THEIR baby was named Jamie Lucy. Pinag-usapan na nila ni Luke ang tungkol sa pangalang iyon. At wala itong anumang pagtutol na pagsamahin ang pangalan nilang magkaibigan. Pero malamang ay matatagalan pa bago magamit ng bata ang totoo nitong pangalan. She was fondly called Blessy. At iyon at dahil na rin sa kagustuhan ni Ethel sapagkat wala siyang pag-aalinlangan na isang malaking blessing sa buhay niya ang anak. Mag-iisang taon na ngayon si Blessy. Hati ang features na nakuha nito sa mga magulang. Tanging si Olivia ang nakakapagsabi kapag may kilos ito o anggulo na nahahawig kay Jaime noong bata pa ang huli. Pero dahil babae, mientras tumatagal ay parang mas nagiging kamukha ni Ethel. Na ipinagpapasalamat naman niya. Hindi dahil sa kagustuhan niyan

