Part 3

1955 Words
“IF YOU really want make love with me, hindi mo ako makukuha sa sigaw,” sagot niya sa normal na boses at inirapan ito. “What if I whisper?” Nagbago ang tono ng boses nito. Matabang siyang tumawa. “Hindi rin, Jake.” “Kelan puwede?” Nauwi sa lambing ang boses nito. “Matagal pa.” “Hindi puwedeng malapit na?” kulit nito. “Ano ka ba, gumagawa ka ng pag-aawayan natin. Ako nga ang dapat mainis pa sa iyo, eh. Nangako ka sa akin na sasamahan mo akong kumuha ng mga paninda ko sa supplier ko. Pero hindi ka dumating,” paglilihis niya sa usapan. Tinitigan siya nito saka mayamaya ay isinuksok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon at ngumiti. She loved the way he do that. Nagpapa-cute ito na effective na effective naman sa kanya. “Nasabi ko na nga kanina. I had a meeting at bumili ako ng poinsettia,” malambing na sabi nito at lumapit sa kanya. “Hindi mo man lang pinapansin ang poinsettia na binili ko para sa iyo.” “Sanay na ako sa mga poinsettia. Mas iniinda ko yung pagod ko sa pagbuhat ng stocks. Ang sakit kaya ng balikat ko.” Mabilis itong pumwesto sa likuran at dumako sa mga balikat niya ang kamay nito. Dahan-dahan nitong minasahe iyon. Napapikit siya nang makaramdam ng ginhawa sa ginawa nito. Mayamaya ay napapitlag nang maramdaman na iba ang diin ng pagmamasahe nito. Eksaktong paglingon niya sa binata nang dumampi ang mga labi nito sa batok niya. “Jake!” kislot niya. Parang sinundot sa tagiliran na pumiksi siya dito. “Ayan ka na naman.” Sumimangot ito. “Para nilalambing ka lang.” “Alam ko naman kung saan papunta iyang sinasabi mong lambing na iyan, eh.” Binalikan niya ang mga damit na kukuhanan ng litrato para i-upload mamaya. Iniladlad niya ang isa at isinabit upang i-steam. Ganoon siya magtrato sa paninda niya, gusto niya ay perpekto iyon para mas ma-appeal sa mga buyers niya. Magpa-Pasko at kabisado na niyang kapag ganitong panahon ay hindi lang triple ang nagiging sales niya. Ngayon pa lang ay excited na siya. Kahit na sinong negosyante ay Christmas season ang inaabangan. Napatili siya nang buhat sa likod ay niyakap siya ni Jake. “Jake, ano ka ba?!” “Puro iyan ang pinapansin mo samantalang nandito na nga ako. Ni hindi mo yata na-appreciate yung pasalubong ko sa iyo, eh.” Hinigpitan nito ang yakap sa bewang niya. She inhaled. For a while, sumandig siya sa dibdib nito at pumikit. Gusto niyang namnamin ang mga sandaling iyon. Dahil sa mga pagkakataong iyon ay nare-realize niya kung gaano siya ka-suwerte sa binata. Hindi siya nito pinupuwersa sa isang bagay na hindi pa niya handang ibigay. At dahil doon kaya naman mas lalo niya itong minamahal. She closed her eyes. Iniyakap din niya ang mga kamay sa braso nitong nagkukulong sa kanya. “I love you, Jake,” she said in almost a whisper. “I love you more, Love. Alam mo iyan. Noon pa man.” “I know, Jake. Ikaw lang ang hindi tumatawag sa akin sa iba kong pangalan. And I mean, ever since.” To most people, she was Rachelle. “Because, no other name suits you, Love. It’s always love. Dahil iyan din ang nararamdaman ko sa iyo mula pa noon.” Nakairap na nilinga niya ito. “Kaya naman pala kahit naka-graduate na tayo ng college, wala pa akong kamalay-malay sa nararamdaman mo na iyan,” tudyo niya dito. “Kahit sinong lalaki, may tendency na natotorpe lalo na pag talagang totoo sa loob namin ang feelings namin. Parang hirap kaming aminin.” “Thank you, Jake. Hindi madali ang naging simula ko. But you were there. You are always here for me.” Tumikhim ito. “Do I need to explain further?” Humiwalay siya ng yakap dito. “Siyempre, hindi na. Alam na nating dalawa iyan,” natatawang sabi niya. “Aber, tingnan ko nga itong pinagmamalaki mong poinsettia. Ano bang meron dito? Meron din akong ganitong variety sa Valle Verde.” “Iba naman, siyempre, ang bigay ko.” Naupo ito sa sofa. “Pinili ko talaga ang the best para sa iyo.” Sinulyapan niya ito at napangiti. “What do we have here?” Nilapitan niya ang halaman na parang isang specimen na iinspeksyunin. “Well, that’s for you to find out, Love.” Kinindatan siya nito. Nanulis ang nguso niya. “Huwag mo akong sorpresahin, Jake. Hindi ka pa nakakabawi ng atraso mo sa akin.” Unti-unti ay tinanggal niya ang proteksyong plastik nito habang iniisip niya kung anong kalokohan naman kaya ang meron doon. Hindi niya makakalimutan na noong minsan na binigyan siya nito ng isang pasong stargazer ay nagtitili siya nang may makapa siya na bubuwit sa bandang ilalim niyon. Mangiyak-ngiyak na siya sa takot nang malaman niyang laruan lang iyon. “Babawi ako sa iyo ngayon, Love. Big time!” She made face. Pero bahagyang natigilan nang makita ang ekspresyon nito, tila excited na hindi maipaliwanag. Ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon dahil ganoon naman talaga ito kapag may pasalubong sa kanya. Mas excited pa ang binata kesa sa kanya. Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya nang tuluyang mahubad ang plastic. The plant was... gorgeous, for the lack of term. Hinaplos niya ang bulaklak nito. It was perfect. Ang ganoong klase ng bulaklak ang natitiyak niyang naitago sa dilim ng sapat na oras sa panahon ng pagbubuko ng bulaklak nito. It was perfectly cultured. She knew it. At tamang-tama sa panahon ng Kapaskuhan ang peak ng pamumulaklak nito. In fact, magtatagal pa ang bulaklak nito kahit lumampas ang Bagong Taon. Sa karanasan niya sa halamang iyon, may mga ibang variety na inaabot pa ng Pebrero na matimyas pa rin ang kulay ng mga bulaklak. Ininspeksyon pa niya ang mga dahon niyon. Maganda. Magandang klase ang halamang pasalubong nito sa kanya. Wala na siyang masasabi pa. Lalo at mukha wala rin naman kahit na pekeng bubuwit na nagtatago sa bandang puno niyon. “What’s this?” Napakunot ang noo niya nang may makapa na malambot. Humiwalay iyon sa lupa at itinapat niya sa liwanag upang mas makitang maige. It was a piece of cloth. Actually, a pouch. A small, black velvet pouch. Kinapa niya iyon. Binuksan at sinilip ang loob. Wala namang laman. “Ano bang meron dito, Jake?” she asked. “Wala. Nasa akin ang laman niyan, eh.” And then he flashed a ring. Napanganga siya. “Surprised?” nakangiting sabi nito saka lumapit sa kanya. Buhat sa pagkakaupo nito sa sofa ay lumapit ito sa kanya---on bended knees. “Love...” “Jake, don’t tell me---” “The obvious?” He gave her a killer smile. “Will you marry me, Rachelle Love Castillo?” Napalunok siya. Hindi siya makapagsalita agad. “J-Jake, this is, indeed, a surprise.” Her voice croaked. “Come on, Love. Yes, or Y-E-S?” HINDI agad na nakasagot si Rachelle. Mabilis na gumapang sa dibdib ni Jake ang kaba. Tatanggihan ba siya ng dalaga? “Pareho lang iyon, eh,” mayamaya ay sabi nito. “Because I won’t take no as an answer.” Inabot niya ang kamay nito. “Let’s see if this will fit.” Sinikap niyang maging matatag ang tinig pero sa loob niya ay kinakain na siya ng matinding kaba. “Hindi pa ako sumasagot,” sabi nito sa mahinang tinig habang nakatingin sa singsing na nakaamba niyang isuot sa daliri. “Will you marry me?” he asked again. This time, nilangkapan niya ng tatag ng loob. Hindi niya inaasahang nenerbiyusin siya ng ganoon. He was so confident proposing to her. Tiwalang-tiwala sila sa tatag ng relasyon nila na sa kasalan din mauuwi. Pero bakit ngayon ay parang hindi niya kayang hulaan ang ekspresyon ni Rachelle. Hindi niya akalaing ganito ang pakiramdam ng nagpo-propose. Paano kung tumanggi ito? “Yes, of course!” Narinig niyang sagot nito na parang maiiyak. “Yes!!!” Ganoon na lang ang pagbaha ng relief sa dibdib niya. Nagdidiwang na isinuot niya dito ang singsing. “Thank you, Love. I love you.” Kinabig niya ito at saka siniil ng halik. Bumuka ang mga labi ni Rachelle. Tinanggap nito ang mga halik niya. At ginantihan din. They shared a sweet kiss. Nagmistula iyong mitsa sa nararamdaman niya. Pinangahasan niyang palalimin pa ang halik. Mas nagsasaliksik, mas naghahanap. At base sa paghalik din niya dito, alam niyang natatangay ito. At natatangay pa. Parang lalong lumaki ang apoy na nasindihan sa loob niya. Ilang sandali pa at natagpuan niya ang mga sarili nila sa sofa, sa mas maiinit na halik at mas mapapangahas na pagdiskubre sa katawan ng bawat isa. His hands are all over her. Sabik siya at nagmamadali na madama ang bawat bahagi ng katawan ng dalaga. Bawat haplos niya sa balat nito ay ramdam niya ang tila pagdila pa ng apoy sa sarili niyang katawan. “Love, I can’t wait to have you,” bulong niya dito sa pagitan ng maalab na halik nito sa pagitan ng leeg at tenga niya. And she was oblivious. She denied him for so long. And in the process, he knew she was denying herself too. “Jake.” Bumitaw ito ng yakap sa kanya at inilagay ang mga kamay sa pagitan nila. Napakunot siya ng noo. Saglit na nagtagpo ang kanilang mga mata at pumikit ito. He could see her cheeks getting red. Nabasa niya sa anyo nito ang tila pagkapahiya. Mabilis itong kumilos upang ibalik sa ayos ang mga damit na halos maubos sa kanilang katawan. Nais magprotesta ng bawat gulo ng mga ugat niya sa ginawang iyong ni Rachelle. Ramdam niya sa sarili niyang katawan na nanghihingi iyon ng kaganapan mula sa init na kanilang nasimulan. “Love?” He went still. Parang gusto niyang ibalik ang ilang segundo na nakaraan. He just wanted to grab her and kiss her hard. “M-magagalit ka ba kung sasabihin ko sa iyong ituloy na lang natin ito kapag kasal na tayo?” Isang ungol ng protesta ang lumabas sa mga labi niya saka ibinagsak ang likod sa sofa. Tinitigan niya ito habang tila hindi magkandatuto na ibalik sa ayos ang damit. Gusto niyang tulugan itong ibutones ang damit subalit hindi niya maipapangako sa sarili na hanggang doon lang ang magagawa niya. Ang tagal-tagal na niyang nagpipigil sa sarili at palagi itong pinagbibigyan sa kung hanggang saan lang ang kaya nitong ibigay. “Ang tibay mo, Love. Hindi kita matibag,” aniya na amused na ngumiti at hinawakan ang kamay nito. “Kahit may suot ka na nito.” He touched her ring. “Kapag naging wedding ring ito, I’ll be yours. Morning, noon and night.” Binigyan siya ni Rachelle ng isang tila nanunukso at nangangakong ngiti. “Promise?” he asked. Parang nabuhay ang mga umaandap na apoy sa katawan niya. “Promise.” “All right.” Tumayo siya at hinila din ito. “Let’s go.” “Saan tayo pupunta?” gulat na tanong ni Rachelle. Ilang hakbang lang at nasa pintuan na sila. “We will get married. Sabik na ako sa morning, noon and night na iyan.” “Gabi na.” Ang totoo, wala pang alas siete ng gabi ayon sa wall clock. “May ninong akong judge. Sigurado ako, gising pa iyon.” “Wala tayong dalang requirements. Iyong marriage license---” “Sa palagay mo, hindi ako boy scout?” Tinapik niya ang pisngi nito. “Trust me, Love. Bago magpalit ng petsa, Mrs. Jake Primavera ka na.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD