Chapter 6
Koa’s Pov
NAKABALIK na ako sa La Presya dahil sa mga banta na natatanggap ko mula sa aking ama. Ayaw ko sanang bumalik dahil hindi ko pa nahanap ang babaeng hinahanap ko. Nangako ako sa sarili ko na hindi ako aalis ng Manila hangga’t hindi ko nakikita ang dalaga.
Pero sinusubok talaga ng aking ama ang aking pasensya. I received threats from my father. He always says that he will destroy my business. Hindi ko inaalala ang sarili ko. Ang inaalala ko ay ang mga trabahante ko na mawawalan ng trabaho kung sakali man na bumagsak ang negosyo ko.
Maraming umaasa sa ‘kin at alam ng ama ko na yun ang kahinaan ko. Kaya bwisit na bwisit ako sa mga text niya. Kung pwede ko lang sana siya murahin ay baka matagal ko ng ginawa.
Kararating ko lang sa La Presya at agad akong dumiretso sa bahay ng ama ko. Pinapatawag niya ako kaya wala akong magagawa kundi ang pumunta. Gusto sanang sumama ni Demetrius sa ‘kin dahil alam daw niya na may ipapakilala na naman ang ama ko sa ‘kin na babae. Itatakas sana ako ng hayop na yun pero hindi naman siya pwedeng sumama sa ‘kin kaya hindi ko na siya pinasama.
Nakarating ako sa labas ng bahay ng ama ko. Hinihintay ko lang na pagbuksan ako ng gate ng katulong. Bigla namang bumukas ang gate at bumungad sa ‘kin ang matandang katulong sa bahay ni papa.
“Mayor Koa.. kamusta ka na?” Tanong ni manang sa ‘kin. Ngumiti ako sa kanya dahil siya lang yata ang nangangamusta sa ‘kin kapag bumibisita ako sa bahay ng aking ama.
Dito ako lumaki sa bahay na ‘to. Ngunit ng mawala ang aking ina ay naisipan kong tumira sa dating tahanan ng aking ina nong dalaga pa lang siya. Pinaganda ko ang bahay niya at hanggang ngayon ay doon parin ako nakatira. Mag isa kaya medyo malungkot. Kaya mas gusto kong matulog sa bahay bakasyunan ni Demetrius.
“Ayos lang po ako, manang. Ikaw po, kamusta na? Parang hindi ka po tumatanda ahh.” Nakangiti kong sabi.
“Naku.. binola mo pa ako. Ikaw nga, gwapo paring mayor ng La Presya. Hayy.. akala ko talaga ay aalis ka na sa pwesto mo dahil dalawang buwan na din ang nakalipas na hindi ka umuwi dito. Ano bang nangyayari sayong bata ka?” Tanong ni manang na bakas sa kanyang boses ang pag aalala. Siya lang talaga ang nag aalala sa ‘kin. Kaya isa siya sa importanteng tao sa ‘kin. Para ko na din siyang nanay.
“Naging tanod po kasi ako sa Manila, manang.” I answered while smiling.
I saw manang's brow furrowed, obviously confused by what I said. “Tanod? Bakit ka naman naging tanod sa Manila?” Takang tanong niya sa ‘kin.
Napakamot ako sa likod ng ulo ko. Si manang lang talaga ako nagsasabi ng nararamdaman ko. Bukod sa mga kaibigan ko ay siya ang nakikinig sa ‘kin at nagbibigay ng payo. “Eh kasi.. may nagugustuhan akong dalaga, manang.” Nahihiya kong sabi kaya nanlaki ang mata ng manang saka biglang nagtititili.
“Nagbibinata na ang batang inalagaan ko noon. Grabe! Ang bilis ng panahon.” Sabi ni manang na para bang inaalala ang nakaraan. Siya kasi ang nag alaga sa ‘kin simula pa lang nong bata ako. Kay malapit talaga ako sa kanya.
“Si manang naman eh.. 30 years old na kaya ako. Kaya binata na talaga ako.” Nakanguso kong sabi.
“Yun na nga, mayor. 30 ka na kaya dapat lang na mag asawa at magka anak ka na. Baka naman pag nawala ako sa mundong ‘to ay saka ka pa nag asawa. Hindi ko na makikita ang mga anak mo.” Saad ng matanda kaya sumeryoso ang mukha ko.
“Wag ka ngang magsalita ng ganyan, manang. Makaka alaga ka pa sa mga anak ko kaya ihanda mo yang balakang mo kakahabol sa mga anak ko.” Saway ko sa sinabi niya dahil ayaw kong marinig na para bang namamaalam siya. Siya na nga lang ang nagmamahal sa ‘kin kapag umuuwi ako sa bahay ng ama ko tapos mawawala pa. Tangina naman kung ganun.
“Hay naku! Halika ka na sa loob. Kanina ka pa hinihintay ng ama mo. Nandyan din sa loob ang salbahe mong kapatid kaya ihanda mo ang sarili mo.” Sabi niya kaya mas lalo lang sumeryoso ang mukha ko. Haharap na naman kasi ako sa mga taong hindi ko gusto at magkunwari na naman sa harap nila.
Naglakad kami ni manang papunta sa bahay ng ama ko. “May ipapakilala na naman yata ang ama mo, Mayor Koa. Kaya nga akala ko ay hindi ka na babalik dito dahil dalawang buwan na ding galit na galit ang iyong ama sayo.” Mahinang sabi ni manang.
“Yun din sana ang desisyon ko, manang. Ayaw ko sanang bumalik dahil busy pa ako sa pagiging tanod sa Manila para mahanap ang dalaga na gusto ko. Ngunit kinuha ng aking ama ang isa kong negosyo. Hindi ako papayag na sirain niya ang mga pinaghirapan ko.” I said while clenching my fists in annoyance for my father.
“Hay.. ewan ko ba diyan sa ama mo. Wala ng ginawa kundi kontrolin ang buhay mo. Kaya hindi ako magugulat kung gusto mo ng umalis sa pagiging mayor.” Malungkot na sabi ni manang.
Napangiti ako at inakbayan si manang papasok ng bahay. Nang makapasok kami sa bahay ay bumungad sa ‘kin ang nakakabata kong kapatid na si Kai.
Tumingin siya sa ‘kin at nawala ang ngiti niya. Walang emosyon ko siyang tinignan at naglakad ako palapit sa aking kapatid.
Tumayo si Kai para harapin ako. Talagang pabagsak pa niyang binitawan ang folder na hawak niya. “Anong ugali yan?” Tanong ko habang nakatitig sa mukha ng kapatid ko.
“Bakit bumalik ka pa? Akala ko ba mananatili ka na sa Manila. Doon ka na sa mga kaibigan mo. Hindi ka naman hinahanap ni papa.” He said in an annoyed voice.
“O, talaga? Hindi ako hinahanap ni papa? Eh bakit siya panay text sa ‘kin na umuwi na ng La Presya? Ahh.. oo nga pala, ayaw nga pala niya sayo dahil para kaya papa ay wala kang kakayahan na humawak ng negosyo.” Pang aasar ko sa kanya. I smirked because I could see Kai's annoyance at what I said.
Tinapik ko lang ang balikat ng kapatid ko saka ako naglakad papunta sa opisina ng aking ama. Nakita ko pa si manang na nakatingin sa ‘kin habang nakangiti sa ‘kin. Kinindatan ko lang siya dahil alam kung natuwa siya sa sinabi ko kay Kai.
Naglakad ako patungo sa pinto ng office ng papa at napatigil ako sa paghakbang ng may marinig akong boses ng babae sa loob ng opisina ng aking ama. Napabuga ako ng hangin dahil alam ko na ang mangyayari sa ‘kin. Tangina talaga!
Kumatok parin ako sa pinto ng dalawang beses saka ko pinihit ang siradura ng pinto at binuksan. Pumasok ako at bumungad sa ‘kin ang aking ama na may kasamang babae. Walang emosyon kong tinignan ang babaeng nakangiti sa ‘kin. Maganda siya sa ibang tao, pero para sa ‘kin ay pangit siya. Wala ng gaganda pa para sa ‘kin kundi ang babaeng may maputi ang singit.
“Nandito ka na pala, Koa.” My father said without even smiling.
Tumayo ang babaeng kasama ni papa at agad na naglakad palapit sa ‘kin. She was still smiling at me but I just stared at her with no emotion. “Hi, I’m Casopia Marquez.” Pagpapakilala niya habang nakalahad ang kamay niya sa harapan ko.
“Okay.” Tipid kong sagot at agad akong naglakad papunta sa pang isahang upuan at pabagsak na umupo.
Nakita kong masamang nakatitig ang aking ama dahil sa ginawa ko ngunit patay malisya ko lang siyang tinignan.
Napahiya ang babae at naglakad siya pabalik sa inupuan niya kanina. Nahihiya pa siyang tumingin sa ama ko na humihingi ng pasensya sa dalaga dahil sa ginawa ko.
“Wag mong tratuhin ng ganyan si Casopia, Koa.” Said my father who was obviously holding back his annoyance.
“And why? Hindi ko naman siya kilala kaya bakit ako magpapakilala sa kanya.” Patay malisya kong sabi.
“Shut up! Maging mabait ka sa mapapangasawa mo, Koa. Si Casopia ang napili kong pakasalan mo.” He said in a serious voice.
I laughed softly because of what my father said. “Ganun po ba? Bakit hindi nalang ikaw ang magpakasal sa kanya, papa? Bakit kailangan ako pa? Sinabi ko na sayo na ayaw ko ng pinapakialaman mo ang buhay ko. Ilang beses mo na ‘tong ginawa. Kaya gusto ng umalis sa pagiging mayor dahil hindi ko naman talaga gustong maging mayor.” Galit kong sabi dahil sumusobra na ang ama ko sa pakikialam sa buhay ko. Lahat naman ng gusto niya ay sinunod ko.
Akala ko ay sapat na yun sa kanya. Ngunit sa bawat na sumusunod ako sa kanya ay palala ng palala ang utos niya. Pati buhay pag ibig ko ay pinapakialam na niya. Hindi nalang si Kai ang utusan niya.
“Manahimik ka, Koa! Wag mo akong sasagutin ng ganyan lalo na’t nasa pamamahay kita.” Sigaw niya sa ‘kin. Sanay na ako sa galit ng aking ama. Dati ay natatakot pa ako kapag nagagalit siya sa ‘kin. Ngunit ngayon ay hindi na. Napapagod na din ako maging anak niya.
“Doon tayo sa labas, papa. Para hindi ka magalit sa sasabihin ko.” Walang buhay kong sabi saka ko tinignan ang babaeng may pangalan na Casopia. Punong puno ng make up ang mukha niya at nakasuot ng sexy na dress.
“Sorry ha, hindi kita type eh. Sa makeup mo pa lang ay bagsak ka na para sa ‘kin. Kung gusto mo ang bunso ko nalang na kapatid ang asawahin mo para magka silbi naman yun.” Deritso kong sabi saka ako tumayo sa kinauupuan ko at agad akong naglakad papunta sa pinto. Lalabas nalang ako kaysa makipag bangayan sa ama ko.
Dapat talaga hindi na ako umuwi sa bahay na ‘to. Putangina talaga eh! Tanod na ako sa subdivision nila Sid eh. Ayaw kong umalis ng Manila at baka mahanap ko na ang dalaga.
Pinagtatawanan na ako ni Demetri dahil lagi nalang akong nanaginip. Mukha ng dalaga ang palagi kog nakikita sa panaginip ko. Madalas ay nakapatong ako sa dalaga. Naiinis na ako dahil wala na akong ginawa kundi ang managinip sa dalaga. Minsan ay nagising ako na katabi ko na ang kambing na pinusta ko sa aking kaibigan. Maging si Morgan ay tinatawanan ako ng gago dahil palagi kong sinasabi sa kanila na mababaliw na yata ako kakahanap sa dalagang yun.
Lumabas ako ng opisina ng aking ama at dumiretso agad ako sa main door ng bahay. Uuwi na ako sa bahay ko para makapagpahinga na ako.
Malalaki ang hakbang ko hanggang sa makalabas ako ng bahay ng aking ama. May nakasalubong pa ako na katulong na alam kung hindi katulong ng ama ko dahil may uniform ang mga katulong dito. Kaya malalaman kung bisita ang isang tao kapag nandito sa bahay ng ama ko.
Pero dahil mainit ang ulo ko ay hindi ko na pinansin lalo na’t nakayuko naman ‘to. Dumeritso lang ako sa gate at tuluyang lumabas. Mamaya ko nalang tawagan si manang kapag nasa bahay na ako. Siya kasi ang mata ko sa bahay.
Tinungo ko agad ang sasakyan ko at agad kong binuksan ang pintuan ng driver seat at pumasok sa loob. Binuhay ko ang makina ng sasakyan at pinausad.
Nakahinga lang yata ako ng maluwag dahil sa nakaalis na ako sa bahay ng aking ama. Alam ko naman na mamaya ay tatawag siya sa ‘kin at mumurahin ako. Ngunit wala naman akong pakialam sa mga mura niya. Sanay na sanay ako. Pero pinaka ayaw ko talaga kapag pinipilit niya akong magpakasal.
Biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko agad ‘to sa bulsa ng pantalon ko. Napabuga ako ng hangin dahil ang ama ko na naman. Ayaw talaga niya akong tantanan.
Sinagot ko parin ang tawag niya. “Magpapasakasal ka kay Casopia next month sa ayaw at sa gusto mo, Koa, Kapag nagmatigas ka ay alam mo na ang mangyayari kay manang. Ayaw mo naman siguro siya mapahamak diba?” Bungad niyang sabi sa ‘kin kaya napa preno ako sa inis ko sa sinabi niya.
“Siraulo ka ba, papa? Talagang handa kang gumawa ng masama para lang masunod ang gusto mo?” Tanong ko sa matalim na boses.
“Yes. Ginagawa ko lang ‘to para sa’yo, Koa. Kaya bukas na bukas ay mag da-date na kayo ni Casopia. Sunduin mo siya sa bahay niya. Ise-send ko sayo ang address ng bahay niya. Kapag hindi ka sumunod sa ‘kin ay papatayin ko ang paborito mong katulong na nagpalaki sayo. Wag mo akong hamunin, Koa.” Saad ng aking ama saka nawala sa kabilang linya.
Tinignan ko ang screen ng phone ko at umuusok ang ilong ko sa inis. “Bakit hindi ka pa atakihin sa puso at mamatay.” Saad ko na para bang kausap ko pa ang ama ko.
Napakamot ako sa likod ng ulo ko dahil wala naman akong magagawa kundi ang sundin siya dahil baka mapahamak pa si manang. Hindi ako makakapayag dahil siya nalang ang tinuturing kong pamilya.
Umilaw ulit ang phone ko at alam kong si papa yun at sinend sa ‘kin ang address ng bahay ng babaeng punong-puno ng makeup. Pag naklita ko talaga ang babaeng yun bukas ay mumurahin ko siya hanggang sa kusa siyang magsabi sa ama ko na ayaw na niya akong pakasalan.