Matthew.
Mukhang mahihirapan na din ako makipag relasyon dahil na din sa sinapit ko. Mabuti nga at hindi nag eskandalo ng grabe ang asawa ni Matthew. Akala ko nga ay magkakalat siya ng issue sa 'kin sa social media.
Pasalamat nalang ako at hindi nangyari yun. Baka pagnagkataon ay hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
Ang hirap pa naman ng ganito. Mag isa lang ako at wala akong kakampi sa buhay. Akala ko kasi kakampi ko si Matthew dahil boyfriend ko siya. Pero siya din pala ang gagawa ng masama
sa 'kin.
Naiisip ko kung paano kaya kung nahabol ako ni Matthew nong araw na hinabol niya ako. Sigurado ako na bugbog sirado ang aabutin ko kapag nagkataon.
Bakla ang tawag sa mga lalaking nanakit ng babae. Kaya bakla ang hayop na yun. Sana talaga makarma siya sa 'kin. Ayos na sa 'kin kung mapunta sa anak niya ang karma na nararapat sa kanya. Alam ko naman na walang kasalanan ang bata pero talagang hindi tama ang ginawa ni Matthew sa 'kin.
Hindi naman ako magiging kabet kung hindi niya ako nilapitan at nagpakilala bilang binata. Nakakatakot na ang mga lalaki ngayon. Nakakatakot na makipag relasyon at baka ganun din pala ang ibang lalaki.
Paano pala kung ang sunod kong makarelasyon ay lolokohin din ako at gawin ding kabet. Wala na yata akong balak makipag boyfriend. Ganito nalang siguro ako habang buhay.
Sana lang ay single na mayaman ako no'n. Kaysa naman single na mahirap ako. Mas masakit yun.