Chapter 7
Marilyn’s Pov
NANDITO ako sa La Presya kasama si ma’am Casopia. Dinala niya ako dahil ako ang napili na gawin niyang alalay. Two weeks lang naman ang sabi at babalik din kami ng Manila.
Kabado nga ako dahil halatang maldita si ma’am. Hindi na nga ako nagsasalita pa dahil kapag nagkakamali ako ay pinapagalitan niya ako.
Dinala niya ako sa isang malaking bahay na akala ko ay bahay niya. Yun pala ay hindi. Siya lang ang pumasok sa loob ng bahay at pinahintay lang niya ako sa labas ng bahay. Walang upuan kaya nakatayo lang ako.
Panay nga ang lakad-lakad ko dahil gusto ko malibang habang hinihintay ko na lumabas si ma’am Casopia. Kanina pa yun pero hindi pa siya lumalabas. Nagugutom na din ako dahil hindi naman kami kumain sa byahe. Kaya kagabi pa talaga ang huling kain ko.
Naisipan ko nalang na bumalik kung saan ako iniwan ni ma’am Casopia para hintayin ko siya. Baka kasi lumabas na siya ng bahay at hanapin niya ako.
Nakayuko ako habang naglalakad at naramdaman kong may nakasalubong ako pero huli na ang paglingon ko dahil nalagpasan na niya ako. Lumingion pa ako at nakita ko ang isang matangkad na lalaki. Hindi ko nakita ang mukha niya pero sa likod pa lang ng lalaki ay alam kong makisig ‘to at gwapo.
Hindi ko nalang pinansin at bumalik ako sa pwesto ko at tumayo. Napabuga ako ng hangin dahil nagugutom na talaga ako. Kanina pa kumukulo ang tiyan ko. Gutom na gutom na talaga ako. Baka mahimatay ako nito.
Ilang sandali pa ay nakita kong bumukas ang pintuan ng main door. Akala ko ay si ma’am Casopia yun ngunit hindi pala. Isang lalaki ang lumabas at mukha siyang mayaman dahil sa suot niya. Kahit mahirap ako ay alam ko kung mayaman ang isang tao. Halata naman sa lalaking ‘to na dahil mula sa damit, relo at sapatos.
Mukhang badtrip yata ang lalaki dahil nakakunot ang noo niya. Hindi ko nalang pinansin dahil hindi ko naman siya amo. Manahimik nalang ako sa gilid.
Ngunit biglang tumingin sa akin ang lalaki. Titig na titig siya kaya naiilang akong nag iwas ng tingin. Natatakot ako na baka bawal pala akong tumayo dito at paalisin niya ako.
“Who are you?” Biglang tanong ng lalaki sa ‘kin kaya nataranta ako. Kinakabahan ako sa uri ng titig niya.
“Marilyn po, sir. Katulong po ako ni ma’am Casopia.” Magalang kong sagot at pinipilit ang sarili na wag mautal.
Tumango-tango naman ang lalaki. “Bakit hindi ka pumasok sa loob ng bahay? Kanina ka pa ba nakatayo diyan?” Tanong niya sa ‘kin kaya tumango ako ng dahan-dahan.
Kumunot ang noo ng lalaki. Hindi mapagkakaila na gwapo siyang lalaki. Pero hindi ko type ang lalaking ‘to. Ewan ko ba, halata naman kasing babaero. Pag gwapo ang isang lalaki ay asahan talaga na habulin ng babae.
“Kung ganun, pumasok ka sa loob ng bahay. Bisita ka din kaya dapat lang na pumasok ka. Hindi lang si Casopia ang bisita.” Sabi niya at agad na tinalikuran ako. Nagulat ako sa sinabi niya at hindi ko ine-expect na sasabihin niya yun.
Hindi ako sumunod sa sinabi niya dahil hindi ko alam kung papasok ba ako sa malaking bahay. Nahihiya ako dahil katulong lang naman ako. At isa pa, ang bilin sa ‘kin ni ma’am Casopia ay hintayin ko daw siya sa labas.
Biglang lumingon sa ‘kin ang lalaki at naramdaman yata niya na hindi ako sumunod sa kanya kaya niya ako nilingon. “Ano pang ginagawa mo? Bakit hindi ka pa sumunod sa ‘kin?” Tanong niya habag nakakunot ang noo.
“Ahm.. sabi po kasi ng amo ko na hintayin ko lang po daw siya dito sa labas. Baka mapagalitan po ako kapag sinaway ko po utos niya.” Sagot ko sa nahihiyang boses.
“Sabihin mo sa amo mo na si Kai ang nagpapasok sa’yo sa bahay. Sumunod ka sa ‘kin.” Matigas niyang sabi saka siya naglakad na naman. Pero hindi talaga ako sumunod kasi hindi ko naman kasi siya kilala. Hindi naman siya ang nagpapasahod sa ‘kin kaya bakit ko siya susundin.
Ngunit tumigil na naman muli ang binata at lumingon na naman sa gawi ko. Napangiwi ako dahil masama niya akong tinignan. “Okay lang po ako dito, sir. Hindi nalang po ako papasok.” Magalang kong sabi para hindi na niya ako pilitin.
Narinig kong bumuntong hininga ang lalaki saka siya naglakad palapit sa ‘kin. Napaatras ako at hindi alam ang gagawin lalo na ng malapitan niya ako. Baka kasi pagalitan niya ako dahil hindi ako sumunod sa kanya.
Mas nagulat ako dahil bigla nalang niyang hinawakan ang palapulsuhan ko. “Tara na! Sagot kita kapag nagalit ang amo mo. Namumutla ka na oh.. baka mahimatay ka dito sa harap ng bahay namin.” Saad niya sa baritonong boses.
Hinila ako ng lalaki na may pangalan na Kai. Nagpatianod lang ako sa kanya hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay. Hindi ko natignan ang itsura ng bahay dahil hila-hila ako ng lalaki.
Gusto ko na sanang hilain ang kamay ko dahil hindi ko naman siya kilala. Nakarating kami sa kusina at nakita ko na may tatlong maid do’n. Isang matanda at dalawang katulong na sa hula ko ay nasa 40 pa ang edad.
“Maghanda ka ng pagkain, manang. Pakainin mo ang bisita.” Utos ng lalaki sa matandang katulong.
“Sige po, sir Kai.” Sagot ng matanda. Hindi ako kumilos kaya nagulat ako ng pinaghila ako ng upuan ng lalaki at agad akong pinaupo.
“Kumain ka. Wag kang mahiya.” Saad ng lalaki sa ‘kin saka lang siya umalis sa harapan ko at naglakad palabas ng kusina. Hindi tuloy ako nakapag thank you sa kanya.
May inilapag ang matandang katulong sa harapan ko kaya agad akong ngumiti at yumukod. “Salamat po.” Saad ko sa nahihiyang boses.
“Walang anuman. Sige na, kumain ka na, hija.” Saad ng matanda at tinuro ang mga inilapag nilang pagkain sa harap ko. Kahit nahihiya ako ay agad kong kinuha ang kutsara at tinidor. Nagugutom na talaga ako kaya wala ng hiya-hiya. Baka pag pinairal ko ang mahiyain ko ay baka mamatay ako sa gutom.
Mabilisan ang ginawa kong pagkain dahil baka lumabas na si ma’am Casopia at hanapin ako. Sunod-sunod ang subo ko bahala na kung mabilaukan ako. Naglagay din ng isang basong tubig ang isang katulong kaya nagpasalamat ako.
Nang matapos akong kumain ay wala akong sinayang na oras at agad akong tumayo kahit busog na busog ang tiyan ko. Wala akong oras magpahinga kaya dapat lang na tumayo ako para maghugas ng plato.
Lumapit ako sa lababo at nagulat ako ng bigla akong pinigilan ng matandang katulong. “Ako na niyan, hija. Wag ka ng mag abalang maghugas.” Sabi niya sa ‘kin kaya ngumiti ako.
“Naku, wag na po, nanay. Ako nalang po. Ang totoo po kasi ay maid din po ako. Yung amo ko kausap pa po yata ang amo mo. Kaya keri ko na po ‘to. Ako na pong bahalang maghugas nito.” Pagsasabi ko ng totoo.
“Ang ganda mo namang katulong, hija. Pero, ako na ang maghuhugas nyan. Bisita ka parin kahit sabihin mo na katulong ka. Hayaan mo, pag ako naman ang pumunta sa bahay ng amo mo ay kakain din ako do’n at ikaw ang maghuhugas ng plato ko.” Sabi ng matanda kaya natawa ako.
“Si manang naman eh. Nakakahiya po kasi,” sabi ko pa ngunit natawa lang siya sa sinabi ko at ginulo niya ang buhok ko.
“Ako na niyan. Umupo ka nalang muna at magpahinga dahil kakakain mo lang.” Saad niya habang nakangiti sa ‘kin. Wala na akong nagawa kundi ang hayaan si manang lalo na’t inagaw na talaga nya sa ‘kin ang hawak kong plato.
Umupo nalang akong muli at pinanood si manang. “Ano nga palang pangalan mo, hija?” Tanong niya sa ‘kin habang naghuhugas.
“Marilyn po. Marilyn Rivera po.” Pagpapakilala ko.
“Ako naman si manang Elena. Ang mayordoma dito sa pamamahay ng Villanueva. Kaya matagal na din akong katulong dito.” Saad niya kaya napangiti ako.
“Ganun po pala. Ag tagal mo na din po pala. Ako po kasi bago lang po akong katulong sa amo ko.” Pagkukwento ko sa kanya.
“Naku, wag kang magtagal bilang katulong mo, hija. Maganda ka kaya maraming oportunidad ang darating sa’yo.” Sabi ni manang na para bang pinapayuhan ako. Napangiti na lamang ako dahil tama siya, wala talaga akong balak magtagal sa pagiging katulong.
“Nagulat ako dahil may hinila si sir Kai na babae at naging mabait siya para pakainin ka. Hindi naman kasi ganun ang batang yun.” Saad ni manang ng matapos siya sa paghuhugas ng plato.
“Talaga po? Nagulat nga din po ako dahil pinapasok po niya ako kahit hindi po niya ako kilala. Nakita niya po kasi ako na nakatayo sa labas ng bahay.” Tugon ko habang nakatitig sa mukha ng matanda na halatang hindi makapaniwala.
“Naku, kahit ako man. Mas gusto ko pa ang alaga kong napaka bait kaysa sa kanya. Walang wala ang kabaitan ni Kai kay Koa.” Naiiling na sabi ng matanda kaya hindi nalang ako sumagot dahil hindi ko naman kasi kilala.
Nagpaalam na ako kay manang at nagpasalamat talaga ako sa kanya. Ang bait kasi niya. Hindi katulad sa mayordoma sa bahay ni ma’am Casopia na mga maldita.
Lumabas ako ng bahay at hindi ko na nakita pa si sir Kai. Magpapasalamat sana ako pero wala naman siya kaya next time nalang siguro.
Nang makalabas ako ay nakahinga ako ng maluwag dahil wala pa si ma’am Casopia. Akala ko talaga ay lumabas na siya at hinihintay ako. Sigurado talaga ako na mapapagalitan niya ako.
Tumayo ako kung saan ako nakatayo kanina. Ngunit hindi nagtagal ay bumukas ang pintuan ng main door at lumabas mula doon si ma’am Casopia. Napasabi nalang talaga ako sa isipan ko na sakto talaga ang paglabas ko. Buti nalang talaga.
Nakatitig lang ako sa mukha niya dahil halatang masama ang mood niya. Mukhang patay ako nito kapag pumalpak na naman ako sa utos niya.
“Let’s go.” Sabi niya saka siya naglakad papunta sa gate. Dali-dali naman akong sumunod sa kanya at baka mapagalitan pa niya ako.
Nang makalabas kami ng gate ay tumakbo ako papunta sa backseat. Pinagbuksan ko siya ng pintuan ng kotse. Ayaw ko na kasing masabihan niya na bobo tulad kanina.
Pumasok siya agad sa loob ng sasakyan kaya isinara ko ang pinto. May driver naman si ma’am Casopia kaya do’n ako sa passenger seat uupo. Hindi naman ako pwedeng tumabi sa kanya. Baka masipa pa niya ako palabas ng kotse.
Pumasok ako sa passenger seat at ikinabit ang seatbelt. Si kuya driver naman ay agad niyang binuhay ang makina ng sasakyan at pinausad.
“Diretso na tayo sa bahay ko.” Utos ni ma’am Casopia.
“Yes po, ma’am.” Sagot ni kuya driver. Ako naman ay tahimik lang dahil hindi naman ako tinatawag ni ma’am.
Hindi naman na nagsalita ang amo ko kaya tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Gusto ko ng matulog para kahit papano ay makapagpahinga man lang ako saglit. Sana maisip ni ma’am Casopia na tao lang din kami ni kuya driver at kailangan din matulog.
Bumiyahe kasi kami dito sa La Presya na walang tulog talaga. Utos kasi ni ma’am Casopia na wag daw akong matulog para may kausap si manong driver. Kaya hanggang ngayon ay wala akong tulog. Buti pa nga si manong ay nakatulog dito sa loob ng sasakyan habang hinihintay niya kami.
“Maghanda ka bukas, Marilyn. Maglinis ka ng bahay dahil darating ang mapapangasawa ko para sunduin ako bukas.” Biglang sabi ni ma’am Casopia.
“Sige po, ma’am.” Tugon ko agad.
Hindi naman na siya sumagot at tumahik na. Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa bintana at napabuntong hininga. Inaantok na talaga ako at gusto ko ng magpahinga. Sana makatulog ako pagdating namin sa bahay ni ma’am. Para na akong panda nito. Baka hindi ko magawa ang utos niya kapag wala akong tulog dahil lutang na ako.
Naririnig ko ang mahinang tawa ni ma'am Casopia. Siguro ay may ka text siya dahil naririnig ko ang tunog ng cellphone niya.
Mabuti pa siya mayaman, samantalang ako.. mahirap lang at nag iisa pa sa buhay. Minsan nalulungkot na ako sa buhay ko. Pero wala naman akong magagawa kundi ang harapin ang mga araw na darating.
Gusto ko ng sumuko sa buhay. Gusto ko ng makita ang mama ko pero alam ko naman na bawal yun. Ayaw ko naman magpakamatay kaya hihintayin ko nalang na kusa talaga akong mamatay para makapunta na ako kay mama.
Sasabihin ko talaga kay mama na si papa ay masaya na sa piling ng ibang babae at kinalimutan na ako. Nakakatawa ang ama ko. Inis na inis tuloy ako sa kanya t'wing naalala ko siya.