Part 2

1495 Words
Deep inside her, natutuwa rin naman siya. Bakit nga ba hindi ay paborito niya sa lahat ang bulaklak iyon. Bahagi na ng buong buhay niya iyon at ang pamumulaklak niyon ay nagpapahiwatig din na nalalapit na ang panahong pinakapaborito niya sa loob ng isang taon. Christmas. Pero hindi siya magpapadala agad sa panunuyo nito ng dahil lang sa halaman na iyon. Lately ay nale-late si Jake kundi man talaga hindi ito nakakatupad sa pangakong sasamahan siya sa mga lakad niya. Idinadahilan nito palagi ang trabaho nito. Minsan naiisip niya, baka dahil sa tatlong taon na ang relasyon nila kaya medyo nagbabago na ito. Hindi kagaya noong bago pa lang sila na kulang na lang ay huwag itong humiwalay sa kanya. “You promised me. Sabi mo sasamahan mo ako sa lakad ko,” sumnbat niya dito. “Sorry. May dinaluhan akong meeting kanina tapos may nadaanan akong garden show. I looked around at ayan na nga, binilhan naman kita ng poinsettia.” Umismid siya. “Wala iyong dalawa kong staff. Ako na ang kumuha ng stock, ako pa ang nag-drive. Na-flat ang gulong ko, ako pa rin ang nagpalit. Ako na lahat. Mabuti na lang nadaanan ako ni Luis.” “Naging bayani mo si Luis?” biglang nag-iba ang tono nito. “What do you mean? Hindi ka naman yata nakikinig, eh. Di ba sabi ko nga, ako na lahat? Kung nagkataong umulan, ako na iyong pangalawang The Girl in the rain. Puwede naman kaming magkasing-ganda ni Bea Alonzo, di ba?” “At si Luis ang Enrique Gil mo?” madilim ang mukha na sabi nito. Jake knew how fascinated she was with that movie. “Nagseselos ka ba kay Luis?” prangkang tanong niya dito. “May gusto sa iyo iyong lalaking iyon.” he said in a-mattter-of-fact tone. “You’re crazy! Si Ate Lara ang gusto niya. Alam mo, ikaw, parang hindi tayo magkakabarkada dati pa. Ever since, kilala mo din naman si Luis.” “Pareho lang kaming lalaki. Alam ko iyong mga tingin niya sa iyo.” Obvious na nagseselos nga ito. Itinigil niya ang ginagawa niya. “You know what? Kung sinamahan mo ako kanina, hindi mo iisipin ang ganyan. At nakita mo sana iyong mga bulaklak sa pick-up niya. And that is not for me. Eh, kaso, busy ka pala sa meeting mo,” parunggit niya dito. Paano magiging hassle sa relasyon nila ang trabaho nito samantalang ito ang mismong amo? Somehow, may mga warning bells sa kanya na baka nanlalamig na ito sa relasyon nila. She also made a reality check. Baka siya rin naman ay nagbabago na din kay Jake kaya ito ganoon. Busy siya sa negosyo lately dahil nga malapit na ang Christmas season. But as far as she know, at sigurado naman siya doon, hindi pa rin siya nagbabago ng pakikitungo dito. Kung paano siya nakilala ni Jake kahit noong mga bata pa sila ay halos ganoon pa din siya. They watched each other grow. They started off as childhood friends, barkada noong high school hanggang college at maka-graduate, hanggang isang beses na nanood sila ng sine--- na silang dalawa lang --- na naapektuhan yata sila ng mensahe ng pelikula, kaya paglabas nila ng sinehan ay nahalata niya si Jake na parang alumpihit. Pagkatapos ng kulitan, napaamin niya ito, na matagal na palang may lihim na pagsinta sa kanya. And she realized, too, na hindi lang basta barkada ang nararamdaman nila sa isa’t isa. Tinawid nila ang borderline na tinatawag ng iba na thin line between friendship and love. It was heaven. Iyong kaligayahan at kilig na hindi nila inaasahang nasa tabi lang pala nila at kay tagal nilang hindi nahahalata. At dahil matagal na silang magkaibigan, maging mga pamilya nila ay natutuwa rin para sa kanila. Everyone was expecting them to get married sooner or later. They were officially on for three years now. Mag-a-apat na taon na nga kung bibilangin ang mga buwan na nagdaan. Pero kahit na anong tanong o panunukso sa kanila ng tungkol sa pagpapakasal, hindi nila iyon napag-uusapan, seryoso man o biruan. At gaya nga ng sabi niya kay Luis kanina, maghihintay lang siya kung kelan magsasalita si Jake tungkol doon. Ayaw niyang pangunahan ito. In fact, pakiramdam nga ni Rachelle ay tila hindi pa handa si Jake para doon. Iisa lang ang walang kamatayang sagot nito. “Hihintayin kong pikutin ako ni Love.” Kaya naman mas lalong hindi siya ang magbubukas ng usapan tungkol sa kasal. Yes, she was thinking about it for quite some time now. Sa darating na December ay twenty-six years-old na siya. Alam niyang marami ang hindi nagmamadali sa pag-aasawa at siya man ay ganoon din. Pero kung aayain siya ni Jake, ano naman ba ang dahilan para siya tumanggi? She loved him. And she was emotionally and financially ready. Alam niyang marami pa nga ang matutuwa kapag nangyari iyon. Alam niyang handa na rin si Jake. Kagaya niya ay may-kaya ang pamilya nito. Isa rin ito sa masuwerteng nilalang na kahit hindi magtrabaho ay mabubuhay nang maalwan. Pero hindi ito nasanay na hindi kumikilos. Ipinakita nito sa pamilya ang interes na pamahalaan ang kabuhayan ng mga ito kaya kalaunan ay dito na ipinamahala ng mga magulang ang isa sa mga negosyo nito. Iba’t ibang dormitoryo ang pag-aari ng mga ito malapit sa malalaking unibersidad sa Kamaynilaan bukod pa sa mga apartments at townhouses sa iba’t ibang panig ng Kamaynilaan. At gaya ng mga magulang niya, ang alam niya ay may sosyo din ang mga ito sa iba’t ibang malalaking negosyo sa bansa bukod pa sa mga investments ng mga ito sa stock market at mutual funds. Dating pagmamay-ari ng mga Primavera ang isang malaking rubber manufacturing company. Subalit bumagsak iyon at halos malubog ang mga ito sa dami ng liabilities. Tinulungan ng mga magulang niya na makabangon ang pamilya ni Jake. Ang ama ng binata, si Rafael Primavera ay nagdesisyon na huwag nang magtatag ng malaking kumpanya, sa halip ay ikinalat nito sa iba’t ibang aspeto ng pagnenegosyo ang pamumuhunan nito. Tila masuwerte naman ang mga ito sa realty. Sa pagkakaalam niya ay malaki na rin ang sosyo nito sa korporasyong sikat ngayon sa pagtatayo ng condominium buildings sa malalaking siyudad sa bansa. At dahil nag-iisang anak si Jake, bata pa lang ay sinanay na rin ito ng ama sa paghawak ng negosyo. Ang isa sa mga dormitoryo ay nasa pag-aari na nga mismo ni Jake. Buong kita ng dorm na iyon ay napupunta na kay Jake. At may sweldo pa rin ito bilang administrator sa iba pang dorms. And she knew how Jake handled his finances well. Sa halip na maging bulagsak ito ay masinop pa ito sa pera at mahilig mag-invest sa kung anu-anong negosyo. He also had his money working for him. Gusto nga din nito na sumosyo sa negosyo niya but she said no. Maliit lang ang negosyo niya kumpara sa nalalaman niyang investments nito sa kung saan-saang kumpanya. Maybe, papayag din siya kalaunan, iyon ay kung kasal na sila. Pero siyempre, pride niya ang umiiral sa kanya para manahimik siya tungkol doon. Ayaw niyang dumating ang araw na baka isumbat sa kanya ni Jake na siya ang nangulit dito para pakasalan siya nito. Bigla siyang napalingon kay Jake nang marinig ang paglapat ng pinto. “Don’t close the door,” kagyat na sabi niya. Lumalim ang gatla sa noo nito saka napailing. “Kung magsalita ka, daig mo pa ang nagpa-panic. Ano ba ang gagawin ko sa iyo?” Nilagpasan niya ito at siya na mismo ang nagbukas ng pinto. “Sa lahat ng naka-condo, ikaw ang palaging bukas ang pinto. Lahat ng nakatira dito, ni hindi mo masilip ang loob nila samantalang ikaw, kabisado na ng lahat ng nagdadaan itong unit mo.” “Ayoko lang masabi nila na nagpapapasok ako ng lalaki dito at nagmimilagro,” defensive na sabi niya. “Love, what are you talking about? Ano mo ba ako? Boyfriend mo ako,” pikon na sabi nito. “Besides, anong pakialam mo sa iisipin ng iba? Iyong iba nga diyan halatang-halata, kung hindi magka-live-in lang, extra marital affairs ang meron sa kanila.” “Sila iyon, iba ako.” “I know, right?” tila masama ang loob na sabi nito. “I should know in the first place. Boyfriend mo ako, Love. Mag-a-apat na taon na tayo, just to remind you. Pero lumagpas na ba tayo sa yakap at halik? Hindi pa. Hindi pa!” “Bakit ka sumisigaw?” Isinara niya uli ang pinto. Alam niyang maririnig sila ng kung sino man na mapapadaan sa hall way. “Dahil walang nangyayari sa atin kaya sumisigaw ka na? Sinisigawan mo na ako?” Mas mataas ang naging tinig niya. “Love, hindi kita sinisigawan. Pero aaminin ko sa iyo, I’m frustrated. I want to do it! I want to make love with you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD